WTG 49

15.6K 451 24
                                    

[Cold's POV]


Hindi ako makagalaw at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong kumawala sa mga bisig niya pero sa di malamang dahilan ay kumportable ako dito. Napailing ako at sinubukang tanggalin ang pagkakayakap niya pero mas hinigpitan niya ito.

"Kristoff..." Mahinang bulong ko sa kanya pero wala akong nakuhang ibang sagot.

"Sinasabi ko na nga ba at taksil ka, Kristoff." Rinig kong sabi ni Lauren at kahit hindi ako sa kanya nakatingin ay ramdam ko ang matalim na tinging pinupukol niya sa amin.

"Wala sa usapan natin to, Lauren." May diing sagot ni Kristoff sa kanya.

"Alam ko na namang mangyayari--- teka anong ginagawa mo?!" Sa di ko malamang dahilan ay bigla siyang napahinto sa pagsasalita at parang may sinisigawan pero hindi ko pa rin ito makita.

Hanggang sa maramdaman kong lumuwang ang pagkakayapos sa akin ni Kristoff at may nagsuot ng maskara sa akin mula sa likuran ko. Hindi ako makahinga. Kahit hindi ko siya lingunin ay alam ko kung sinong nasa likuran ko ngayon.

"Anong ginagawa mo?" Mahinang bulong ko sa kanya matapos niyang itali ang maskara ko. Dahan dahan ko siyang hinarap at halos kapusin ako ng hininga nung magtagpo ang aming mga mata.

"Umalis na kayo dito.." Saktong boses lang ang gamit niya at hindi ko maiwasang hindi siya paningkitan ng mata.

"Siraulo ka ba? Gusto mong iwan ka namin dyan sa siraulo mong Nanay?" Inis kong singhal sa kanya at umiling iling naman siya at tinalikuran ako. Napaawang naman ang labi ko dahil sa ginawa niya.

"Umalis na kayo. Sasama ako sa kanya para wala ng masaktan pa." Sigaw niya na naging dahilan ng pagkagalak sa mukha ni Lauren. Napailing ako sa sinabi niya at humakbang papunta sa harap niya pero bago paman yun ay hinarang na ako ng iilang tauhan ni Lauren at tinutukan ng baril.

"Walang masasaktan kapag walang nagpumilit. Umalis na kayo dito at ibigay niyo sa akin ang anak ko! Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito, Shi." Sigaw ni Lauren at mas lalo akong napailing.

"Hindi siya lauran na basta basta na lamang ipinamimigay Lauren!" Ganting sigaw ko sa kanya na ikinagitla niya. Kita ko ang magkahalong lungkot at galit sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang mga yun.

"Tama ka. Hindi siya lauran na basta bastang ipinamimigay at mas lalong hindi siya lauran na basta basta na lang kinukuha sa may ari!" Galit na sigaw niya at sa puntong ito ay hindi ko magawang magsalita. Napatingin ako kay Xander at gaya ko ay hindi rin siya nakapagsalita at nakatitig lang kay Lauren.

"Kung totoong anak mo siya ay hindi sa ganitong paraan mo siya kukunin." Kalmado pero delikado kong saad sa kanya at nakita ko namang napangisi siya.

"Sa anong paraan mo ba gusto? Sa marangal na paraan?! Akala mo ba ay hindi ko ginawa yun? Fuck that shit! Walang sinuman sa kanila ang tumratong marangal sa akin! Wala maskin isa! Kahit ang tatay mo!"

Hindi ako makagalaw dahil sa sinabi niya. Ang Daddy ko? Paanong... Alam ni Daddy ang lahat? Pero...

"Hindi mo alam hindi ba?! Kahit hindi ka nakamaskara ay kilala kita! Kilala ko lahat ng angkan mo lalong lalo na ang tatay mo!" Galit na sigaw niya sa akin at hindi ko maiwasang hindi malito. Wala akong alam... tama siya. Pero hindi...

"Hindi ko pa rin ibibigay sayo si Xander.." Determinado kong sambit sa kanya at tumawa naman siya ng sarkastiko.

"Binalaan kita. Binalaan kita." Huling sabi niya at nakita ko nalang ang unti unting paghila nila kay Xander. Wala sa sariling napatakbo ako pero bago paman ako maka-limang hakbang ay ramdam ko ng may yumakap sa akin at ipinapalit ang pwesto namin. Kasabay ng magkakasunod na dalawang putok.

Who's that GIRL?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon