Star Trail Twenty Four

126 4 9
                                    

Hindi ako makapaniwala na pumayag ako sa gustong mangyari ni Caelum. Kakagising ko lang at hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang sakit ng hita ko. Sinubukan kong bumangon ngunit kaagaad kong binaon ang aking mukha sa unan dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

Kinapa ko 'yong cellphone sa may maliit na side table at pag bukas ko ng phone ko, ang daming chats ni Caelum.

"Hey, you okay? See you later. Sorry for what happened kagabi. Dapat nag dahan-dahan ako." unang chat niya sa akin. Bigla na lang akong napapikit at napasigaw nang maalala ko 'yong nangyari kagabi.


***


"So hindi ka pa talaga nagkakaroon ng girl friend, kahit na isa?" tanong ko kay Caelum habang umiinom kami. Bumili siya ng isang bucket ng San Mig tapos may kung ano pang pagkain dito.

"Oo. Ewan ko ba, parang wala naman akong balak magkaroon. One time nga nag-set up sa akin ng date 'yong mga kaibigan ko before graduation kaso hindi kami nag-work." bigla na lang akong natawa sa sinabi niya. Gulat siyang tumingin sa akin pagkatapos ay nagbukas ulit siya ng bagong bote ng beer.

"Swerte naman ng babaeng 'yon." natatawa kong sabi sa kanya. Ibinaba niya yong iniinom niyang beer tapos seryosong tumingin sa akin kaya napatigil ako. "Anyway, that's explains why you're not romantic and always act annoying."

"Grabe ka naman. Hindi nga lang ako cool shit pero masaya naman ako kasama 'di ba?" tanong niya sa akin at napaisip ako. For the past 4 weeks na nakasama ko siya, masaya naman. Nakalimutan ko ang iniwan kong mundo dahil sa kanya.

"Oo naman. Palagi ka nga lang tumatae pero masaya ka pa rin naman kasama." sagot ko sabay tawa. Inis naman siyang tumingin sa akin at pagkatapos ay binato niya ako noong mani nakaiwas ako at tumama ito doon sa lalaki sa likuran ko. Buti na lang ay hindi niya ito napansin. "Pero to be honest, jowable ka naman. Maganda boses mo, marunong ka pa tumugtog ng mga musical instruments, matangkad ka, maganda naman katawan mo, tapos may hitsura ka naman." napangiti siya at napatakip pa sa mukha na parang kinikilig.

"Wow, lots of complements ha? Baka lasing ka na kaya sinasabi mo 'yan?" natatawa niyang sabi sa akin.

"Hindi ah! Kapag ako lasing, nagsisinungaling ako pero totoo lahat ng sinasabi ko ngayon." sabi ko sa kanya habang tumatawa.

"Nako, baka mamaya crush mo na pala ako hindi mo lang sinasabi." pang-aasar nito sa akin at bigla akong napatigil sa pagtawa.

"Bitch, no." sagot ko habang nakatingin nang masama sa kanya.

"Arte mo, you never had a boyfriend din naman ah?" ganti nito sa akin. Wala akong boyfriend pero mas mahaba pa sa pila sa canteen ang mga nagkakagusto sa akin sa school.

"Excuse me, si Henry." sagot ko at napataas ang kilay niya. "Well MU lang kami no'n pero-"

"Admit it, No Jowa Since Birth ka rin naman." pagpapatuloy pa nito sa pang-aasar.

"Atleast maraming nagkakagusto sa akin." sabi ko na lang.

"That doesn't change the fact na NBSB ka pa rin." sabi naman nitong si Caelum. Talagang nang-aasar ka ah?

"Nyenye." sabi ko na lang na parang isang batang napipikon. Aba sa ganda kong 'to maraming magkakagusto sa akin. "I can make someone fall in love with me overnight." confident koong sabi sa kanya sabay tungga doon sa beer na kanina ko pa iniinom.

Along With The Star TrailsWhere stories live. Discover now