WTG 34

17.2K 505 71
                                    

[Xander's POV]


"Who are you Cold? Who are... you?"

Kung hindi siya totoong anak ni Lorraine Yoon, bakit niya sinabing OO? Kung hindi siya anak, kanino? Sino siya? Anong motibo ng pag-amin niya?

"You really don't have to know Xander. Kalimutan mo na lahat ng nalalaman mo." And with that, she turned her back at me and started walking.

"Damn it! Just tell me why did you claim to be her daughter?! Bakit kailangang paguluhin mo pa ang utak ko?!" Sigaw ko at napahinto naman siya. Hinarap niya ako.

"Burahin mo lahat ng nalalaman mo Xander. Sa paraang yun, hindi magugulo ang utak mo."

"Sa tingin mo makakatulog ako ng maayos dahil dito sa mga nalalaman ko?! Sabihin mo nga Coldeigh! Sino ka ba talaga ha?!" Hindi ko na maiwasang sigaw-sigawan siya. Natatabunan ng pagkalito ang pagmamahal ko sa kanya at parang gusto ko ulit bugbugin ang sarili ko.

"I'M NOT HER DAUGHTER! I'M NOT HER BIOLOGICAL DAUGHTER! MASAYA KA NA?!" Sigaw niya at mas lalong dumami ang tanong sa isip ko. Bakit ba hindi niya ako sagutin ng deretso?

"SINO KA NGA KASI?! NAGUGULUHAN NA AKO! TANG-INA! NUNG ISANG ARAW SINABI MO SA AKING HINDI PA KITA LUBOS NA KILALA! NGAYONG TINATANONG KITA HINDI MO AKO SINASAGOT NG DERETSA! Pinaglalaruan mo ba ako Cold?" Parang nanghihina kong tanong sa kanya. Tama naman ako diba? Sinabi niyang hindi ko pa siya kilala. Ngayong gusto ko siyang kilalanin, ayaw naman niya. Bumuntong hininga siya. Parang pilit pinapakalma ang sarili niya.

"I'm Cold Guevarra. 17 years old. Came from New York-- the City who never sleeps. Happy?"

'Did she master sarcasm? She's damn too good for sarcastic remarks!'

"Nakuha mo pa talagang maging sarkastiko ano?" Naiinis kong sabi sa kanya. Pilit ko nalang ring pinapakalma ang sarili ko. Inis niya akong tinignan.

"Tinanong mo ako, sinagot ko lang. Ano bang problema don?"

"So kapag tinanong kita kung pwedeng maging tayo, sasagutin mo rin ako?" Nakangisi kong tanong sa kanya at nanlaki naman ang mga mata niya. Bakit? Siya lang pwedeng magbiro?

"Oh bakit? SAGOT!" Sigaw ko sa kanya at napapitlag naman siya at umiwas ng tingin. Tumawa naman ako at naglakad papalapit sa kanya. Umatras naman siya pero agad kong nahuli ang mga kamay niya. Tinignan niya ako ng masama.

"Pinapatay ako ng mga titig mo Guevarra, alam mo ba yun?" Napalunok naman siya sa sinabi ko. Ngumiti ako sa kanya at dahan dahan siyang hinila papalapit sa akin. "Nakakamatay pero bakit ganun? Gusto ko sa akin lang nakatingin yang mga matang yan?"

"X-Xander. Wag mo kong ginu-good time!"

"Nababaliw na yata ako Cold. Nakakabaliw." Sabi ko sa kanya at bigla namang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Marahan kong tinanggal ang ilang hibla ng buhok niyang nakatabon sa mukha niya dahil biglang umihip ang malakas na hangin.

"Ngayon, pwede na ba tayong mag-usap ng mahinahon?" Nakangiti kong tanong sa kanya habang hinahawakan ang mukha niya. Tumango naman siya.


[Cold's POV]


"Ngayon, pwede na ba tayong mag-usap ng mahinahon?" Nakangiti niyang tanong sa akin habang hinahawakan ang mukha ko. Wala sa sarili naman akong tumango.

Who's that GIRL?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon