Baka naman gusto mag solo flight kaya mag isa at Batangas ang napili.

"Wow!?" Namamangha na sabi ni Ate Klarissa ng mapansin nito na magkasabay kami ni Klyde.

"So... What's the tea?" Tuwang tuwa nitong sabi.

"Lemon tea," masungit na sabi ni Klyde kaya napailing ako.

"Magkasabay kayo? In fairness hindi halata na planado 'to." Sabi nito kaya natahimik ako.

Hindi kami nag-text ni Klyde nagkataon lang ata na iisa ang sinakyan namin kaya nangyari yun.

"Nagkataon lang po," sabi ko rito.

"Kunwari hindi ko alam na scripted yung co incidence di ba?" Sabi nito saka pinisil ang ilong ni Klyde.

"Gago daldal mo ate, tara na kaya." Sabi nito saka nauna maglakad.

"Tsk," sabi ni Ate Klarissa saka kumapit sa braso ko.

Si Kuya na driver ang nagdala ng maleta ko kaya shoulder bag ko na lang ang dala ko habang nakahawak sa braso ko si Ate Klarissa.

Ang clingy niya.

"Ano po yung about sa sinasabi niyo na scripted?" Nagtataka na tanong ko.

Hindi ko kasi na gets eh.

"Wala yun, inaasar ko lang yung kapatid kung madali mairita. Daig pa yung may monthly period eh, siya ata yung tipo ng weekly period ang ganap." Sabi nito habang natatawa kaya napailing ako.

"Anyway, you both are okay na ba?" Tanong nito kaya tumango ako.

Apology accepted so basically we're okay.

"We're friends na rin po again," nakangiti kung sabi.

Thank you for the second chance Klyde, babawi ako.

"Ay walang level up na naganap?" Parang nanlulumo nitong sabi kaya tahimik lang ako.

"Ate... Hindi ka niya ma-gets, tigilan mo siya." Sabi ni Klyde saka ako hinila palapit sa kaniya.

"Ikaw sa harap at kami rito sa likod, mamaya kung ano ano pa sabihin mo na puro imbento." Sabi nito saka ako pinauna sa pagsakay kaya sumakay na lang ako.

Natatawa lang ako sa kanila dahil ang cute lang nila tingnan. Si Klyde na madali mapikon at si ate Klarissa na napaka lakas mang asar. Nakakatuwa sila panoorin.

"Wag na kaya siya sa condo mo mag-stay," sabi ni Klyde.

"Wag ka kontrabida sa akin siya mag-i-stay," sabi ni Ate saka niya binelatan si Klyde.

"Sa condo ko po tayo manong," sabi nito kaya naman nagsimula na siya magmaneho.

Nakatingin lang ako sa bintana habang nakikinig sa usapan nila ate at Klyde.

"You did not tell her? Why?"

"Ayoko lang ulit maiwan, natatakot ako na baka this time hindi ko na siya mahanap at tuluyan na siya mapunta sa iba at ang masakit baka makuha ulit siya nung past." Sabi nito kaya napatingin ako sa kanila pero saglit lang yun.

Sino yun? Suwerte naman niya kasi may gusto sa kaniya si Klyde, mukha naman seryoso 'to sa Klyde kaya hindi siya masasaktan at kung iiyak man siya baka dahil sa tears of joy.

"Paano kung wala ng chance at naunahan ka, gago gusto mo ba makita siya na hawak ng iba? Come on, confess to her as soon as possible." Seryoso naman na sabi ni Ate kaya mas naguluhan ako.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Where stories live. Discover now