WTG 13

23.7K 602 25
                                    

[Cold's Point of View]


Wednesday...


Pagpasok na pagpasok ko ng University ay agad na nagbubulong-bulongan ang mga estudyante. Eh? Ano na namang problema ng mga to? Psh, hindi ko nalang sila pinansin at mabilis na naglakad papasok ng room.


"Grabe, akala ko iba sya sa ibang mga babae!"

"Tsh, malandi rin pala."

"At talagang si Prince Xander pa talaga ha! Grabe!"

"Social climber!"

"Palibhasa dukha!"


"Wow. Hindi ko alam na may tinatago ka rin palang landi?" Napakunot ang noo ko nung biglang magsalita si Chloe sa harapan ko kasama ang mga alipores nya.

"Anong sinasabi mo?" Wala naman akong interes sa sinasabi nya. Gusto ko lang talagang malaman kung bakit parang ilag sa akin kanina yung mga estudyante.

"Tsk tsk tsk. Ngayon nagpapanggap kang hindi mo alam? Err, magaling ka rin palang umarte?" Rinig ko rin ang bungisngisan ng mga kaklase ko kaya tinignan ko sila ng masama at agad naman silang tumahimik. Nabalik ang tingin ko kay Chloe.

"Wala akong alam at pakialam sa sinasabi mo." Eh sa wala naman talaga akong pakialam eh. Kung ayaw nya sabihin eh di wag! Ulol! Hindi ko ugaling mamilit ng tao. Nyeh, sinubsob ko nalang ang mukha ko sa arm chair ko pero bago paman mangyari yun ay mabilis kong nahawakan ang kamay ni Chloe.

"Not so fast." Naka-ngisi kong sabi sa kanya. Akma nya kasing hihilain ang buhok ko pero agad ko itong nahawakan. Napa-"woah" naman ang mga kaklase ko. 

"Get your dirty hands off me! Urgh! Ang galing mo din eh noh? Kung maka'asta ka sa harapan ng maraming tao ay akala mo wala kang gusto kay Prince Xander!" Sigaw nya sa akin sabay bawi ng kamay nya. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

Prince, eh? Sa pagkakaalam ko naman kasi  ay hindi MONARCHY tong bansa natin. At, ano? Gusto? Sa pikon na yun? Patawa to.

"Seryoso ka?" Natatawa at may pagbabantang sagot ko sa kanya.

"MUKHA BA AKONG NAGBIBIRO?!"

"Mukha ka kasing clown." Natatawa kong sabi.

"BURN!" Sigaw ng mga kaklase ko at nagsitawanan naman sila.

"How dare you! Hindi ako clown! Sa ganda kong to? Omaygash, I never thought you could be this blind. Hah, oo nga pala. Bakit ba ako nagtatanong kung bakit ka dumidikit kay Prince Xander eh alam ko naman ang sagot! Tsk, opurtunista ka eh! Porket mayaman si Prince Xander! Hayyy, mga mahirap nga naman." Mahabang paliwanag nya kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Alam mo kasi Chloe, ganito lang yan eh. Una, hindi ka naman talaga maganda." At nagsitawanan naman ulit ang mga kaklase ko. Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na.

"Pangalawa, tigil tigilan mo yang pagtawag ng PRINCE dyan sa Xander na yan dahil hindi MONARCHY tong Pilipinas." Napatango naman ang ilan sa kanila.

"Pangatlo, hindi ko alam ang sinasabi mo." Eh sa wala naman talaga akong alam ah?!

"Pang-apat wag kang maki-alam sa buhay ko at lubayan mo na ako." Pang-aasar ko sa kanya dahilan para sampalin nya ulit ako yun nga lang nasalo ko. Tumayo ako kinauupuan ko at hinarap sya.

Who's that GIRL?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon