WTG 22

23.9K 643 42
                                    

[Xander's POV]


"Argh, damn it! Look at my face Dude. Look! Shit, I'll kill those bastard!" Ang ingay ingay ingay ni Aaron. Pang-walong beses na nyang daing yan pero wala paring pumapansin sa kanya. Andito kami sa condo nya at ginagamot yung mga pasang natamo namin.

"Damn. Damn. Damn. DAMN!" Sigaw ko atsaka ibinato ang isang can ng beer sa pader. Nagsitahimik naman sila at napatingin sa akin.

"Anong problema Dre?" It was Chris. Holding a ice bag para sa pasa nya. Nasa harapan ko sya. Umigting ang panga ko habang inaalala ang nangyari kanina.

"Hindi ko inakalang magagawa nila sa atin yun. Fuck it. Fuck fuck fuck!" I shouted as I throw another can of beer. They sighed.

"Dre, hindi naman nating kasalanan yun. Pareho nating di inaasahan yun." Kevin which is at the right side of me spoke. I look at him. Marami rin syang pasa unlike sa akin. I can also see that he's sleepy. Umiwas ako ng tingin.

"No. This is my entire fault. Hindi ko akalaing iniwan ko ang gang ko sa ganung klase ng tao. Shit." I keep on cursing. It keeps on running through my mind.

'Ikaw ang nag-iwan!'

'Ikaw ang nang-abanduna!'

'Ikaw ang sumira sa GANG natin. IKAW.'

'Anong nangyari, Xander?!'


Parang biglang may bumara sa lalamunan ko. I can't help it. I felt guilty. Alam ko naman yun eh. Alam ko lahat yun pero masasaktan ka parin talaga kapag sa kanila na nanggaling. Oo nga naman. Ako ang nang-iwan.

"Pero dude, sino yung babae kanina?" Biglang nagsitahimikan ang lahat. Siguro iniisip nila kung sino nga yun. Sino nga ba yun?

"GRABE PARE! AKALA KO TALAGA MAMAMATAY NA AKO KANINA! BUTI NALANG BIGLA SYANG DUMATING! HOOO~ IDOL KO NA TALAGA SYA!" Alam nyo na naman siguro kung sino yan? Bukod sa sobrang lakas ng boses nya. Nagniningning din yung mga mata nya. Makikita mo ang pag-hanga ni Tyler sa babaeng yun.

"Ako nga rin eh." Ang weird ni Kevin. Hindi sya malakas magsalita ngayon at hindi rin sya madaldal. Siguro napagod talaga sya. Nakokonsensya na naman ako.

"But don't you think it's weird? Walang sinuman ang nakakaalam na may ambush na mangyayari pero andun yung babaeng yun. Pano nya nalaman?" Tama si Chris. Kung planado ang ambush na yun, malamang walang makakaalam nun. Kaya paanong nagkaroon ng babae dun in the first place?

"Baka gangster rin?"

"Hindi eh. Di nyo ba nakita? Ang bilis nyang kumilos Dude. Hindi lang sya basta gangster." Ngayon lang kami na-curious ng ganito sa isang tao. Sa isang babae.

"At kung gangster sya, hindi na nya kailangang takpan pa ang mukha nya." Pagsingit ko kaya napatingin sila sa akin at tumango-tango. Kung gangster mn sya, malamang ay isang karangalan para sa kanya ang tulungan kami dahil kilala kami sa Gang World. Pero hindi eh.

"Ang weird. Hindi ko madugtong-dugtong yung mga pangyayari eh." Naguguluhang sabi ni Chris atsaka kumain ng pizza. Maging ako, naguguluhan ako sa pagsulpot nung babaeng yun.

"Para tuloy siyang si Cold, weird din." Biglang singit ni Kevin ng nakapikit. Bakas sa tono nya ang pagbibiro pero walang isa sa amin ang natawa. Nagmulat sya ng tingin at tinaasan kami ng kilay. Napatahimik naman kami.

Who's that GIRL?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon