Sweet Thing #21 - Road Trip

73 1 16
                                    

SWEET THING #21 – ROAD TRIP

Chen's P.O.V.

Road trip! Road trip! Road trip! Yaaaaaaaaay! Excited na talaga akooooooooo~

"Wear your seatbelts, guys," utos ni Kyungsoo habang sinusuot ang sarili niyang seatbelt. Siya ang gwapong gwapo naming driver ngayon. Haha! Pero siguradong mas cool ang dating namin kung ako ang magda-drive. I know, guys. I know. I'm handsome. Wag niyo na kaming pagpalitin ni Kyungsoo ng seats. Baka ma-inlove pa yung gas boy mamaya pag nagpa-gas kami tapos i-stalk kami. That would be a huge problem. Minsan talaga, kailangang magtago sa likod ng van ang mga gwapo katabi ng mga bagahe para alam niyo na, iwas gulo.

"Ugh! Let me go!" Agad kong itinaas ang ulo ko matapos kong magsuot ng seatbelt dahil sa narinig kong yun mula kay Chanyeol. Ano na naman bang trip nito?

"What the hell, Yeol?!" sigaw ni Freya sa kanya. Haha! Grabe! This is what you call a live show. Gusto kong tumawa nang wagas na wagas pero baka magalit sakin si Freya. Haha! Freya naman oh. Future girlfriend ka ba talaga at mukhang hindi ka pa sanay sa mga kalokohan niyang tenga mong manliligaw.

"San mo ko dadalhin?" Ayan na, inaaway na ni Chanyeol yung sarili niyang seatbelt. Haha! Gusto ko talagang samahan si Chanyeol sa trip niya kaya lang katabi niya si Freya. Scary~

Nakita ko namang nag-face palm si Freya. Naiintindihan na siguro niya ang nangyayari. Haha! "Waaaah! Inaaresto mo ba ko? Tulungan mo ko, Rey." Ayos ah! Mukha na talagang baliw si Chanyeol. Haha! Pakitawagan ang mental hospital, guys. Doon na ang diretso ng van na ito.

"Eh kung nananahimik ka na lang?" sagot ni Freya kay Chanyeol kasama ang isang evil smile. I told you she's scary at times. Napa-pout na lang si Chanyeol dahil dun. Aba! Nagpa-cute pa ang gago. Mas cute naman si Xiumin hyung sa kanya. Ako? No, guys. Hindi ako cute. Gwapo ako. Ha!

Maya-maya ay sumakay na rin si Suho hyung. Sa unahan siya dahil palitan sila ni Kyungsoo sa pagda-drive. Again, guys. Wag na kayong manghinayang na hindi maidi-display ang aking kagwapuhan sa unahan. Umiwas tayo sa gulo, guys. "Okay na sila sa kabilang van. Tara na."

Pagkasabi nun ni Suho hyung, pinaandar na ni Kyungsoo ang van. Haha! Whooooooooo! Our road trip begins. Pupunta na kami ng... Ng... Ai teka, san nga ba kami pupunta? Oh no! Bakit hindi ko alam? Waaaaaaaaah! Waaaaaaaaah! Paano kung sa beach ang punta namin? WALA AKONG DALANG SWIMMING TRUNKS!

Chanyeol's P.O.V.

Nakatingin lang si Rey sa labas ng bintana habang naka-earphones at nakikinig ng music sa phone niya. Oo, pinagmamasdan ko siya kasi may hinihintay ako. At mga brad! Bakit ganun?! Hindi ba inaantok ang dyosang 'to? Ganun ba talaga pag mga dyosa? Hindi natutulog sa mga biyahe?

Syempre gusto ko ring maranasan yung mga napapanood ko sa tv. Yung aantukin yung babae sa biyahe tapos isasandal nung lalaki sa balikat niya yung ulo ng babae. Diba?! Diba?! Ang sweet kaya pag ganun!

Kinuha ko yung earphone sa right ear niya at kaya naman pala! Rock music ang pinakikinggan ng dyosa. Eh hindi talaga makakatulog 'to! "Trip mo pala ang rock?"

Nagkibit balikat lang siya saka sumagot, "Not really. Trip ko lang siya ngayon." Sa dinami-dami ng araw, Rey, bakit ngayon pa?!

Kinuha ko yung phone niya. Hindi naman siya nag-react. Sanay na kasi siyang pinakikialaman ko ang phone niya. Chineck ko yung mga kanta niya dito at natawa na lang ako nang makita ko ang playlist na pinamagatang "Good Night." Agad ko yung ini-play.

"Yeol! Bakit mo pinaltan?!" Sinubukan niyang agawin sakin yung phone niya pero syempre, mabilis ako. Haha!

"Yieeeeeh~ Good Night pala ha. Ano 'to? Pampatulog mo?" pang-aasar ko pa. Matulog ka na lang kasi, Rey. Bukod sa gusto kong maranasan yung mga napapanood ko sa tv, kung alam mo lang, masaya akong pinapanood ka habang natutulog.

Sweet YeollipopNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ