Sweet Thing #5 - Lunch

85 2 4
                                    

(A/N: Naayos yung laptop ko and that means an update. Magdiwang~)

SWEET THING #5 – LUNCH

Freya’s P.O.V.

Sa wakas! Lunch break na. Naglakad ako papuntang pinto habang inaayos yung bag ko kaya hindi ko nagawang tingnan ang dinadaanan ko. “Hi Rey!”

“Oh fvck!” Nagulat ako kaya yun ang nasabi ko. Napatakip ako sa bibig ko.

“Tsk. Tsk,” pailing-iling na sabi ni Yeol. “Wag mo na yung uulitin ha. Bad yun.”

“Ikaw kasi! Bakit ka ba andito?”

“Ano ka ba, Freya? Malamang, hinihintay ka niya. Diba Kuya Chanyeol? Hi!” Bagong pauso, Lillian? Nasa huli ang greetings.

“Hello!” bati sa kanya pabalik ni Yeol. “Sabay-sabay na tayong kumain ng lunch,” alok pa niya.

Sasagot na sana ako ng hindi kaso naunahan ako ni Lillian. “Sige ba! Kasabay niyo rin sina Kuya Baek diba?” Tss. Mukhang Baekhyun. “Tara na, Freya.”

Wala na kong nagawa kundi sumunod. Sabi samin ni Yeol, nauna na raw sina Kuya Baekhyun sa cafeteria at pinag-reserve kami ng table. Pero nagulat talaga ako nang makarating kami sa table na sinasabi niya. Akala ko, sina Kuya Baekhyun at Chen lang ang madadatnan ko pero hindi. Kung di ako nagkakamali, nasa isang dosena ang grupo nila.

Chanyeol’s P.O.V.

“Guys, sina Freya at Lillian nga pala. New members ng club at syempre, new friends,” pagpapakilala ko sa kanila.

“Hello po!” masiglang bati ni Lillian habang kumakaway. “Kayo po ang EXO diba? Yung official band ng club. Wow! Ang gagwapo niyong lahat! Haha!”

“Alam na namin yun. Kilala niyo na ko kaya di na ko magpapakilala,” sagot ni Chen.

“Kung ganun, ako na lang ang magsisimula. Suho nga pala.” Sa pagsisimula ni Suho hyung, nagsisunuran na ang lahat.

“Kris here.”

“Panda Tao!”

“I’m Sehun.”

“Luhan.”

“Baozi Xiumin! Xiu for short.”

“Walang kasing-hot! Kai.” At ngumisi pa si Kai. Tsk. Tsk. Kahit kelan talaga ‘to.

“D.O. nga pala.”

“Lay. Nice to meet you.”

Tumango-tango si Lillian at muling nagpakilala. “Again, I’m Lillian. Grabe! Ang gagwapo niyong lahat! Haha!” Hinila niya si Rey na kanina pang tahimik. “At siya nga pala si Freya. ”

“Freya? The goddess of love of Norse mythology? Wow! You should be the next president of our club. After all, graduating students na kami,” sabi ni Suho hyung.

At naging matalas na naman ang mga tingin ni Rey. Sa totoo lang, mukhang hindi lang sa sweets siya may problema. Pati rin siguro sa mga lalaki. “I never thought na names lang ang pagbabasehan niyo ng pagpili ng officers, mister. Don’t tell me lahat ng names niyo ay may meaning na related sa heart or love kaya kayo nasa posisyong yan?”

Sweet YeollipopWhere stories live. Discover now