WTG 17

23.6K 626 12
                                    

[Cold's POV]


Monday...


Why is it that Monday is so far from Friday but Friday is so close to Monday? Unfair right? Kung pwede lang baguhin ang kalendaryo ay ginawa ko na. Tss, anyway, I already did my rituals. Sinadya ko talagang bagalan dahil kapag papasok ako ng maaga ay paniguradong ako na naman ang pagdidiskityahan dahil sa lintek na mga litratong yun.


'I told you girl, she's a flirt.'

'Yeah, and a social climber too!'

'Ang kapal talaga ng mukha niya! Err!'

'Can't she just get lost? I hate her.' 


I mentally shook my head upon hearing their remarks. Akala ba nila ay gusto ko na andito ako? Kung tutuusin ay ayoko ng bumalik dito. Masyadong maliit ang Pilipinas para sa taong tulad ko. Pero dahil wala naman akong choice ay hahayaan ko ang mga taong ito na isipin ang gusto nilang isipin. Total, those who know you least will always have to say more about you. Pababayaan ko sila dahil wala ang buhay ko dito.


"Akala mo iba, malandi rin pala." Rinig kong banggit ni Chloe pagka-pasok ko ng room. Again, I ignored her remarks. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang patulan ko siya.

"Ah, I made a background check. She came from America pala. No wonder, liberated. Silent flirt at akala mo matapang. Such a hypocrite." Gusto ko sanang tumawa dahil sa sinabi niya. That's just too racist. Hindi naman lahat ng Americans ay liberal ang pag-iisip. Napatunayan ko iyon dahil marami akong mga kaibigang hindi kagaya ng kung anong iniisip ng karamihan. 

"Baka may pinagmanahan," I almost... almost raised my head for what her friend said. But I sit still. Hindi ako bobo para hindi maintindihan ang sinabi niya. Gusto ko lang talagang ipagpatuloy niya yun para burahin ko ang labi niya hanggang sa hindi na siya makapag-salita pa. 

"Ano pa nga ba?" Si Chloe ang nagpatuloy. "What's that saying again? Like mother like daughter? Am I right?" Tatawa-tawa niyang sabi at narinig ko rin ang bungisngisan ng mga kasama niya. 

That's the cue. I raised my head at agad iyong hinanap ang mukha niya. Sa isip ko ay pinagpaplanuhan ko na kung paano ko sisirain ang pagmumukha niya at kung anong magiging reaksyon niya kapag nangyari yun. I grinned. 

"Mag-ingat ka sa mga salitang binibitawan mo dahil baka tumalbog lang sayo yang mga sinasabi mo," Ngingisi ngisi kong sabi sa kanya at tinaasan niya naman ako ng kilay. "Why don't you insult me a little more? Para naman sapat ang dahilan ko kapag babasagin ko yang pagmumukha mo."

Tumawa siya. "You really think you will scare me with your flowery words? Come on, Cold. Hindi mo ako matatakot."

I smiled at pagkatapos ay tumayo ako para pantayan siya. Hinawakan ko ang kamay niya at itinaas. 

"Kung ganun, bakit nanginginig ang mga kamay mo? May epilepsy ka ba?" Tanong ko at nanlaki naman ang mga mata niya kasabay ng pag-ugong ng malalakas na tawanan. Tinignan ko ulit siya at nanginginig ang mga labi niya. 

"I don't need to scare anyone, Chloe. Isa iyan sa mga katangian ko na nakaligtaan ng pagba-background check mo." Sumeryoso ang mukha ko. "Hindi ko kailangang manakot dahil kusa niyo lang nararamdaman 'yon." Malamig kong bulong at naging tahimik naman ang buong klase. Binitawan ko nalang ang kamay niya at kinuha ang gamit ko pagkatapos ay pinantayan ko ulit ang gilid niya. 

Who's that GIRL?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon