Star Trail Three

218 7 9
                                    


"Ano? Kaya mo pa bang ayusin 'yan?" kinakabahan kong tanong. Sa kabila ng natamo niyang sira, umaasa pa rin ako na maayos ang gitara na 'to, "Magbabayad ako ng kahit na magkano basta maibalik mo lang sa dati 'yan." dagdag ko pa at pagkatapos ay natawa bigla ang lalaking kausap ko.

Nandito ako sa isang store ng mga musical instruments sa loobg ng CSI Market Square. Wala naman silang inp-offer na service na pag-aayos ng mga sirang musical instruments pero itong kausap ko ngayon, kilala ang pamilya nila sa paggawa ng mga stringed musical instruments.

Bago ako pumunta sa simbahan ay dumaan muna ako dito. Hindi ako mapakali kapag naaalala ko na sinira ni dad ang gitara ni lolo.

Wala siyang konsensya!

Sumosobra na talaga sila ni mom. Minsan nga naiisip ko na lang na lumayas ngunit hindi ko naman kayang mag rebelde kaya nagtitiis na lang ako pero kapag napuno ako, lalayas talaga ako sa bahay na 'yon. Kung tratuhin nila ako parang hindi nila ako anak.

"Mary, bakit ba kasi hindi ka pa bumili ng bago?" tanong nito at pagkatapos ay napasimangot ako, "Kung tutuosin, mas maganda pang bumili ng bago kaysa ipaayos mo 'to. Ayan oh, marami ka nang pagpipilian." dagdag pa nito at pagkatapos ay ipinakita ang mga gitara na naka-display sa gilid niya at itinuro niya pa ang ilan na nakasabit sa pader. Oo nga, maraming bago at mas magandang gitara na tinitinda rito ngunit hindi ko ipagpapalit 'tong ipinamana sa akin ni lolo.

"Pwede ba Sullivan, tumahimik ka na lang at gawin ang pinapagawa ko." sabi ko at pagkatapos ay tumawa lang ito na parang nang-aasar.

Si Sullivan ay dati kong kaklase ngunit nitong taon lumipat siya sa ibang paaralan dahil masyadong mahal ang tuition ng senior high school sa school namin. "Basta gawan mo ng paraan 'yan! Promise, magbabayad ako ng malaki, bukod pa sa labor mo at miryenda." dagdag ko pa at pagkatapos ay napangisi ito.

"Wow!" gulat na sabi nito, "Bakit ba mahalaga 'tong gitara na 'to sa'yo? Kung susumain, hindi naman 'to gano'ng kamahalan at base sa kahoy niya, halatang matagal na 'to." sabi pa ni Ivan habang sinusuri ang bawat piraso ng gitara. Matagal na rin kasi kay lolo 'yan bago niya pa ipamana sa akin.

"Ang kulit mo talaga eh 'no?" iritado kong tanong at pagkatapos ay tumawa lang siya na nang-aasar, "That guitar was given to me by my late grandfather. Matagal na 'yan sa akin."

"Ah, may sentimental value naman pala." sagot nito habang tumatango. He looked so convinced right now.

"So ano? Kaya mo bang gawin o sa iba ko na lang ipapagawa." medyo mataray kong tanong at natawa na lang ito.

"Aba siyempre, kayang-kaya ko 'yan! Ako pa ba?" taas-noong sagot nito. Ang pamilya niya ay katulad nga ng sinabi ko, gumagawa ng gitara kaya tiwala naman ako na magagawan niya ng paraan na maayos ang gitara ni lolo, "Walang kahit na sino na nasa matinong katinuan ang magta-tiyagang mag-ayos sa luma at sirang gitara na tulad nito." pahabol pa nito habang natatawa, "Pasalamat ka lodicakes kita sa kantahan." nakangiting sabi nito at bigla na lang din akong napangiti.

Kapag nasasabihan ako ng mga ganito, para akong kinikilig at nakakaramdam ako ng tuwa.

***

Habang naghihintay sa harap ng Metropolitan Cathedral of St. John the Evangelist, bumili muna ako ng inumin sa mga naglalako sa tabi. Mayroong misa ngayon at hinihintay ko itong matapos upang makadalo sa susunod na misa. Bukod pa rito, hinihintay ko rin ang mga kaibigan ko. Every Sunday talaga nagkikita-kita kami rito upang mag-simba. Hindi naman talaga ako palasimba noon ngunit dahil sa kanila, natuto ako.

Along With The Star TrailsWhere stories live. Discover now