Star Trail Six

174 5 6
                                    


NANDITO ako sa waiting shed sa tapat ng school at kakatapos lang ulit ng practice namin for recoginition. Hindi ako mapakali habang naghihintay ng jeep patungo sa store nila Market Square kung saan matatagpuan ang music store nila Ivan. Habang nasa practice, natanggap ko ang message niya na tapos na raw ayusin ang gitara ko.

Dapat ay magpapasama ako sa mga kaibigan ko ngunit lahat sila ay may kanya-kanyang lakad kasama ang mga pamilya nila. Ang saya ng pamilya nila. May paki sa kanila ang mga magulang nila at may mga kapatid silang maaasahan, habang ako, wala. Kapag pumupunta ako sa bahay nila, I can't stop being envious of the closeness of their family. May pagmamahal, pagkalinga, at supportive sila sa isa't isa, things na wala sa pamilya namin. Nanumbalik ako sa realidad nang may bumusinang kotse sa aking harapan.

"Mary, sakay ka na." it was Henry. Dahil excited na ako kuhanin ang gitara, dali-dali akong sumakay kahit medyo nakakahiya sa kanya.

Recognition and Graduation week ngayon, maraming pamilya ang nasa mga mall, kumakain o nagba-bonding upang i-celebrate ang successful school year ng kanilang mga anak. Malaki man o maliit, marami man o walang achievements ang kanilang mga anak, masaya pa rin ang mga magulang nila para sa mga ito.

Nakakalungkot lang na napapalibutan ako ng masasayang pamilya. Mga magulang na masaya para sa kanilang mga anak at mga anak na masaya dahil suportado sila ng kanilang mga magulang. Nakakainggit sila, sana ganito rin ang mindset nila mom and dad. Masyado silang nabulag sa mga achievements ni kuya.

"Mama, papa, sorry kung wala ako masyadong awards and maraming medals tulad ng mga kaklase ko." malungkot na sabi ng isang babae na nakasuot ng uniform at mayroon itong corsage sa uniporme habang umiinom ng shake. Nakasandal ang ulo nito sa balikat ng kaniyang nanay. Nakaupo sila sa isang bench sa tabi ng mga bilihan ng pagkain, "Hayaan niyo, babawi ako sa susunod na taon." dagdag pa nito at pagkatapos ay hinimas ng kaniyang nanay ang kaniyang buhok.

"Anak, hindi naman namin hinahangad ang mga awards at medals mo. Ang mahalaga, makapagtapos ka ng iyong pag-aaral." sabi ng nanay sa kanyang anak at pagkatapos ay niyakap siya nito. Bigla akong nakaramdam ng inggit nang makitang niyakap siya ng kanyang nanay. Never ko pang nayakap si mom and never kong naranasan na himasin niya ang aking buhok kapag nakakaramdam ako ng lungkot.

"Ayos lang naman 'yon anak, ang mahalaga masaya tayong pamilya. Hindi tulad ng iba na marami ngang medal at awards, malungkot naman sila." sabi naman ng tatay sa kaniya na naka-antig sa damdamin ko. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata kaya naman kinuha ko ang aking panyo at kaagad na pinahid ito.

"Salamat po 'nay, 'tay!" sabi naman ng babae at pagkatapos ay inakbayan niya ang kaniyang mga magulang, "Mahal na mahal ko kayong dalawa." dagdag pa nito at pagkatapos ay binigyan niya ng halik sa pisngi ang dalawa.

"Mahal ka rin namin anak." sabi naman ng nanay habang nakangiti sa kaniyang anak, "Proud na proud kami sa'yo." dagdag pa nito bago sila tumayo at umalis sa kanilang kinauupuan.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Naiinggit ako sa babaeng 'yon, ang swerte niya. Kung bibigyan ako ng pagkakataon, gusto ko ring magkaroon ng magulang na tulad niya. Ang sakit sa puso na isipin na hindi gano'n ang mga magulang ko. Na kahit na anong mangyari ay hindi sila magiging proud sa akin at hindi nila susuportahan ang aking kagustuhan dahil hindi ako si kuya. Hindi ako ang kapatid ko na pinakamatalino sa school, ang pinakamagaling, ang mahal nila, at ang nakakapagbigay sa kanila ng karangalan. Kahit anong gawin kong pigil ay hindi ko mapigilan ang luha ko. Nakatayo ako sa gitna at pinagtitinginan ako ng mga tao, ng mga pamilyang masaya para sa natamo ng kanilang mga anak.

Along With The Star TrailsWhere stories live. Discover now