WTG 30

20.2K 557 17
                                    

[Cold's POV]


"Oh ano na ang plano mo dyan?" Tanong sa akin ni Laurice. Andito kami sa garden ng school and it's been two days since the last incident. I just shrugged.

"Hihintayin mo nalang ang tawag ni Tito? Tsk, yan na nga ba yung sinasabi ko sayo eh. Sana sinamantala mo muna yung panahon na makasama mo yung tao." Alam niyo, nakakainis din tong babaeng to eh. Masyadong madaldal. Tss.

"Wag mo kasi akong pangunahan. May mga plano din naman ako. Tss." Sagot ko at ngumiwi naman siya.

"Mga palusot mo! Luuuh!" Pang-aasar niya pa sa akin.

"Tumahimik ka na ng----"

"Ceey?" Naputol ang pagsasalita ko nung may sumingit sa likuran namin. Kahit di ko to lingunin, alam kong isang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganyan.

"Xav..." Mahinang sambit ko nung humarap na ako sa kanya. Ngumiti naman siya at niyakap ako.

"Kamusta? Dito ka pala nag-aaral? WOW! What a coincidence! Matagal din tayong hindi nagkita." Sabi niya nung kumawala ako sa yakap niya. Tss, FC din tong lalaking to eh. Sarap pugutan ng ulo. Ngumiti lang ako-- pilit.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at bahagya naman siyang nagulat. Ngunit kalaunay ngumiti lang siya.

"Just checking something. Hehe, you know, dito rin kasi nag-aaral ang tarantado kong kapatid. Sino nga pala yang kasama mo?" Sabi niya na kumakamot kamot pa sa ulo. Signature na nga yata niya yan but I really find it cute :3

"Oh!" Parang natauhan naman ako at lumingon kay Laurice na ngayon ay nakatalikod parin. Sinilip ko siya at nakita kong namumula siya. Pfft, oo nga pala. Fail nga pala yung una nilang pagkikita sa bar. HAHAHA hinila ko naman si Laurice paharap.

"It's YOURS-- aww! I mean Laurice. Pfft." Natatawa kong sabi at namula naman silang dalawa. Err, something's up?

"Tss, L-leigh I gotta go, may tatapusin pa kasi ako. Bye." Bago paman ako makapagal ay kumaripas na siya ng takbo. Wala na akong nagawa kundi ang sundan siya ng tingin dahilan para mahagip ng dalawang mata ko ang dalawang taong naglalakad papunta sa direksyon namin. Nakakapit ang babae sa braso ng lalaki. Kinabahan ako.

"Ceey? Ceey bakit-- oh! Hi there little brother!" Rinig kong sambit ni Xav na nakatingin rin sa tinitignan ko.

O_____O Ano raw?! Little what?!

"What are you doing here Xavier?" Walang emosyong tanong ni Xander. Naguguluhan ako.

"Just roaming around. And it happened that I see this gorgeous lady!" Hyper na sagot ni Xavier. Mas lalong dumilim ang mukha ni Xander at tinignan ako.

"Magkapatid kayo?" Singit ko nalang at nabaling naman sa akin ang atensyon nila. Ngumiti naman ang babaeng kasama ni Xander. Tss. Wagas makakapit.

"You didn't know? Yes. They are magkapatid. Zachary Alexander and Zachary Xavier Aguilar. The heirs of Z University!" And now it makes sense. Xander. Xavier. Damn! What the hell? Kaya pala kanina pa nila kami pinagtitinginan. Sht.

"Sooo, Ceey..." Pagtawag sa akin ni Xav at lumingon naman ako sa kanya.

"Ceey?" Kunot noong tanong ni Xander at nabaling naman sa kanya ang atensyon ko. Nakatingin siya sa akin na parang humihingi ng sagot. I was about to answer when Xav did.

Who's that GIRL?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon