WTG 6

30.2K 684 26
                                    

[Cold's Point of View]


Andito ako ngayon sa bahay ko. Naga-almusal at oo, may sariling bahay ako. Simula kasi nung lumipat ako dito ay bumili ako ng sarili kong bahay-- gamit ang sarili kong pera. Malaki na rin naman kasi ang naipon ko kahit bata pa lamang ako. Sa imba ba naman ng trabaho ko. Napa-buntong hininga ako. Inaantok pa kasi ako at isa pa, nakakatamad pumasok. If I know, nag-aabang na naman ang mga estudyanteng walang magawa sa buhay nila. Ano pa nga ba?

Pagkatapos kong kumain ay agad ko namang iniligpit iyon at nagmadaling sumakay sa motor bike ko. Oo, nagmomotor ako. May kotse naman ako kaya lang mas kumportable ako sa motor ko. Mahal na mahal ko to eh kaya nga kahit student's license pa lang ang meron ako ay hindi ko na maiwan ang motor ko.

Pagpasok ko ng University ay nakuha ko agad ang atensyon ng mga tao sa parking lot. Malamang, ako lang yata ang babaeng nagmomotor dito eh. Lahat kasi sila de'kotse.

"Motor? Cool!"

"WOW! Babaeng nagmomotor? Nice."

"Pare ganda oh!"

Napailing ako. Kahit kailan talaga parati ka ng napapansin Cold. Ganda mo kasii. Hah. Napangiti ako. Para kasi akong baliw. Sa utak ko, andami kong sinasabi pero kapag sa tao, wala naman akong masabi. Imba lang eh. Tsss, oo na oo na. Maglalakad na sana ako papasok nung may isang kotse ang huminto sa harapan mismo kaya hindi ako maka-daan. Potek, lakas ng loob harangan ako ah? Sino ba to?

Binaba naman nung kung sino mang hinayupak na to ang bintana ng sasakyan nya at bahagya naman akong nagulat nung napagtanto ko kung sino ito. Tss.

"MOVE YOUR CAR." Malamig ngunit puno ng awtoridad nyang sambit sa akin na nakatingin sa O__O? Motor bike ko?

"WHY?" Ginaya ko rin ang malamig nyang tugon. Wala lang gaya gaya lang. Tss.

"That's my favorite spot. Dyan ako nagpaparking." Napa'iling naman ako. Malamang dyan sya nagpa-parking eh parking lot to eh. Bobo much?

"Nauna ako eh." Mahina pero mapang-asar kong sagot sa kanya kaya naman naging masama ang tinging ipinukol nya sa akin.

"I said, move your car NOW." Tinitigan ko sya. Nakakatakot kasi yung pagsasalita nya. Pero asa namang matakot ako. Pagkatapos ko syang tignan ay binalik ko ang tingin ko sa big bike ko at tumingin ulit sa kanya sabay sabing,

"Hanap ka nalang ng iba." I said then walk away... I silently smirked. Akala nya siguro mapapaalis nya yung motor ko? NO WAY. Naniniwala kasi ako sa salitang "FIRST COME, FIRST SERVE" at aba! Nang'aangkin lang sya ng spot? Ano sya? May-ari nitong University? Tsh.

Binilisan ko naman ang paglalakad at agad naman akong nakarating sa room ko at umupo sa upuan ko which is katabi nung lalaki sa parking lot. Oo, si Alexander yata pangalan nun. Tsh, paki-alam ko ba sa pangalan nya? Eh pangalan ko nga di ko pinapakialaman dba, kanya pa kaya?

Nagsisimula na yung klase at blangko pa rin itong upuan sa tabi ko. Tsh, di sguro maka'move on sa hindi ko pagbigay sa kanya sa FAVORITE SPOT nya.

O___O!!! TAKTE! NAGULAT AKO DUN AH! Naman kaseeee! Bumukas yung pintuan ng malakas tapos pumasok yung limang kwago. Untouchables eh?

Tss, napatingin naman sakin yung Alexander and he smirked pagkatapos ay dali dali syang umupo sa upuan nya. Gaya rin nung kahapon ay kumaway sa akin yung parang bata sa kanila. Tyler yata yung pangalan nya? Ah basta. Cute nga sya eh. Sarap kagatin. Yung lalaking mukhang chickboy naman na umakbay sa akin kahapon ay nag'wink pa. Imba. Yung lalaking palangiti naman ay ngumiti sa akin. At mind you, nakakahawa ang ngiti nya pero pinigilan ko ang sarili ko. Nahihiya rin ako sa ginawa ko sa kanya kahapon eh. And lastly, yung lalaking parang makulit. Kumaway sya sa akin ng ilang beses. MAKULIT nga kasi.

Who's that GIRL?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon