Sweet Thing #11 - Protection

87 2 2
                                    

SWEET THING #11 - PROTECTION

Freya's POV

"Freya, handa ka na bang sagutin ako?"

.

.

.

.

.

.

LOADING...

.

.

.

.

.

.

BUFFERING...

.

.

.

.

.

.

RELOADING...

.

.

.

.

.

.

"A-ano, Charles..." Shit! Bakit ka pa ba kasi bumalik? Pano mo ko nahanap? Tapos sa muli nating pagkikita, yan agad ang bungad mo sakin? Excited pa naman ako kanina nung nakita kita uli pero teka, bakit nga ba ako excited? Argh! Shit lang! "Hindi mo ba ako naiintindihan? Hindi mo ba ako naintindihan?" Maligoy talaga akong tao. Pero sa kanya lang yun. Bakit? Hindi ko rin kasi alam ang isasagot sa tanong niya. Noon ko pa hindi alam...

FLASHBACK

"Alam kong mali. Alam kong hindi tama. Pero hindi ko napigilan ang puso ko. Mahal na kita, Freya."

Sa harap ng fountain na saksi ng una naming pagkikita. Sa gitna ng ingay ng mga abalang taong walang pakialam. Sa malamig na pag-ihip ng hanging siyang nagpapagaan sa sikat ng araw. Dito... Dito ko unang naranasan ang pagtatapat ng nararamdaman mula sa isang taong hindi inaasahan.

Hindi ito yung klase ng pagtatapat na nababasa niyo sa Wattpad at mga nobela, napapanood sa mga pelikula at teleserye, o nai-imagine tuwing nakikita yung crush niyo na dumaan sa harap mo. Isa lang itong simpleng pagtatapat; simpleng pagbigkas ng mga salitang magpapahayag ng kanyang nararamdaman. Pero kahit gaano kasimple ang kanyang mga salita, hindi ko ito magawang tumbasan. Dito na papasok ang pagkakataon kung saan ang simple ay nagiging kumplikado.

Hindi ko talaga alam ang dapat na isagot, ang dapat na sabihin. Hindi ko ikakailang mahal ko siya pero masyadong kumplikado ang nararamdaman ko, higit sa pagiging matalik na magkaibigan pero hindi aabot sa puntong magkasintahan.

Isa pa, isinasaalang-alang ko rin ang pag-aaral namin lalo na ang mga edad namin. First year high school pa lang kami. Anong alam namin sa pag-ibig? Hindi pa ito ang tamang panahon.

Wala akong nagawa kundi ang tumakbo palayo at iwan siyang umaasa.

Ito ang naging simula ng pag-iwas ko sa kanya araw-araw sa eskwela. Mahirap pero kinaya ko. Kinaya ko kasi tinulungan niya ko. Naintindihan niyang hindi pa ako handa kaya maging siya ay iniwasan ako. Naging kapansin-pansin ito sa aming mga kamag-aral at maging sila ay napaisip kung paanong nangyari ito.

Napansin ng mga magulang ko na may kakaiba sakin kaya isang araw, "Gusto ko na pong lumipat ng bahay." Isang pangungusap lang ang kailangan ng mga magulang ko. Sapat na para mabasa nila ang mga nararamdaman kong ilang linggo kong tinago.

Sweet YeollipopNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ