WTG 47

15.4K 482 31
                                    

[Cold's POV]


Nahigit ko ang paghinga ko matapos kong pagmasdan ang kabuohan ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Kahit nakamaskara ako ay kilala niya parin ako. Bakit naman hindi?


"Kamusta... Leigh?" Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako sa tono ng pananalita niya. Tinignan ko siyang maigi at hindi sumagot. Tumawa naman siya at naglakad papalapit.

"Chill there, buddy. I've missed you!" Sabi pa niya at akmang yayakap sa akin pero mabilis akong umatras at sinuntok ang mukha niya.

"Tangina ka," Mahinang bulong ko habang nanginginig ang kamao ko. Akala niya siguro ay nakalimutan ko ang pang-gagagong ginawa niya sa amin noon. Lalapitan ko pa sana siya pero agad siyang tumayo at tumawa.

"You've got a temper problem, Coldeigh. What happened?" Natatawa niya paring sambit at hindi ko maiwasang hindi mainsulto. Parang sasabog na ako sa galit samantalang siya ay pinagtatawanan lamang ako. Kalma, Cold. Kalma.

"So it's you." Kalaunay sambit ko matapos kong pakalamahin ang sarili ko. Ngumiti naman siya at kitang kita ko ang kasiyahan sa mga mata niya. "Baliw ka na talaga, Kristoff." Kitang kita ko ang pagkawala ng mga ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko. Agad iyong napalitan ng galit at hinanakit.

"Yeah, it's me Leigh. The one and only." Buong diin niyang sagot sa akin. Now it's my turn to laugh.

"Seems like I'm not the only one who got a temper problem here." Pagpaparinig ko at agad na sumipol. Mas lalong dumilim ang mukha niya at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagyukom ng kamao niya. Napangisi ako.

"Easy man. Masyado ka namang affected." Sarkastiko kong sabi sa kanya at pilit na tumawa. Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako. Kung nakakamatay siguro ang pagtitig ay kanina pa ako bulagta dito.

"Now tell me, what are you doing here?" Seryoso niyang tanong sa akin at mas lalo akong natawa.

"Come on, Kristoff. Stop playing safe. I know you're expecting me to come here any minute." Sarkastiko kong sagot sa kanya at ngumiti naman siya ng pilyo.

"Looking for someone eh?" Gustuhin ko mang bangasan ang mukha niya ay nanatili parin akong kalmado.

"Hmm."

"I really admire you for being so calm, Leigh. How can you do that?" Tanong niya sa akin at hindi naman ako sumagot. "Sa sobrang kalmado mo ay parang gusto kong sirain yang pagmumukha mo." Dagdag pa niya at napangisi ako.

"Trust me, Kristoff. The feeling is mutual." Kita ko ulit ang pagdilim ng mukha niya. Hah.

"Wala ka talagang kwenta." Kita ko rin kung paanong kuminang ang mga mata niya sa galit. Hindi ko alam kung saan patungo tong usapan nato pero pinagbigyan ko lang siya.

"Stop being so bitter, Kristoff. Why can't you move on already?" Mapaglaro kong tanong sa kanya at mabilis niya namang nahablot ang kwelyo ng leather jacket ko.

"Move on? Easy to say huh? Stop ordering me around Coldeigh! I'm so fucking done dealing with your shits you little bitch!" Sigaw niya sa mismong mukha ko at napatingin naman ako sa taas dahil sa lapit ng pagmumukha niya. Magsasalita pa sana siya pero mabilis ko siyang hinarap at tinignan ng seryoso. Sobrang seryoso na nakikita ko ang repleksyon ko sa mga mata niya.

Who's that GIRL?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon