Sweet Thing #29 - Believe & Hope

24 1 6
                                    

SWEET THING #29 – BELIEVE & HOPE

Freya's P.O.V.

February. To most of the people, this time is the sweetest but for Charles and I, this is one bitter month.

Kaming dalawa na lang ang natitira ngayon sa harap ng puntod ni Tita Charlene. Inilagay ni Charles ang hawak niyang puting cyclamen sa ibabaw ng puntod ng kanyang ina. I placed my left hand on his shoulder and caressed it comfortingly.

Humarap siya sakin at nakita ko ang mukha niyang luhaan, ang mukha niyang nangungulila at nasasaktan. Niyakap niya ko at ganun din ang ginawa ko sa kanya. Sa ngayon, ito lang ang kaya kong gawin para kay Charles, ang manatili sa tabi niya para damayan siya.

Binigyan ko siya ng isang malungkot na ngiti. "Tara na?"

Charles' P.O.V.

Bumalik kami ni Freya sa bahay ko at nakakagulat na dama ko pa rin ang presensya nina mama at papa sa pamamahay na ito. It still feels like home.

"Dito ka pa rin ba titira?" tanong ni Freya. "I mean, malungkot mag-isa."

Tinabihan ko si Freya sa sofa. "Hindi naman ako mag-isa dito eh," nakangiti kong sagot at napakunot ang noo niya dahil dun. Bahagya akong natawa sa reaksyon niya. "Kasama ko sina mama at papa dito."

Nagpanggap naman siyang natatakot at bahagya akong pinalo sa balikat. "Wag mo nga akong takutin."

Natawa ako sa kanya at kinurot ang pisngi niya na siyang naging dahilan para tingnan niya ko ng masama. "Aish!" reklamo niya habang hinahawakan ang pisngi niyang kinurot ko.

"Wag mo rin kasi akong alalahanin," sabi ko sa kanya na siyang nagpalambot sa ekspresyong suot niya. "Pano ko naman magagawa yun?" tanong niya.

"Bumalik ka na," saad ko at napakunot siya ng noo. Napabuntong hininga ako at saka nagpatuloy, "I don't think I have the reason to tell you this, but I think I have now."

FLASHBACK

Eksaktong 6:00am ako nakabalik sa bahay. Sa ospital kasi ako natulog; dumaan ako dito para makapaghanda sa pagpasok. Pero nagulat ako nang makita kong may kotseng nakaparada sa harap ng bahay namin at hindi lang basta sa harap; hinaharangan nito ang daan papasok sa bahay namin.

Kinatok ko ang bintanang malapit sa driver's seat. Nakita ko ang anino nito na medyo nag-uunat. Ano 'to? Kagigising lang niya? Ibinaba nito ang bintana at nagulat ako nang makita ko kung sino ang nasa loob. Si Chanyeol 'to diba?

"Ch-Chanyeol?" alanganin kong tawag habang pinaniningkitan siya ng mata. Sinisigurado ko kung siya nga kasi baka mamaya, mapahiya pa ko.

"Ah... Haha! Ako nga. Good morning!" bati niya at saka siya lumabas ng kotse.

Nakakainis naman! Ang tangkad talaga ng isang 'to! Hindi naman sa malaki ang agwat niya sakin. In fact mga 6cm lang siguro ang tangkad niya sakin. Mas gusto ba ni Freya yung mga lalaking kasing tangkad niya? Tss. Inalis ko na ang thought na yun sa isip ko. "Bakit ka nandito? Pano mo nalamang dito ako nakatira?"

Nagpamulsa siya at sumandal sa kotse niya. Tss. Pa-cool pa ang gago. Alam kong mahalaga siya kay Freya pero sapat na dahilan na yun para mainis ako sa kanya diba? Kung hindi lang talaga 'to mahal ng dyosa, kanina ko pa inupakan. Hindi niyo ko masisisi. Tao lang din ako; marunong magselos. "Kinuha ko ang address mo sa adviser niyo ni Freya."

"Bakit mo naman yun gagawin?" curious na tanong ko. Nagtataka lang ako kasi kung meron man siyang sasadyain dito, si Freya yun at hindi ako.

Sweet YeollipopWhere stories live. Discover now