Sweet Thing #8 - Hot Chocolate

63 3 0
                                    

SWEET THING #8 – HOT CHOCOLATE

Chanyeol’s P.O.V.

“Eto, alam mo ‘to diba?” tanong ni Lay hyung habang tumutugtog ng gitara. Tss. Si hyung talaga, nagtatanong pa. Syempre alam ko. Ako pa! Ha! Ngumisi lang ako at sinabayan siya sa pagtugtog.

Napansin kong medyo malungkot yung tugtog ni hyung. Naku! Hindi pwede sa happy virus ‘to. Kaya pinilit kong dalhin yung musika namin sa isang mas masayang work of art. Haha! Art din naman ang musika diba? Hindi tulad nung mga art DAW ni Kris hyung. Haha! Jong Dae lang, hyung. Peace tayo!

Nahinto kami ni Lay hyung nang biglang may pumasok sa office namin. Napalitan naman ng isang napakasayang ekspresyon ang pagkagulat ko nang makita ko ang goddess of love ng Norse Mythology.

“Ito na yung evaluation ng 3rd year members dun sa GA,” cold na pagkakasabi niya. Aww… Good afternoon din, Rey! Sanay na ko sa malalamig mong pagbati. “Paano nga uli ako naging representative ng year level namin?” mataray na tanong niya habang naka-cross arms. Grabe! Ibang-iba sa Freya na nakita ko nung isang araw.

Ipapaliwanag ko na sana na kalokohan na naman ito ni Lillian na sinuportahan namin nang itaas niya ang kanang kamay niya para pigilan ako. “Shut up! I know,” sabi niya at inirapan pa ko. Tingnan mo ‘to. Magtatanong tapos alam naman pala. Gusto mo lang ako makausap, no? Yieeeh! Si Rey talaga. Sabihin mo na lang kasi sakin. Alam mo namang hindi kita tatanggihan.

Humila siya ng isang upuan at doon naupo. “Dito na muna ako. Vacant din kasi kami ngayon at ayoko pang bumalik sa room namin. Napakaingay! Tss. Parang mga hayop na nakawala sa zoo.” Ang taray talaga! Haha! She even rolled her eyes. Kawawa naman classmates nito. Tsk. Tsk. Nakumpara pa sa zoo animals.

Tumayo ako para maghanda ng makakakain. Syempre, andito yung favorite visitor ko eh. “Okay, maghahanda lang ako ng snacks.” At naglakad na ko papunta dun sa corner kung saan kami nagtatago ng pagkain dito.

Narinig ko naman ang pag-uusap nung dalawa kasi malapit lang din naman ako sa kanila. “Salamat nga pala sa pag-collect nitong evaluation ha,” panimula ni Lay hyung.

“Sus! Itatapon ko na nga sana yan eh. Binabasa niyo ba talaga yan? Haha! Sigurado akong hindi.” Napailing ako sa sagot ni Rey. Half true, half false kasi ang sinabi niya. Haha!

“Pwede mo na ring sabihing ganun,” sagot ni hyung. “Ang main purpose naman ng evaluation ay para may mai-present kami sa advisers. Pero binabasa naman namin yan para mas mapa-improve pa ang performance namin. Hindi nga lang lahat.”

Bumalik ako sa kanila dala ang isang tray ng tatlong hot choco at biscuits. “Talaga lang ha,” sabi ni Rey nang nakataas pa ang isang kilay.

Inilapag ko yung tray sa center table. “Oo naman! Asan ba diyan yung sayo? Babasahin ko,” sagot ko habang tinataas-baba yung kilay ko. Haha!

“Hindi ako gumawa, no? Evaluation pang nalalaman,” pagtataray niya. Hay… Ano pa nga bang bago?

Iniabot ko kay Lay hyung yung tinimpla kong hot choco para sa kanya at pinasalamatan niya ko. Tinanguan ko lang siya. Kinuha ko rin yung para kay Rey at iniabot ito para sa kanya. “Para sayo, Rey.”

Freya’s P.O.V.

“Para sayo, Rey.”

Natulala ako nang marinig ko yun mula kay Cha – . I mean, mula kay Yeol. “Hot choco yan, Rey.” Napakurap ako ng mata nang muli kong marinig ang boses ni Yeol. Kinuha ko yung iniaabot niya saking cup ng hot chocolate.

“Thank you…” Nag-alangan akong ituloy ang sasabihin ko nang maalala ko kung sino talaga ang nasa harap ko ngayon. “Yeol.” Nginitian ko siya at ganun din ang ginawa niya. Wala na siya, Freya. Let go.

FLASHBACK

“Para sayo, Freya,” nakangiting saad ni Charles sakin habang iniaabot ang isang cup ng hot chocolate. Nandito ako sa bahay nila para sa isang project na by partners. We’re best friends so we decided to be partners.

“Sweet,” maikling sagot ko habang umiiling at nagta-type sa laptop.

Nakita kong inilapag niya yung hot chocolate sa table. Nagulat naman ako nang bigla niyang isara yung laptop ko. “Hey!” reklamo ko sa kanya.

“Break muna tayo. Malapit naman na nating matapos yan eh.” Well, that’s true pero mas maganda kung mas maaga na namin ‘tong matapos. “Exactly! Tapusin na natin para mas maaga akong makauwi,” sabi ko sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko at bumuntong hininga ng pagkalalim. “Ayaw mo na akong kasama?” Tss. Nagpapaawa na naman. I rolled my eyes.

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. “Akin na. I’ll try your hot chocolate,” I said plainly.

Nanlaki naman yung mga mata niya sa gulat at tuwa. “Talaga?! Iinumin mo talaga?! Sure ka ba? Matamis yun. Well, hindi naman sobrang tamis yung ginawa ko. Pero hindi ka sanay sa asukal. Baka sobrang tamis ng dating nun sayo...”

I rolled my eyes and sighed. Patuloy lang siya sa pagsasalita tungkol sa mga posibleng reaction ko kapag ininom ko yun. Minsan nga, iniisip ko kung sino ba talaga sa aming dalawa ang lalaki at babae. Ang OA niya! Nakakainis na ewan! Hello? Umiinom naman ako ng gatas. I’m pretty sure na hindi nagkakalayo ang tamis ng dalawang yun. “Charles.”

“Naku! Baka magka-allergic reactions ka. Wag na lang kaya, Freya? Pero gusto ko namang matik – “ Pinutol ko siya kasi sobra na siya sa pagka-OA. “CHARLES!” Bigla siyang natahimik at dahan-dahang humarap sakin. “Do you want me to taste it or not?”

“Seryoso ka ba? Naku, Freya! Okay lang sakin kung ayaw mo.” Napa-face palm na lang ako sa sagot niya. If I know, gusto niya talagang tikman ko yung gawa niya. Nag-iinarte lang ‘to.

Ako na mismo ang kumuha nung tinimpla niyang hot chocolate. In my peripheral vision, nakita kong masugid akong inoobserbahan ni Charles habang umiinom ako. Grabe! Ang OA talaga! “Not bad,” matipid kong pahayag.

Unti-unting lumaki yung mga mata ni Charles kasabay ng pag-form ng ngiti sa labi niya. Bigla na lang siyang tumalon at nagsisigaw. “Whooooo! Napainom ko ang best friend ko ng hot choco! Achievement!”

END OF FLASHBACK

Tama nga. Si Charles na naging best friend ko nung mga panahong hindi ko pa nakikilala si Lillian, ang unang lalaking kumuha ng atensyon ko. Haha! Nakuha nga talaga niya ang atensyon ko. Ni hindi nga ako  umiinom ng hot chocolate kung hindi siya ang nagtimpla. Sakto lang kasi yung tamis ng gawa niya. Sakto lang ang lahat sa pagkatao niya. Saktong-sakto sa hinahanap ko. But I have to get rid of our memories just like how I tried to get rid of you.

Napansin kong nanlaki ang mga mata ni Yeol nang inumin ko yung hot chocolate na inoffer niya. Oo, ininom ko yun kahit hindi si Charles ang nagtimpla. Bakit? Teka, bakit nga ba? Maybe because I trust him. Maaaring naguguluhan kayo at itinatanong kung anong connect ng hot chocolate sa tiwala. Pero yun ang nararamdaman ko eh. It’s because I trust him.

Pinagmamasdan niya ko. Tss. Ngayon alam ko na kung bakit noon pa lang, naiinis na ko sayo lalo na sa mga ngiti mo. You remind me of him.

“Ngayon nadagdagan na ng isa pang sweet na bagay ang alam mong hindi ko iniiwasan.” I smirked. “You should celebrate. You’re getting to know me more.

Sweet YeollipopWhere stories live. Discover now