WTG 43

14.9K 527 26
                                    

[Cold's POV]


Rinig ko parin ang mga bulalas ni Laurice habang nililibot ko ang paningin ko sa labas ng bahay ko. Shit, asan ka? Hindi ko alam kung saan ko ititingin ang mga mata ko dahil masyadong madilim dito.

"Leigh, a-ano to?"

Hindi ko na siya pinansin at dali daling ibinaba ang kahon at mabilis na tinakbo ang magubat na parte ng bahay ko. Rinig ko pa ang pagsigaw at pagpigil niya sa akin pero hindi ko ulit siya pinansin at kumuha nalang ng isang stick na nadaanan ko kanina. Siguraduhin mong hindi kita mahuhuli. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko hanggang sa marating ko ang lugar na iyon. Inilibot ko ang mga mata ko at pinapakiramdaman ang paligid. Batid kong andito pa siya dahil nakaramdam ako ng kakaibang presensya.

"Sino ka?"

Isang malamig na hangin ang sumagot sa akin na naging dahilan ng pagtindig ng balahibo ko. Ramdam ko na parang may nakamasid sa akin pero nakakainis dahil hindi ko mapin point kung saan siya banda.

"Come on, why don't you show yourself?" Maangas kong tanong habang umikot ako paharap sa likuran ko. Napangisi ako. Hindi ka marunong magtago.

Mabilis kong tinungo ang likuran ng punong nasa hindi kalayuan at itinutok ang kahoy na hawak hawak ko sa kung sino man itong taong nasa harapan ko. Ramdam kong nanigas siya. Marahil ay hindi niya alam na nakita ko na siya.

"Hindi ka marunong magtago." Mas inilapit ko sa kanya ang stick. "Sino ka?"

"Hindi mo ako kilala. Pero ako, kilalang kilala kita." Napangisi ako. Lalaki.

"Talaga? Bakit hindi ka humarap ng makilala rin kita?" Paghahamon ko sa kanya at nakita kong umiling iling siya.

"Hayaan mo akong tumakas. Napag-utusan lang ako." Umakyat yata lahat ng dugo sa katawan ko papunta sa ulo ko dahilan para ihampas ko sa kanya ang kahoy na dala ko. Napahiyaw siya.

"Sa oras na hinayaan mo ang sarili mong tumapak sa teritoryo ko, asahan mong hindi ka makakalabas dito ng walang bali sa buto." Madiin kong bulong sa kanya at nanigas na naman siya. "Huling pagkakataon, sino ka?"

Hindi siya sumagot sa halip ay hinarap niya ako kasabay ng pagtutok niya ng baril sa may noo ko. Napa-atras ako pero napangisi rin kaagad.

"Sa tingin mo matatakot mo ako sa bagay na iyan? Hah. Kung kilala mo ako ay alam mong kahit isang segundo lang ay kaya kong pataubin ang balang iyan sa katawan mo." Nagiging straight na ang pagsasalita ko ng tagalog at senyales iyon ng pagkaubos ng pasensya ko. Ayoko ng maraming satsat at kung pwede lang sana ay pinatay ko na ang lalaking ito.

"Hindi ako natatakot mamatay, Guevarra. Pero alam kong mas sasama ang kalooban niya kapag nalamang niyang ikaw ang tumapos sa buhay ko." Kumunot ang noo ko. Niya?  Sinong niya?

"Sino niya? Sino siya?" Tanong ko at ngumisi naman siya pero hindi siya sumagot kaya kinuwelyuha ko siya.

"Sinong nagpadala sayo dito? Anong pakay mo?!"

"Marami kang hindi alam, Shi. Marami." Pagkatapos niyang sabihin yun ay pinaputok niya sa ere ang baril niya dahilan para doon mapunta ang atensyon ko at kinuha niyang opurtunidad yun para tumakas.

Hindi ko na siya hinabol at hinayaan nalang tumakas. Hindi ko inaasahang may isang taong maglalakas loob na pasukin ang teritoryo ko at nagawa pang tutukan ako ng baril. Umiling iling ako at wala ng nagawa kundi ang maglakad pabalik sa bahay ko.

Who's that GIRL?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon