Sweet Thing #23 - Fountain

37 1 0
                                    

SWEET THING #23 -FOUNTAIN

Freya's P.O.V.

What will you do if a dying woman wished something you can't do?

Naglalakad-lakad lang ako habang hawak-hawak ang dream catcher na pendant na bigay sakin ni Yeol. Bahala na kung san ako dalhin ng mga paa ko. Gulong gulo na kasi ang isip ko. Hindi ko na alam ang gagawin.

FLASHBACK

Hindi ko inaasahang sa ospital ang unang destinasyon namin sa pagbabalik namin sa bayang ito. "Freya? Hija, ikaw na ba yan?" At mas lalong hindi ko inaasahang ito ang dahilang tinutukoy ni mommy nang banggitin niya ang pamilya ni Charles.

Dahan-dahan akong lumapit sa babaeng nakahimlay sa higaan. Hindi siya basta babae lamang. "Tita..."

Nagsimula nang magtubig ang kanyang mga mata at ang unti-unting pagpatak ng kanyang mga luha. Hinawakan niya ko sa magkabilang pisngi at pinagmasdan ang aking mukha. "Freya, ikaw nga. Lalo kang gumanda, hija."

Napatungo na lang ako at pinigilan din ang sariling lumuha. "T-tita, a-ano pong nangyari?"

Umiling lang siya. "Ayos lang ako. Don't worry about me."

"Of course, tita. I know you'll be fine. Kayo pa po ba?" nakangiti kong sagot. I have no other option left but to give her hope; even if it's just false hope.

Nginitian niya rin ako at pinaupo. Pinakiusapan niya rin sina mommy at Charles na bigyan muna kami ng pribadong oras saglit. "I missed you so much. Did you miss me?"

"Opo naman, tita." Sa totoo lang, ang mama ni Charles ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi agad naging buo ang loob ko na umalis sa bayang ito para tuluyan siyang kalimutan. Masyado kasi siyang malapit sakin at siya rin ang tumayo kong pangalawang ina.

"Kung ganun, bakit ngayon ka lang bumalik? Bakit ngayon ka lang dumalaw?" tanong niya nang may bahid na tampo.

Napakurap na lang ako ng mata at napatingin sa baba. "Masyado po akong naging busy at masyado ring naging masaya. To the point na nalimutan ko nang may ibang tao rin palang naghihintay at nangangailangan sakin." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. "I'm sorry. I'm really sorry." If I had known earlier, I would have gone back.

Naramdaman ko na lang ang mga kamay niyang pumupunas saking mga luha. Hinawakan ko ang mga kamay na iyon. "Don't be sorry. Magiging okay lang ako diba?"

"Hmm," I hummed while nodding and caressing her hand. "Lalo pa't andito na ko, tita. Baka nga mamaya lang, naglalakad na kayo niyan. Haha!" I faked a laugh.

She tried to laugh as well, but she ended up coughing horribly. I rubbed her back immediately and grabbed the glass of water on her bedside table. "Tita, okay ka lang? Should I call the nurse? Nurse!"

She shook her head as she drank the water. Huminga siya nang malalim at saka ako sinagot, "Ayos lang ako." I sighed in relief after hearing her response.

Tuluyan na siyang umupo sa kama niya at nilagyan ko naman ng unan ang likod niya para mas komportable siya. "Kumusta ka naman sa bago mong school?"

I tried my best to smile. How could I tell her I'm enjoying every single second when she's dying herself? "Gumaganda ka lalo, Freya tuwing ngumingiti ka. I guess you're enjoying your high school life there." Tumango na lang ako bilang sagot. "I wish I could go back in time," hiling niya.

"I wish the same, too." I wish I can do more before she leaves us. If only I wasn't so selfish, I wouldn't have left right from the start. Pero kung hindi rin ako umalis, hindi ko rin siya makikilala.

Sweet YeollipopWhere stories live. Discover now