"Ikaw bahala," sabi lang ni Aliah.

Naka curl ang baba ng buhok ko habang si Aliah ay naka messy bun na maayos habang may lawit sa magkabilang gilid nito at si Diane naman ay naka lugay lang at hindi na nag effort para lagyan ng anek anek na design ang buhok.
Sa susunod na linggo siguro ay magpapagupit ako hanggang sa dibdib sagabal 'tong mahaba kung buhok eh.

"So... let's go, si Mama tinext na ako kasi mag uumpisa na raw." Sabi ni Diane habang nakatingin sa phone.

"Let's go," sabi ni Aliah kaya tumayo na ako at tiningnan ang kabuuan sa salamin na kita ang buong katawan mo.

Hindi ko i-ne-expect na bagay pala sa akin yung ganito. Hindi naman kasi ako nagsusuot ng mga ganito since hindi naman ako girly manamit. May mga dress ako pero nakatengga lang kasi para sa akin mas komportable ako isuot ang pants at skirt basic kumbaga.

"Namangha na naman sa kagandahan, arat maganda ka no matter what happen." Sabi ni Aliah saka ako hinila palabas.

Natawa lang ako at hinayahan siya na hilahin ako palabas.

"Pang ilan ako sa candles?" Tanong ko pagkasakay sa kotse nila Diane.

"Pangalawa, pangatlo si Aliah tapos sunod yung kapatid mo. Atsaka nandoon jowa ni kuya first time ko makikita sa personal." Sabi ni Diane.

Yung kuya ni Diane hindi masyadong open sa relasyon nila ng jowa pero seriously legal naman sila both kaso sa social media hindi gano'n ka open o ka public. Baka siguro mas gusto nila lowkey as long as alam nila sa sarili nila na in a relationship sila.

"Hindi mo pa ba nakikita ever since? Kahit once?" Tanong ko rito.

"Hmm..." Sabi ni Diane saka siya tumango.

"Sure ako she's indeed beautiful," sabi ni Aliah.

"Tayo rin naman maganda eh, lahat tayo maganda period." Sabi ni Diane saka siya kumapit sa braso ko.

I know na all of us naman na maganda pero minsan hindi natin maiwasan mag doubt lalo na kapag alam natin na pinagpapalit tayo at pinaparamdam sa atin we're not enough. Hindi kasi natin maiwasan na ikumpara ang sarili natin o kaya naman ay mainggit sa kung anong mayroon sila.

Sa totoo lang, I'm one of those girls na insecure pero hayaan mo na baka gano'n lang talaga.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa venue ng debu. Labas pa lang naririnig mo na agad yung music kaya naman inayos ko ang damit ko na umaangat.

"Hindi ba pupunta si Jomar at Jerome?" Tanong ko sa kanila.

Hindi kasi nila sa akin nabanggit kung pupunta ba yung dalawa.

"Yep pero barkada time ngayon ang schedule, like barkada muna kasama namin since gusto namin samahan ka." Sabi ni Diane habang naglalakad papasok.

"Baliw," sabi ko sa kaniya.

"Panira ka ng moment," sabi naman ni Aliah kaya napailing ako.

Puwede naman nila ako iwan sa may table at balikan atsaka isa pa hindi na ako bata na kailangan bantayan 24/7.

"Alam na namin iniisip mo pero sorry schedule is schedule at wala ka ng magagawa pa. Bawal umangal." Sabi ni Aliah saka nila ako hinila palapit sa unahan.

"Dito tayo," sabi nito saka ako umupo habang sila naman ay nasa parehong magkabila ko bale pinapalagitnaan nila ako.

"Ipapakilala sa atin ni Kuya yung jowa niya," sabi ni Diane kaya tumango ako.

Nag usap muna kami habang hinihintay ang pagdating ng kuya niya.

"After 10 minutes we will start, kaya maari lamang po na manatili kayo sa inyong kinauupuan at wag na lumabas lalo na po yung mga kasali sa program para hindi na po sila mahirap hanapin. Maraming salamat at magandang gabi." Sabi ng MC sakto naman na sumulpot ang half brother ni Diane na may kasama na babae na tingin ko ay jowa niya.

Hindi ko siya masyado maaninag dahil medyo madilim dahil tanging maliit na ilaw lang ang nakabukas at yun ang nasa stage.

"Kuya!" Malakas na sigaw ni Diane saka siya tumayo at lumapit sa kuya niya na sinalubong siya ng yakap.

"I miss you bebe girl," sabi ng kuya niya saka siya hinalikan sa ulo.

"Nakakainis ka," sabi sa kaniya ni Diane kaya natawa lang 'to.

"Hello po," sabi ni Diane sa babae saka niya inabot ang kamay.

"Diane nga po pala, half sister ni Kuya Ralph." Sabi nito na inabot din nung babae.

"Arra," maiksing sabi nito.

Napatayo na lang ako sa pagkagulat ng makita ko ang itsura niya.

What the heck!

Bakit gano'n? Bakit parang ang saklap ng tadhana sa akin. Ggo tangina!

"Bakit?" Tanong ni Aliah habang nakahawak sa kamay ko.

Hindi ko napansin na napatayo na rin siya siguro dahil sa gulat kung expression.

"Arra..." Nasambit ko dahilan para mapatingin siya sa akin na kagaya ko gulat din ang expression.

"Yazmine..." Sabi nito sa akin kaya sa amin natuon ang atensyon ng tatlo.

"3 years na pero parang bakit nasasaktan pa rin ako, tangina." Sabi ko saka bumuhos ang luha sa mata ko.

Yung dalawang tao na nanakit sa akin nasa harapan ko. Bakit ba kasi ganito ka malas ng tadhana sa akin! Hindi man lang nagpatawad.

Lord! Anong kasalanan ko at bakit pinapahirapan niyo ako ng ganito?

"Tatlong taon pero nandito pa rin yung sakit," sabi ko habang nakahawak sa puso ko.

"Tatlong taon pero hindi pa rin ako fully recover, sa tatlong taon na yun tinanong ko sarili ko kung saan ako nagkulang bakit gano'n na lang ako kadali iwan." Sabi ko pa kaya naman naramdaman ko si Aliah na nakahaplos sa likod ko habang si Diane naman ay nakahawak sa braso ko.

Hindi alam ng dalawa kasi ayoko na pag usapan lalo na nung malaman ko na iisa lang pala yung Ralph na ex ko sa half brother ni Diane kaya nanahimik ako at nagkunwari na magkaiba sila na sana gano'n na lang kaso hindi eh.

"Long time no see," sambit ko sa kanila.

"Long time no see sa mga taong nanakit sa akin 3 years ago," mapait kung sabi habang tumutulo ang luha sa aking mata.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Where stories live. Discover now