*


"Xander pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko sa kanya pagkalapag niya sa bag niya. Kakarating niya lang at inagahan ko talagang pumasok para makausap siya.

"Huwag ngayon, Cold. Busy ako." Sagot niya at sumunod na sa mga kaibigan niyang lumabas ng classroom.


*


"Oh ano? Hindi mo parin nakakausap?" Tanong sa akin ni Laurice. Lunch time namin ngayon. Umiling ako sa kanya.

"SINO COLD?" Tanong rin ni Ava at ngumiti naman ako sa kanya. Grabe, kahit pala masyadong makulit to ay namimiss ko parin ang presensya niya.

"Yung isang lalaki dyan na kasing taas ng Eiffel Tower yung pride. Hmp!" Rinig kong pagpaparinig ni Laurice habang dumadaan sina Xander sa mesa namin. Batid kong narinig niya yun kaya sinipa ko siya. "What?!" Sigaw niya pa at umiling nalang ako. Bibig talaga!


*


"Hi, Cold." Biglang bati ng nasa likuran ko habang naglalagay ako ng libro sa locker ko. Nilingon ko naman ito at nakita ko ang isa sa mga kaibigan ni Xander. Si Chris. Tumango ako sa kanya at agad na ibinalik ang tuon ko sa locker ko.

"Pwedeng pasabay?" Tanong niya at tumango nalang ako. Wala ako sa mood na tanggihan siya at mas lalong wala ako sa mood para sungitan siya.

"Kamusta?" Tanong niya ulit at bumuntong hininga naman ako.

"I'm perfectly fine, just stop pestering me." Hindi ko na napigilan ang bibig ko at batid kong nagulat siya. Napakamot naman siya ng ulo at ngumiti ng pilit.

"Paano naman tayo magiging magkaibigan niyan kung parati mo akong sinusungitan?" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya at huminto ako sa paglalakad ko.

"Look, I don't need a friend because I obviously have one, or two. So please? Stop what you're doing 'cause it's hella annoying." Sagot ko at nagpatiuna ng maglakad.

"He asked me to do this." Napahinto ako dahil sa sinabi niya at wala pang isang minutong hinarap siya.

"Who?"

"Alexander." He smiled. "He asked me to ask you if you're fine."

Fuck butterflies, because I felt the entire zoo in my stomach because of what he said. He still cares.


*


"Alexander." Madiin kong sambit sa pangalan niya. Gulat naman niya akong tinignan.

"What the hell are you doing here?" Inis niyang sambit at hindi ko maiwasang mainis rin. Hell.

"I brought her here." Pagsingit ni Chris na nasa likod ko at tinignan naman siya ng masama ni Xander. "You two obviously needs to talk." Pagpapatuloy niya pa at lumabas ng Head Quarters nila. Rich kid talaga.

"What?" Kalaunay sambit niya matapos ng mahabng katahimikan. Napabuntong hininga naman ako.

"Look, I'm sorry, okay? Kung ano man yang nalaman mo, gusto kong mag-sorry kung nasaktan kita. But I'll never be sorry for being who I am." Panimula ko at hinarap niya naman ako.

"Bakit mo ba ginagawa to? Bakit mo ba pinipilit ang sarili mo? Can't you see, Cold? I'm having a hard time believing you due to your track record of being a lying liar." Diretso niyang sabi at napamaang naman ako. Wow.

"Yun na yun? I swallowed my pride and made my way here to say sorry and that's it? I am a lying liar who lies out of my lying liar hole? Ganun? Tang-ina naman, Xander!" Hindi ko maiwasang mapasigaw. Nagagalit ako. Nasasaktan. Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako.

"What have I done?" Mahinang bulong ko sapo sapo ang noo ko. Nagtutubig ang mga mata ko kaya pinilit kong tumingala para hindi niya makita yun. "Isang pagsisinungaling lang ang ginawa ko at hindi ko pa alam yun! Do I deserve this? Maybe yes! But maybe no." Para akong nanghihina habang binibitawan ko ang mga salitang yun. I'm so frustrated at hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Pinilit kong ngumiti sa kanya.

"I'm not perfect Xander. I make mistakes and I hurt people. But when I say sorry, hell, I mean it." Seryoso kong sabi sa kanya at nakita ko naman ang paglambot ng ekspresyon ng mukha niya. Pero wala na, huli na. I was too occupied of the thought of being hurt with his words. Because before he could uttered a word, I turned my back at him.

"Ang taas ng pride mo, sobra." And with that, I walk away. I gave up, I fucking gave up.

-


Who's that GIRL?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora