CHAPTER 2

998 65 24
                                    

CHAPTER 2

ZELLA'S POV

“Zella?”

“Ma, nandito ako sa balcony!”

Lumapit naman agad si Mama at tumabi sa akin matapos niyang ilapag sa bedside table ang dala-dala niyang tray.

“Dinalhan kita ng cookies na gawa ni Corazon. Ewan ko ba ro'n at gabing-gabi na ay naisipan niya pang mag-bake,” usal pa niya.

“Kain nang kain si Cora these past few days, 'di kaya buntis siya?” tanong ko.

“Napapansin ko rin ang pabago-bago ng mood niya, ilan lang 'yan sa mga sintomas ng pagbubuntis, pero malalaman pa rin naman natin 'yan dahil lalaki naman ang tiyan niya.”

Tama nga naman si Mama. Aaminin kong na-excite ako agad. Sabik na sabik na talaga akong makita ang bunga ng pagmamahalan nina Corazon at Jared. Ngiting-ngiti tuloy ako habang tinatanaw ang naggagandahang mga bituin.

“Eh, ikaw ba—”

Umiling ako agad kaya napatigil si Mama sa pagsasalita. “Tumataba lang ako, Ma, pero hindi ako buntis,” depensa ko.

Natawa naman si Mama. “Hindi naman 'yan ang ibig kong sabihin, Zella, itatanong ko lang sana kung kamusta 'yong anak ng amiga ko.”

Bahagya akong natawa. Akala ko talaga iniisip din ni Mama na buntis ako. Kung sakali mang mangyari iyan ay siya naman ang una kong sasabihan dahil alam kong mas excited pa siya sa akin na magkaroon ako ng anak.

“Hmm, okay lang naman siya, Ma, kaso masyadong immature, saka puro kasiyahan lang ang nasa isipan niya, ayaw nga niyang magtrabaho, eh,” sagot ko naman.

“Akala ko ba ay okay lang, ba't puro negatibo ang narinig ko?”

Mama shook her head and smiled, so I contrived a half-smile as well. Napansin niya pa talaga iyon.

“Kung gano'n naman pala ang anak niya ay 'wag ka ng makipagkita pa ulit,” dagdag pa niya at agad akong tumango.

Never again! Masyado rin kasing selfish ang isang iyon at talagang napaka-immature. Ayoko nang pilitin pa ang sarili kong makipagkita sa kanya kahit aniya ay gusto niya pa akong makilala.

“Pero, balita ko ay roon na nagtatrabaho ulit sa VMC si Troy.”

Kung kinakain ko lang iyong cookies na gawa ni Cora ay baka nasamid na ako. Si Mama masyadong straightforward! Hindi man lang muna dinahan-dahan. Tsk!

“P-Paano ni'yo nalaman?”

Kaasar naman! Sa tuwing si Troy na ang pinag-uusapan ay hindi ko mapigilang hindi mautal. Isa talagang napakalaking achievement para sa akin kapag tuluyan na akong naka-move on kay Troy, kapag nangyari iyan ay papakainin ko ang buong barangay.

“Si Corazon, aksidenteng nasabi niya sa'kin.”

Haynaku! Aksidente nga ba o sadya? Tsk, si Cora talaga.

“Oo, Ma, bumalik na siya,” mahinahon ko ng sabi.

“Nag-usap na ba kayo?”

Keeping The Ex-GayWhere stories live. Discover now