Sweet Thing #25 - Happy Birthday!

32 2 11
                                    

(A/N: Sa timeline po ng Sweet Yeollipop, birthday ni Yeol ngayon. Walang kokontra. Haha! Just enjoy the story, and Chanyeol says he missed you all~)

SWEET THING #25 – HAPPY BIRTHDAY!

Chanyeol's P.O.V.

DISMISSAL

Dali-dali akong bumaba para pumunta sa floor ng 3rd year. Hindi ko inintindi ang mga taong nagrereklamo sa pagtakbo ko sa hallway maging ang guidance counselor naming sinusuway ako. Hindi ko mapigilang ngumiti nang makita ko si Lillian na palabas ng classroom nila. I still got hope on my side.

Mabilis kong hinarang si Lillian at napaangat naman siya ng ulo sakin nang gulat na gulat. "Ikaw lang pala. You startled me," nakahawak sa dibdib na saad ni Lillian.

Nginitian ko naman siya. Araw-araw ko naman siyang nginingitian dahil araw-araw rin akong umaasa ng mabuting balita mula sa kanya. "Any news?" tanong ko habang humihiling sa lahat ng pwedeng hilingan.

Ginantihan niya rin ako ng ngiti. Dapat matuwa ako dahil sa araw-araw na pangungulit ko sa kanya ng balita tungkol kay Rey, ngayon lang siya ngumiti. Pero hindi ko magawang matuwa dahil may pag-aalangan sa ngiti niya. Pinanood ko lang siya habang may kinukuhang kung ano mula sa bag niya. Nagulat ako nang bigyan niya ko ng strap ng gitara. "Happy birthday, Chanyeol oppa!" nakangiti pero malungkot niyang sabi.

Hindi ko mahanap ang salitang isasagot. Pinagmasdan ko lang ang guitar strap na bigay niya. "Iniwan yan sakin ni Freya bago siya umalis. Pina-personalize niya yan sa Baguio." Napansin ko nga ang burdang "Yeollipop" sa dulo ng strap. Bakit hindi ko alam na bumili siya nito sa Baguio?

"Nagtataka ko pa nga yang kinuha noon. Bakit pa niya ibibigay sakin kung pwede namang siya mismo ang magbigay sayo?" Napabuntong hininga na lang siya. "Yun pala..."

Inangat ko ang ulo ko at muli siyang nginitian. "Salamat, Lillian!" Itinaas ko pa yung guitar strap at saka naglakad palayo. Good news naman 'to diba? Nakatanggap ako ng birthday gift mula kay Rey. Yun nga lang, hindi siya ang personal na nagbigay. At siguro, mas maa-appreciate ko kung siya mismo yung matatanggap kong birthday gift ngayon. Miss na miss ko na siya.

Pagbukas ko ng pinto ng office ng Hearts Club, agad na umulan ng confetti kasabay ng pagkanta nila para sakin. "Saengil chukahamnida! Saengil chukahamnida! Saranghae Chanyeollie~ Saengil chukahamnida!"

"Waaah! Hindi niyo nalimutan yung birthday ko." Dapat lang naman sigurong magpakasaya ako diba? Birthday ko naman at good news naman ang makatanggap ng birthday gift mula kay Rey diba?

Dinala ni Baek sa harap ko yung cake habang nasa likod niya yung ibang members na nakangiti sakin. "Mag-wish ka na," sabi sakin ni Baek.

Pumikit ako at saka humiling, "Sana magkita na uli kami ni Rey." Pagkatapos nun ay hinipan ko na ang mga kandila. Pag-angat ko ng ulo ko, lahat ng mga ngiti nila ay naglaho na. Nanghihinang ibinaba rin ni Baek ang birthday cake ko.

"Hyung, sanay ka namang kami ang kasama mong mag-celebrate ng birthday taun-taon diba?" saad ni Sehun.

Tumango ako bilang sagot. "Akala ko lang kasi, may bagong highlight ang birthday ko ngayong taon."

Iba't ibang reaksyon ang nakuha ko sa kanila. Ang ilan ay nagtinginan. Yung iba, tumingin sa baba o kaya sa taas. Tapos yung iba, napabuntong hininga na lang. Isa lang ang pareho sa lahat ng reaksyon nila at yun ay ang pag-aalala. Napatunayan ko ito nang maramdaman ko ang kamay ni Baek sa balikat ko. Tiningnan ko siya diretso sa mga mata at isang comforting smile ang ibinigay niya sakin. Nginitian ko na lang din siya pabalik.

Sweet YeollipopWhere stories live. Discover now