Sweet Thing #13 - A Dozen Flowers

93 4 6
                                    

SWEET THING #13 – A DOZEN FLOWERS

Freya’s POV

“Kulang ka ba sa tulog?” tanong ni Lillian nang mapansin niya ang paghikab ko. “That’s the third time in a row.” Kung alam mo lang, Lillian. Hindi ako natulog.

“Bilisan mo na lang diyan. Mahuli pa tayo,” sagot ko habang zini-zipper yung bag ko. Paalis na kasi kami kaya nakaayos na lahat ng gamit ko. Ito namang si Lillian, sinalo lahat nang magsabog ng kabagalan sa mundo.

“Tss. Sungit talaga kahit kailan,” sabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin at nauna na kong lumabas ng tent. Hay… Liligpitin pa naming ‘tong tent. Masaya ngang mag-camping, nakakapagod naman.

Hinihintay ko lang si Lillian sa labas nang lapitan ako ni Kuya Baekhyun. “Nasa loob pa si Lillian?”

Tumango lang ako bilang sagot at saka siya pumasok sa tent. Mabuti pa nga, Kuya Baekhyun. Tulungan mo na yun dun.

Maya-maya pa ay lumabas na yung dalawa dala ang mga gamit ni Lillian. Tuloy-tuloy lang silang naglakad papunta sa sasakyan. Aba! Nahiya yung effort ko sa paghihintay.

Kukunin ko na sana uli yung mga gamit ko at susunod papuntang sasakyan nang lapitan ako ni Xiumin. “Ako na diyan. Dito ka na muna. Pupuntahan ka raw ni Chanyeol dito eh.”

Nagtataka ko siyang tiningnan pero nginitian niya lang ako at dinala na yung mga gamit ko sa sasakyan. Wala pang ilang segundo, andito na nga si Yeol. “Tara. Samahan mo ko,” nakangiti niyang sabi.

Hihilahin na sana niya ako pero nanatili lang ako sa pwesto ko. “Teka, saan? Aalis na tayo ah.”

“Basta.” Hindi pa rin nawawala yung ngiti niya. Ako lang ba o mas masaya siya ngayong umaga?

“Eh yung tent, hindi pa namin naliligpit,” sabi ko habang papalapit sa tent para sana umpisahan nang ligpitin nang kunin niya ang kamay ko at hilahin uli ako paalis. “Sila na ang bahala diyan.” Wala na kong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Naglalakad kami sa gitna ng kagubatan pero ito yung parte ng kagubatan na hindi namin napuntahan sa activities namin. Nagmasid ako sa paligid. Mapayapa at tahimik. Nakakapagpakalma ang mga puno at masarap ang simoy ng hangin.

Sa gitna ng paglalakad namin ay nag-fake cough si Yeol. “Ehem! Ehem! Wag mo kong bibiruin ha. Mahabang pag-e-english ang gagawin ko ngayon. Ilagay mo yun sa History notes mo. Mahalagang pangyayari yun eh. Haha!”

Bahagya ko siyang pinalo. “Ano na naman bang trip mo?” natatawa kong tanong.

“Basta, makinig ka na lang. Pwede na ba akong magsimula?”

Saglit akong pumikit habang nakangiti at hindi inaalis ang kamay ko sa kanya. In fact, he’s even swaying our hands. Oo na, sasabihin niyong holding hands pa-sway sway pa kami pero wag niyo kong idamay sa ka-cornyhan ni Yeol. Siya ang may kontrol sa kamay kong hawak niya.

Tumigil kami saglit at narinig ko ang malalim niyang buntong hininga. Chills are felt with the flight of his deep voice. “First of all, I want you to know that…”

Biglang lumabas si Kai out of nowhere at binigyan ako ng “Moss rosebud.” All smiles pa siya pero tumigil ang mundo ko sa mga sumunod niyang salita. “This is a confession of love.”

Nabalik na lang ang pagkatao ko sa realidad nang akayin uli ako ni Yeol sa paglalakad. “So please…” Si Suho naman ang lumabas at “Red tulip. Believe me.”

Kunot noo kong tiningnan si Yeol pero nginitian niya lang ako. This time, si Lay naman ang lumapit sakin. “Petunia. Your presence soothes me.”

Patuloy lang akong naglakad sa gabay ng mga paa ni Yeol. “You may not admit it, but I know there’s a relationship between us.” Hindi na ko nagulat sa pagsulpot ni Chen. “Iris. Your friendship means so much to me.”

“And I think this friendship takes me to a whole new level because…” Dahan-dahang lumapit si Kyungsoo. “Daffodil. The sun is always shining when I’m with you.”

“I find you really…” Gusto kong matawa. Hindi bagay kay Tao ang may dalang bulaklak. Haha! Sorry! “White Camellia. Adorable.”

Hindi na uli nagsalita si Yeol. Magkasunod na dumating sina Kris. “Orchid. You’re a beautiful lady.” At Xiumin. “Yellow Tulip. There’s sunshine in your smile.”

“That is why I like seeing it when you smile. But it seems that your smile is very rare. I assume that it’s because of your experiences. But I assure you…” Totoo ba ‘to? Si Oh Sehun, napakiusapan ni Yeol na sumali sa ganitong kadramahan. Haha! Ibang klase! “White Heather. Wishes will come true.” Sinundan pa siya ni Luhan. Ang mag-bestfriend nga naman. “Apple Blossoms. You may hope.” Sa salitang hope ay napatitig ako diretso sa mga mata ni Yeol. “And continue to wish upon the stars,” pagpapatuloy niya.

“You can count on me, Rey.” Hindi ko alam pero pakiramdam ko, hindi talaga ako mabibigo nang sabihin niya yun. At nakita ko ang unti-unting paglapit ni Baekhyun sakin suot-suot ang isang sincere na ngiti. “White Violet. Let’s take a chance on happiness.”

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko sa mga pagkakataong yun. Parang doon lang nag-sink in sakin na isa nga itong pagtatapat. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng isang rose garden. “Single Full Blossom Rose. I love you.”

Sweet YeollipopWhere stories live. Discover now