CHAPTER 18

713 49 20
                                    

CHAPTER 18

ZELLA'S POV

It's been a week. I haven't seen Mona because he had decided to stay in their province. Miss niya na rin daw ang Lolo at Lola niya sa side ng Mommy niya, but I know he went there to escape from reality.

We still have communication, we're still fine, our relationship remains strong.

SJ, on the other hand, stays here and persistently looking for his Dad. It's also been a week and their Dad's nowhere to be found. Miss Kate isn't home as well and no one can reach her out. They all badly need to talk!

And also, I and Mona need it. Kaya naman, I asked to see him as soon as I knew he's back. I've decided to tell him what I've been hiding, and after all, he already knew what was it, ang kailangan niya na lang malaman ay matagal ko na palang alam iyon. Ayoko na ring patagalin pa ito. Tanggap ko na kung ano man ang magiging kinalabasan nito. It's my mistake for hiding it from him for too long, so I have to bear the consequence, alone.

Silence has been filling the entire Kōbashī resto. I also asked Jared to close the resto today. Mabuti na lang talaga at malakas ako sa kanya.

Mona suddenly cleared his throat. "Ano 'yong sasabihin mo?" And, he finally broke the silence. He then smiled. I hope I could still see that sweet smile after this.

I composed myself and tried my best to speak up. "Y-Your Dad's secret affair..."

Iyan pa lang ang sinabi ko, pero agad ng nag-iba ang reaksyon ni Mona, as expected! Mas lalo lang akong kinabahan.

"...m-matagal ko ng alam," dagdag ko at mas lalong kumunot ang noo niya. "Noon pang sa VMC naka-confine si Kleah at ako ang doktor niya. Hindi ko sinasadyang malaman-"

"Ba't 'di mo sinabi sa'kin?" seryosong tanong niya.

"K-Kasi natatakot ako... natatakot akong masaktan ka kahit alam kong doon din naman papunta."

I prepared myself for this. Sabi ko hindi ako iiyak, kung magagalit sa akin si Monamoo, hindi pa rin ako iiyak, aalis ako rito nang hindi umiiyak, pero wala na, nagsilabasan na lang bigla ang mga luha ko.

Hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa akin kaya mas lalong lumakas ang hikbi ko. "S-Sorry, Mona, sorry. M-Magalit ka na sa'kin, d-deserve ko 'yon," umiiyak ko pa ring sabi.

Bigla siyang tumayo. Akala ko ay magbabasag siya o ano, pero lumipat lang siya sa katabi kong upuan. Ilang segundo niya akong tinitigan saka niya marahang pinunasan ang mga luha ko kaya mas lalong lumakas ang pagngawa ko.

Nakakainis naman! Bakit ba ako ganito? For Pete's sake, nasa 30's na ako, hindi na dapat ako ngumangawa nang ganito!

"Tahan na," natatawa pang aniya habang patuloy niyang pinupunasan ang mga luha ko gamit ang panyo niya. "Naiintindihan ko naman 'yong rason mo kung bakit pinili mong itago 'yon."

"Pero, plano ko namang sabihin, Mona, 'yon nga lang nag-iipon pa ako ng lakas ng loob, pero wala rin, huli na, nalaman mo na ang totoo."

"Oo na, kaya tama na, tigilan mo na kakaiyak."

"I can't control my eyes, Mona, they keep on shedding tears even if I don't want to." Mas lalo lang siyang natawa sa mga sinabi ko. Kung hindi lang ako nakokonsensya ngayon ay baka napalo ko na siya, eh.

Keeping The Ex-Gayحيث تعيش القصص. اكتشف الآن