WTG 14

22.8K 663 18
                                    

[Cold's Point of View]


Matapos ng insidenteng yun ay agad akong lumabas ng campus at tinungo ang parking lot. Sasakay na sana ako sa motor bike ko ng biglang...

"Miss." Napalingon ako sa nagsalita. Limang lalaki, lahat sila naka'itim. Nakakatakot ang mukha nila. As in, literal na matatakot ka dahil ang pangit ng mukha nila. Alam ko na tong mga ganito eh. Itsura pa lang alam mo ng masasamang tao. Tinignan ko sya.

"N-Nakita mo ba si Alexander? Kilala mo ba siya? Alexander Aguilar?" Tanong ng isa sa kanila na ikina-kunot ng noo ko. Yung madaldal na baklang yun? Bakit nila hinahanap?

"Hindi." Tipid kong sagot sa kanila at nginiwian naman nila ako.

"Sige. Salamat nalang." Rinig kong sabi ng isa sa kanila at nagkibit balikat naman ako. "Hintayin nalang natin. Malalaman din naman natin eh." Habol pa nung isa kaya napahinto ako. Tinignan ko sila mula ulo hanggang paa. Tsk tsk. Sumakay nalang ako sa motor bike ko at agad na nagtungo sa mall. Nagugutom kasi ako at gusto ko ring maglaro.


[Xander's Point of View]


"DUDE, ANONG KAKAININ NATIN?" Rinig kong tanong ni Tyler habang naglalakad kami pababa.

"Malamang pagkain. Utak dre! UTAK!" Pambabara naman sa kanya ni Kevin. Hays, kahit kailan talaga oh!

"WOW. MAKA-UTAAK?! BAKIT? MERON KA BA NUN HA?! MERON KA?!" Pang-aasar rin sa kanya ni Tyler kaya napatawa kami. Havey yun ha!

"WOW. Hiyang hiya naman ako sa utak na meron ka. Meron nga, utak pambata naman!"

"MAKA'BATA KA EH NUH? EH IKAW NGA TUMITINGIN KA PA NG BEN 10! PATI KWARTO MO BEN 10!"

"AISSH! Tumahimik ka nga! Maraming nakakarinig oh!" Mahinang bulong ni Kevin at napangisi naman kami.

"HAHAHAHAHA! BATA PALA HA?" Gatong pa ni Tyler.

"Oh oh! Tympers, saan tayo kakain Dude?" Tanong ni Chris sa akin. Napa-isip naman ako.

"Hmm, mall?" Patanong kong sagot at nagkislapan naman ang mga mata nila. Tss, alam ko na yan eh.

"Don't imagine dudes! Kakain lang tayo dun." Dagdag ko na naging dahilan para bumagsak ang mga balikat nila. OA nito.

"Dre naman! Samahan nalang rin natin ng laro! Kahit saglit lang. HA? HA? HA? " Makulit na sabi ni Kevin habang hinihila ang laylayan ng damit ko.

"SINO NGAYON ANG BATA?!" Rinig kong bulong ni Tyler kaya napangisi ako.

"Oo na, oo na. Tara."

"YUN OH!" Nag-apir pa talaga si Tyler at Kevin. Oh diba? Ang dali lang nilang magbati.


*


Napahinto kaming lima sa paglalakad nung may makita kaming limang lalaki. Nakakatakot ang itsura nila habang mukhang inip na inip sa paghihintay. Naka'itim silang lahat at nakakatakot ang mga itsura.

"Sino yan dre? Gangsters?" Tanong naman ni Aaron.

"GANGSTERS?! SA LALAKI NILANG YAN? GANGSTERS? MAFIA SIGURO, OO! BOBO NITO!" SIGAW ni Tyler na naging dahilan para makuha ang atensyon nung isa sa kanila. Para naman itong nagulat at mabilis na bumulong sa isa mga kasama nya at naglakad sila papunta sa... DIREKSYON NAMIN? EH?!

Who's that GIRL?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon