Sweet Thing #27 - Moonlight

33 2 2
                                    

SWEET THING #27 – MOONLIGHT

Chanyeol's P.O.V.

I shook my head furiously. "No, Rey." It seems that my voice would crack any minute now. "You told me stories never end."

I can't believe she just compared us to the song we dubbed as light yet heartbreaking. I just can't accept that. "Who told you it ended? My story goes on and so is yours. We have separate stories because in the first place, our story never started," sagot niya na siyang bumasag sa puso ko. Iyon na ata ang pinakamasasakit na salitang narinig ko sa buong buhay ko. Worse, I heard them from the one and only Goddess who gave life to my world. Now I think it's my turn to wish all of this was just a dream.

"Rey..." Wala akong ibang magawa kundi ang tawagin ang pangalan niya.

Itinaas ko ang kanang kamay ko para sana hawakan uli siya sa pisngi gaya ng lagi kong ginagawa noon ngunit agad niya itong ibinaba at diretso akong tiningnan nang may luha sa mga mata. Lalong sumikip ang dibdib ko sa nakita ko. Tuwing nakikita ko siyang nasasaktan, pinapanalangin kong dumilim ang paligid para hindi ko ito makita o kaya sana ay mabulag na lang ang mga mata ko.

"I'm telling you, Yeol, you're just here to witness and listen how your heart would shatter to pieces." Napalunok ako sa mga salitang binitawan niya habang ang mga mata ko'y hindi mapakali. Is she letting me go? Is she giving up on me?

Inilabas niya yung binigay kong kwintas na may pendant na dream catcher na nakatago sa ilalim ng shirt niya. Tinitigan niya ito saglit at saka tuluyang tinanggal sa kanyang leeg. At laking gulat ko nang iabot niya ito sakin. "Charles and I are together now," dahan-dahan niyang sambit. "Just... forget about me, please."

I blinked several times and I can feel tears welling up in my eyes. Hindi ko tinanggap yung kwintas. Sa halip ay itinulak ko palayo ang kamay niya pero hinila niya ang kamay ko at saka pilit na inilagay rito ang kwintas. "Ayan! Nasayo na! Wala nang bawian." Naalala ko tuloy nung sapilitan kong ibinigay sa kanya yung candy noon. Dapat natutuwa ako sa pagre-reminisce pero bakit nasasaktan ako?

"I thought..." Natigilan ako. Gusto ko sanang gawin ang lahat para lang hindi tuluyang lumubog ang barkong ito ngunit masyado na atang malaki ang butas. Wala na atang pag-asa. Bakit ko pa ipagpipilitan kung ang barko na mismo ang sumusuko at nagpapaalam sakin? "One last question and I'll leave."

Her eyes were teary and I can feel that she's struggling to hold a straight face in front of me. Nevertheless, she managed to look at me directly and emotionlessly ask, "What?"

"Are you happy?" Nagtatalo ang dalawang Chanyeol sa loob ko ngayon. Isang umaasang sasabihin niyang oo para mapanatag ang loob ko, at isang humihiling na sabihin niyang hindi para magkaron ako ng karapatang manatili sa tabi niya.

Silence embraced us.

She looked down and blinked a few times; then she looked up holding herself. Tumango siya sakin bilang sagot pero malinaw na kabaligtaran nito ang sinasabi ng mukha niyang araw-araw at gabi-gabing nagpapakita sa isip at puso ko. "Are you sure?"

Freya's P.O.V.

I told him I'm happy even though I know I will never be completely happy without him beside me, without him to protect me, without him in my life. "Are you sure?" he asked. My facial expression just can't lie to him.

Hinawakan ko siya sa kanyang mga balikat pagkatapos ay isinubsob ang ulo ko sa dibdib niya. "Isang tanong lang diba? Now leave," sabi ko habang unti-unting pumapatak ang mga luha ko. "Don't make this any harder for me," bulong ko.

Chanyeol's P.O.V.

Now she's crying in front of me. I sighed in defeat. Is this really the end of a story which never even started? Itinaas ko ang mga kamay ko para sana yakapin siya pero... May karapatan pa ba akong gawin yun?

Tumingin ako sa langit at pinagmasdan ang buwan. Nasaksihan ko kung paano ito dahan-dahang harangan ng mga ulap kaya't lalong dumilim sa paligid. Nangiti ako nang mapait. Pati ba ang buwan, nagpapaalam na sakin?

Inalis ko na lang ang mga kamay niya sa mga balikat ko. Hanggang ngayon ay nakatungo pa rin siya at hindi ako tinitingnan. "Goodbye then!" Sinubukan kong ngumiti habang wine-wave ang kamay ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako nang may luha sa mga mata. Kung posible pang madurog ang basag na basag kong puso ngayon, nangyari na.

Tinalikuran ko na siya para di ko na siya makitang luhaan at para na rin masunod ko na ang gusto niya. Nagsimula na akong humakbang at hindi pa ko nakakalayo nang tawagin niya ang pangalan ko. "Yeol..." Ang sarap sa tenga ngunit ang sakit isiping ito na ang huli.

Tumigil ako saglit para pakinggan kung meron pa siyang sasabihin. "Happy birthday!" mahina niyang sabi pero rinig na rinig ko. With that, I let a tear escape my left eye as I vanish from her sight.

"I love you," I heard her whisper together with mine.

Sweet YeollipopDär berättelser lever. Upptäck nu