Sweet Thing #30 - Yes

29 1 21
                                    

SWEET THING #30 – YES

Freya's P.O.V.

Lillian: Hoy, Freya! Asan ka na? Malapit nang matapos ang graduation.

Me: Papunta na. Saglit lang. Magpapaalam lang ako sa bride.

Lillian: Sige na, bilisan mo. Bye!

Dali-dali kong hinanap ang bride sa reception. 'To naman kasing pinsan ko, magse-set lang ng date ng kasal, kasabay pa ng graduation ng dati kong school.

Laking ginhawa ko nang makita ko si Ate Loraine na kausap ang ilang bisita kasama ang freshly announced husband niya. Malapit na pinsan ko si Ate Loraine kaya kinuha niya kong isa sa bride's maids. I'd love to finish the whole celebration, but I need to meet someone important, someone I've been longing for months.

Sakto lang ang dating ko sa tabi ni Ate Loraine kasi katatapos lang niyang makipag-usap sa mga bisita niya. "Ate Loraine," tawag ko pagkaharap na pagkaharap niya sakin kaya bahagya siyang nagulat.

"Freya, ginulat mo ko dun," saad niya na nakahawak pa sa dibdib.

"Sorry, ate pero uuna na ko ha," pagpapaalam ko.

"Bakit? May pupuntahan ka?" tanong niya at tumango ako bilang sagot. "Oh sige. Salamat sa pagpunta! Mag-iingat ka," nakangiti niyang sabi.

"Salamat din, ate at congratulations!" Binaling ko naman ang tingin ko sa asawa niya. "Congratulations po!" Pareho naman silang tumango sakin at ganun din ang ginawa ko saka tuluyang umalis.

Paglabas ko ng reception, nadatnan ko si Charles na nakasandal sa kotse niya at hinihintay ko. Agad niyang binuksan ang pinto ng kotse nang makita niya ko. "Bilisan mo, Freya!"

Nakangiti akong tumango at dali-daling pumasok sa kotse niya. Mabilis din siyang pumasok at saka nagsimulang mag-drive.

Malapit na kami sa school at natatanaw ko na si Lillian na nag-aabang sa gate. Nakikita ko ring nagsisiuwian na ang mga estudyante kasama ang mga pamilya nila.

Pagkababang pagkababa ko ng kotse ay agad akong sinalubong ni Lillian. "Fre..." Nahinto siya sa pagtawag ng pangalan ko para tingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Tititigan mo lang ba ako, Lillian? Asan sina Yeol?" mabilis kong tanong.

"Ano kasi..." Sinundan ko ang tingin niya at sa suot ko pala siya nakatingin. Napansin ko ring pinagtitinginan na pala ako ng mga tao. Bigla naman akong nahiya. Dahil nga sa nagmamadali ako para abutan sina Yeol, hindi na ako nakapagpalit ng damit kaya eto, naka-gown pa rin ako at ayos na ayos pa rin ang buhok at mukha ko.

"Aish! Can we forget about how I look and just bring me to Yeol?" yamot at medyo pagod kong saad. Hindi biro ang tumakbo nang naka-heels pero para kay Yeol, ginawa ko. "Hindi pa naman sila nakakaalis kasama nina umma diba?" nag-aalala kong tanong. Balita ko kasi, right after graduation, babalik na sina Yeol sa Korea.

Bigla akong nag-alala nang kagatin ni Lillian ang labi niya. "Ang ganda mo kasi, Freyaaaa!" bigla niyang sigaw kaya naman binatukan ko siya. "Aray ko!" angal niya. "Na-starstruck lang naman ako sayo kasi ngayon lang uli tayo nagkita tapos ayos na ayos ka pa." At nag-pout pa ang loka.

"Lillian!" naaasar kong sigaw.

"Oo na!" Hinila niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob. Nagpaiwan naman si Charles sa labas. "Dadalhin na kita sa kapre mo." Hindi ko napigilang ngumiti dun. Miss ko na rin ang pagtawag sa kanya ng kapreng may elf ears.

Sweet YeollipopDonde viven las historias. Descúbrelo ahora