WTG 26

25K 768 111
                                    

[Cold's POV]


"Leigh, ano na nga palang kwento sa misyon mo?" Tanong sa akin ni Laurice. Andito kasi kami sa condo niya. We are eating dinner.

"Wala ganun pa rin." Tipid kong sagot sa kanya. Ayoko kasing nagsasalita at kumakain. Tumingin naman sya sa akin.

"Imposibleng wala kang alam Leigh. Kilala kita. Gagawa at gagawa ka ng paraan para may malaman." Makahulugan nyang tugon. Uminom muna ako ng tubig atsaka tinignan sya.

"I knew something pero hindi ako sigurado. Masyadong magulo. Walang nagagawa ang mga tao ko." Seryoso kong sagot. Umiling naman sya.

"Ano naman kayang plano ng tatay mo?" It's not a question, it's more on a statement. I shrugged.

"Hindi ko alam kung bakit kailangang itago nya sa akin ang mga impormasyon. I only have less than a month para tapusin to pero konti pa lang ang alam ko at hindi pa ako sigurado." Nagdududa na ako sa mga posibleng mangyari eh. Alam ko, hindi ordinaryo to.

"We both know kung anong klaseng pag-iisip meron si Tito, Leigh. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari." Tama siya. Kahit gaano kabait ang tatay ko, he's still a manipulative moron. He's doing unexpected things. Tumango ako.

"Nakakatakot mang gawin, wala tayong magagawa kundi tanggapin at harapin. Come what may."

"Mahilig makipaglaro si Tito. I wonder what game he's playing right now." Kahit ako ay napapaisip. Ano nga ba? At bakit? Seryoso ko syang tinignan.

"Kung nakikipaglaro man siya sa akin, siguraduhin niya lang na kaya niya akong talunin." She paused eating and give me a clapped.

-_______-

"Wow. Amazing!" Tinignan ko siya ng masama. Alam nyo minsan nakakawalang gana kausap to eh. Kung kailan ka seryoso, tyaka ka bibiruin. Tss, mga tao nga naman.

"Pero Leigh, ano bang alam mo?" Medyo seryoso na nyang tanong. I know she's asking about my mission. Kung anong alam ko, kung hanggang saan ang alam ko.

"Tsk. Hindi pa nga ako sigurado!" Pikon kong sabi kaya ngumuso naman siya at inirapan ako. Ayoko kasing sinasabi ang isang bagay lalo na't hindi kumpleto at sigurado.

"Kahit na! Sabihin mo pa rin! Baka makatulong ako!" Seryoso niyang sabi at natawa naman ako. Tinignan nya ako ng masama. "Anong tinatawa-tawa mo dyan?"

"Wala. Nakakatawa ka kasi. Ano namang maitutulong mo aber?" Pang-iinsulto ko sa kanya. 

"Aba! Ang kapal... Aba! Wag mo kong... Jusko! Minamaliit mo ako? Ako? Si Laurice Jane Scott? Minamaliit ni Coldeigh Guevarra? Oh my God. Unbelievable." Emosyonal at madrama niyang sabi. See? Pikon yan sa ganyan. Nakakatawa ang mukha niya.

"Biro lang." Natatawa kong sabi at tinignan naman niya ako ng masama.

"Sinasabi ko sayo Leigh, magseryoso ka nalang. Wag ka nalang magbiro. Nakakabanas eh." Matabang niyang sabi atsaka madaling tinapos ang pagkain niya. Ginaya ko naman siya pero natatawa pa rin ako talaga.


*


"Oh ano na?" Naiinip na sabi niya pagkaupo namin sa sofa. Tinignan ko naman siya na parang nagtataka. Umirap siya.

Who's that GIRL?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon