CHAPTER 3

960 76 39
                                    

CHAPTER 3

MONA'S POV

“Nakasimangot ka na naman, ba't kasi ayaw mong papuntahin si Lucas dito?” tanong pa ni Cheska.

Sabay-sabay kaming nag-day off kaya nasa bahay lang kami ngayon. Ang plano sana ay lalabas kami para na rin makapag-bonding kaso na-iba nang biglaang sumulpot ang jowa nina Cindy at Cheska, kaya rito na lang kami sa bahay nag-inuman.

Nakatira pa rin naman kami sa iisang bubong, pwera na lang kay Mader dahil nakapag-asawa na ang bakla! Ay, lalaking-lalaki na pala iyon. Nagbago talaga siya para kay Corazon.

“Hoy, tinatanong kita,” usal muli ni Cheska.

“May trabaho 'yong tao, Bakla, alangan namang guluhin ko,” sagot ko naman sabay chibog ng chichirya. Ayoko ng uminom dahil medyo nahihilo na ako.

“Sus, kung talagang mahal ka niya pipiliin ka niya over his work, 'di ba, Jaycee?”

Nagpa-cute pa ang Cindy sa jowa niya. Kadiri!

“Oo naman, Sweetheart, mas mahalaga ka kaysa sa trabaho ko,” sagot naman nito sabay halik sa ilong ni Cindy.

Shuta, ang kalat! Baka bukas ang CR, doon kaya sila.

“Kaya, go na, Bakla, tawagan mo na at papuntahin mo rito nang maging masaya ka, go!”

“Sino, Cindy?”

Naupo naman sa tabi ko si Mader na kakarating lang. Nag-day off din siya sa trabaho, pero hindi siya agad nakatakas kay Corazon. Ewan ko ba sa pechay na iyon masyadong in love sa asawa niya at maya't maya gusto itong makita.

Hindi na nga nakakapagtrabaho si Mader dahil panay ang punta nito sa kompanya ni Corazon, at ang rason? Gusto niya lang makita ang asawa niya at pagkatapos ay pwede na itong umalis. Haynaku!

“Sino pa ba? Edi ang Lucas of her life,” ani ni Cindy.

Nilingon ako ni Mader at bahagyang natawa. “Ahh, si Lucas,” aniya habang napapatango.

“Tama na nga 'yan, Cindy, nananahimik 'yong tao ro'n, 'wag nating guluhin.”

Tumayo ako at dumiretso sa kusina habang bitbit ko ang pitcher.

“So, kailan mo balak sabihin sa'kin na si Lucas na pala ang nagpapasaya sa'yo ngayon?”

Hindi ko man lang naramdaman na sinundan pala ako ni Mader.

Inilapag ko muna ang pitcher sa mesa. “Mader, umamin lang naman siya sa'kin na mahal niya ako, kinilig ako nang slight, pero hindi ko masasabing siya 'yong nagpapasaya sa'kin,” sagot ko naman.

“Sino bang nagpapasaya sa'yo?”

“Ha? Kayo.”

Naku! Hindi niya na kailangan  pang itanong iyan, halata namang sila ang kasiyahan ko. Si Mader talaga, weird din minsan.

Natawa naman siya sandali sabay upo sa wooden chair at inabot ang paborito niyang grapes.

“Alam mo na ba?”

Naupo na rin ako. Bahala sila roon kung wala silang tubig. Mukhang may chika si Mader at bet ko makitsismis.

Keeping The Ex-GayUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum