WTG 45

15.4K 500 50
                                    

[Xander's POV]


"Oh ano? Dedma?" Tanong ni Aaron sa akin matapos naming makasalubong si Cold kasama yung bestfriend niya at si Ava. Tinignan ko naman siya at tinaasan ng kilay. Ngumisi siya.

"We've known each other since diaper days, dude. Don't tell me you're expecting na hindi ko malalaman? Come on!" Paliwanag niya pa at kumindat dun sa babaeng nasa kabilang hallway. Ngumiti naman ito at halatang kinikilig.

"Christoper, you're really not good in keeping secrets." Madilim kong pahayag kay Chris na kanina pa nagtatago sa likod nina Kevin at Tyler. Ngumiti naman siya at nagpeace sign.

"Eh kasi naman Xander. Ang kukulit! Palaging nagtatanong. Tsk." Pagra-rason niya at inambaan ko naman silang apat ng suntok.

"Ang chismoso niyo!" Saad ko at nagsitawanan naman sila habang naglalakad papuntang classroom.

"Eh kasi ang taas taas ng pride. Parang bakla." Parinig pa sa akin ni Kevin.

"Oo nga. Akala mo chiks. Sus." Pagsabay pa ni Aaron atsaka sumipol.

"Kaya nga. Maka'react parang hindi tarantado. Tsk." Dagdag pa ni Chris. Napahinto naman ako kaya huminto silang apat. Nilingon ko si Tyler at sinamaan ng tingin.

"Baka gusto mong dumagdag?" Pilosopo kong tanong sa kanya at ngumiti naman siya ng pagka-laki laki.

"WALA NA DUDE. NASABI NA NILA LAHAT EH. HEHEHEHE." Sagot niya at inis naman akong iniwan sila dun.

Dedma. Yan ang eksaktong salita na maibibigay ko sa sitwasyon namin ngayon ni Cold. Dinededma niya ako, dededmahin ko siya. Paulit-ulit hanggang sa umabot ng isang linggo. Do I miss her? Of course. Everytime. Minsan nga naiisip kong puntahan siya kapag mag-isa lang siya. Minsan kapag nakakasalubong kami, gustong gusto kong yakapin nalang siya. Pero wala parin. Because no matter how my heart whispers me to do it all, my mind screams no.


*


"Xander? Xander right?" Nagulat ako nung biglang lumapit sa akin ang isang babae. It was too late for me to realize that she was Cold's best buddy. I nodded.

"Can you give me a minute?" Mataray niyang tanong sa akin at parang gusto kong humindi. Pero bago paman ako nakasagot ay hinila na niya ang kamay ko. "I won't accept rejections. Therefor, it's a yes. Let's go." At tuluyan na niya akong hinila papuntang hindi ko alam.

=____=

"Tsk. Teka nga. S-sino ka ba ha?" Patay malisya kong tanong sa kanya habang pilit na hinihila pabalik ang kamay ko. Damn, she's strong.

"Come on, lover boy. Stop playing safe. I know you know me."

=____=

Magkaibigan nga talaga sila! Tsk.

"Wait Miss. I don't know you okay? Bakit mo ba ako hinihila dito? Do you even know who I am?" Inis kong tanong sa kanya at huminto naman siya. Tinignan ko ang paligid. Nasa may open field kami at kaming dalawa lang ang andito.

"What if I said yes?" Sagot niya at naguluhan naman ako.

"What?"

"I know you, Alexander Aguilar." Seryoso niyang sabi at napalunok naman ako. Why do everyone that calls me in my full name gives me goosebumps?!

Who's that GIRL?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon