Sweet Thing #9 - Light Conversation

69 3 2
                                    

SWEET THING #9 – LIGHT CONVERSATION

Freya’s P.O.V.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay nadatnan ko ang isang baliw na kapreng may elf ears dito sa office ng Hearts Club. Napabuntong-hininga na lang ako sa nakita ko at napaikot na rin ng mata. Mag-isa na nga siya rito, maingay pa rin. Enjoy na enjoy pa siya sa pagra-rap habang kunwaring nagda-drums. Magaling naman siya mag-rap kaya lang pwedeng pakihinaan yung volume? Gaano ba kalakas ang volume ng pinapatugtog niya at ganito kalakas ang boses niya?

Nilapitan ko siya. Hindi man lang niya napansin na may ibang tao na rito. Kinuha ko ang isa sa earphones niya at saka siya sinigawan, “Ang sabi ko, GOOD AFTERNOON!” Alam kong wala naman talaga akong sinabi kanina. Hindi naman talaga ako bumabati every time na pumupunta ako rito. Gusto ko lang ipamukha sa kanya na kanina pa ko rito at hindi niya yun napapansin.

Sa halip na magreklamo siya sa ginawa ko ay nginitian pa niya ako bago tumawa. “Wow, Rey! Improving ka na. Marunong ka na ng totoong greetings kaya lang, mali yung paraan ng pagkakasabi mo eh. Pa-tutor ka nga sakin.” Tss. Nakuha pang mang-asar. Pati ba ikaw, pupunahin din ang pagbati ko. Wala namang pakialaman ng trip, Char--. Chanyeol.

“Napapadalas ka na dito ah,” puna niya habang tinataas-baba yung kilay niya. Tss. Gusto niya kasi talagang dumadalaw ako dito sa office nila. Baliw yan eh. Wala sigurong ibang mapagtripan.

“Ikaw rin,” maikling sagot ko. “Bakit nga ba lagi kang tambay dito? May klase ka pa ah.”

“Nagsalita ang walang klase,” sagot niya habang naghahanap ng iba pang kanta sa phone niya. Mukha namang na-play na niya lahat kasi wala siyang pinili sa mga ‘yon. Ipinatong na lang uli niya yung phone niya sa table.

Natawa kami at nagkatinginan nang magkasabay naming sabihing “Nag-cut ako.”

I just shrugged and said, “TLE eh.”

Matapos niyang marinig ang sinabi ko ay mabilis na napatingin siya sa wrist watch niya. “Last period na pala?!” Don’t tell me kanina ka pa nandito at hindi lang isang subject ang iniskip mo. “Hala! TLE niyo nga.”

“Kasasabi ko lang,” simpleng sagot ko.

Tumayo siya at lumapit sakin. Hinila niya ko patayo at ipinagtulakan papunta sa pinto. “Wag kang mag-cut. Bad yun. Dun ka na. Umattend ka ng class mo.”

“Nahiya naman ako sayo. You’re such a good example,” sarcastic na saad ko.

Nang nasa labas na ko ay inalis na niya ang pagkakahawak sa balikat ko. Hinarap ko siya at magsasalita na sana ako nang unahan niya ko. “Galingan mo sa TLE class mo ha.” Todo ngiti pa ang loko.

Nanlaki ang mga mata ko ng pagsarhan niya nga ako ng pinto. Napahawak na lang ako sa noo ko at napapikit ng ilang sandali. Pinapakalma ko ang sarili ko. Such a wrong move, Chanyeol. Only Charles has the guts to do this to me. I can’t believe you can, too. Bakit pa ba ako nagugulat? Have I forgotten the fact that you remind me of him. Ugh. This sucks. I should stay away from you, but I just can’t.

“Park Chan Yeol!” sigaw ko. “Open this door,” mahinang utos ko pero puno ng awtoridad. “NOW!”

As expected, agad na bumukas ang pinto sa harap ko. Dahan-dahan akong bumalik sa loob ng office habang sinasamaan siya ng tingin. Kung hindi ako nagkakamali sa pagbasa ng ekspresyon niya, natatakot na siya. Haha! Bakit ang cute mo matakot?

Bumalik ako sa inuupuan ko kanina at sinubsob ang ulo ko sa table. Makatulog na lang.

Naramdaman ko naman ang pag-upo ng kapreng may elf ears sa harap ko. “Umattend ka na kasi, jebal. Baka pagbe-bake na ng cake yung ituturo sa inyo.”

Aish! Sabi ko nga, hindi ako makakatulog sa ingay ng kasama ko. Hay… Iniangat ko ang ulo ko saka mabilis na sumagot, “Exactly!” At ibinaon ko uli yung ulo ko sa mga braso kong nakapatong sa table.

Bigla naman niya akong niyugyug at nag-ingay na naman. Aish! Bakit ba dito ko pa naisipang tumambay? What a wrong choice, Freya! “Cake na pala eh. Umattend ka na kasi. Ipagbe-bake mo pa kami.”

“Tss” lang ang isinagot ko sa kanya.

“Dali na kasi, Rey. Ikaw rin. Pag nagkaron kayo ng quiz sa paggawa ng cake, baka bumagsak ka,” pagpilit niya sakin. Tch. Para siyang bata.

Iniangat ko yung ulo ko at sumandal sa upuan habang naka-cross arms. I smirked before replying, “Are you underestimating me?”

Tahimik niya lang akong tinitigan. Baka na-realize niya na pagmamaliit nga ang naging dating nun sakin kahit hindi naman. Ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng pangmamaliit sa kanya. Masyado siyang sincere at isip bata. Mga bagay na kinaiinisan ko ngunit siya ring dahilan kung bakit gusto kong mapalapit sa kanya. Gusto ko lang siyang pagtripan kaya ganun ang isinagot ko sa kanya.

“Hindi sa ganun, Rey,” mahinang sagot niya at saka itinungo ang ulo. “Gusto ko lang makatikim ng cake na ikaw mismo ang nag-bake.” Teka, nagpapaawa ba ‘to?

“Sinong may sabing bibigyan kita?” Mabilis na iniangat niya ang ulo niya sa narinig. Akala ko’y sisimangot na siya at magrereklamo pero masigla niya kong sinagot, “Magbe-bake ka nga?”

Binato ko siya nung notebook na nakapatong sa table. Sorry na lang sa may-ari nun. “Rey naman! Masira yung notebook ko,” sabi niya nang masambot yun. I take back what I said. I’m not sorry anymore. “Pero magbe-bake ka talaga ng cake?”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Siraulo ka ba? Alam mo ngang may quiz kami dun, itatanong mo pa.” Inirapan ko pa siya.

“Ano bang malay ko kung concern ka sa grades mo o hindi?”

Hindi ako makapaniwalang lumingon sa kanya. “Nagka-cut lang ako pero pinapangalagaan ko ang rank ko,” sambit ko sa tono ng pagrereklamo.

“Wow! Honor student ka pala? Sorry kung konti pa lang ang alam ko sayo.” Nginitian niya ko. “Ano palang rank mo?”

“Rank number 1.” I smirked at him. “Since grade 1,” mayabang na sabi ko. Bakit ba? May ipagmamayabang naman ako. Haha!

Nag-slow clap siya at tumabi sakin. Tss. Baliw talaga. Inakbayan niya ko at saka sinabing, “Consistent! Yan ang future girlfriend ko.” Kinindatan pa niya ko. Eww lang.

Mabilis kong tinanggal ang pagkakaakbay niya sakin. Feeling close masyado. Tss. “Asa ka naman!”

Pout lang ang isinagot niya sakin. Oh? San napunta yung kadaldalan mo? Haha!

“This is unfair,” bigla kong sambit nang mapagtanto ko ang isang bagay. Nilingon naman niya ako nang nagtataka. “You’re getting to know me well. Kumusta naman ako? Aside from you’re such a bright but annoying person, I know nothing about you.”

“Thank you sa compliment.” Compliment ba yun? Pansinin mo naman sana yung word na annoying. Gusto mo bang ulitin ko pa yung sinabi ko? For the nth time, I saw his sincere smile again. “Makikilala mo rin ako nang lubusan. Lalo na pag naging tayo.”

Sweet YeollipopKde žijí příběhy. Začni objevovat