PROLOGUE

1.4K 69 22
                                    

PROLOGUE

“Amorebabes!”

I was about to enter the elevator to visit my patients on the fourth floor when I stopped abruptly and smiled at him.

“Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko.

“Breakfast?” Ibinigay niya sa akin ang bitbit niyang bento box. “Maaga kasing nilandi ni Corazon ang Boss Mader namin, ang aga niyang tumabay sa resto, kaya nasabi niya sa'kin na hindi ka raw nag breakfast at dumiretso ka sa trabaho mo,” pagpapaliwanag pa niya.

“I'm on a diet,” I replied straight away.

Agad namang nagbago ang reaksyon sa mukha nibo na para bang sinasabi niyang...

‘Joke time, Amorebabes? Ikaw na patay-gutom, nagda-diet?’

Bahagya na lang akong natawa.

Ang dami kasing nagsasabi na tumataba raw ako. Pakiramdam ko tuloy ay pumapanget na rin ako.

Noong bata pa kasi ako, I was pretty fat! Tinatawag ako ng mga kapit-bahay naming bata ng 'Banget' short for baboy na panget. Kaya noong nagkasakit ako at pumayat ay laking pasasalamat ko talaga.

Gumanda lang naman kasi ako noong naging dalaga na ako, kaya lagi ko talagang ipinagdarasal na huwag akong tumaba ulit dahil ang panget ko talaga! Pero, ito na nga, mukhang nangyayari ngayon.

Stress-eating pa, Zella. Tss!

“Hindi ka pwedeng mag-diet dahil niluto ko ang favorite mong pritong talong, eh.”

Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya at nakaramdam ako bigla ng gutom.

“Okay, dahil luto mo ay kakainin ko 'to. I'll set aside my diet for the time being.”

Ngumiti ako sa kanya. He looked so satisfied with what he heard.

“Sige, aalis na ako, Amorebabes. May trabaho pa ko, eh. Pakabusog ka, ha?”

“Thank you for this, Monamoo. I'll call you when I have some free time, if you're too busy, you can decline, okay?”

He only gave me a thumbs-up before saying his goodbye.

Mona has always been a great friend of mine. We had just celebrated our seven-year friendship anniversary last week. I'm grateful that he's been with me for so long kahit na halos isang taon din kaming nawalan ng komunikasyon dati, But I'm just grateful that our friendship has remained and is growing stronger.

I enter the elevator again. Dadaan na muna ako sa office ko to have my breakfast before doing my round. Nang nasa second floor na ay may pumasok na dalawang nurse at may kung anong pinag-uusapan.

“Balita ko ang gwapo-gwapo niya! Excited akong magtrabaho siya rito,” usal pa ng isang nurse na talagang klarong-klaro sa boses na kinikilig siya.

“Pero, may bali-balita na may ex siyang bakla nang magkaroon ito ng medical mission sa Davao!” sabi naman ng kasama niya.

Nang marinig ko iyan ay mukhang alam ko na kung sino ang pinag-uusapan nila.

“Talaga?”

“Oo! Ipinagpalit niya 'yong girlfriend niyang Doktora sa isang Beki!”

“Hala! Nakaka-turn off naman.”

“Pero, ang good news ay hiwalay na sila dahil may gusto raw siyang balikan! Feeling ko 'yong ex niyang Doktora, mahal niya pa rin yata.”

“Hoy, ano ba? Hindi naman 'yan good news!”

Nang bumukas ang elevator sa fourth floor ay agad na akong lumabas, pero narinig ko pa ang huling sinabi ng isang nurse.

“Bahala na, basta gwapo raw itong si Doctor Troy.”

Napailing na lang ako. The history seemed repeating itself. Parang kailan lang ay narinig ko rin iyan sa mga kasama ko noong nurse pa lang ako, na may gwapong Doktor na rito magtatrabaho sa Vienez Medical Center (VMC), tapos ngayon, ito na naman siya at hindi malabong magkita kami ulit.

May babalikan? Ex niyang Doktora?

Naupo ako sa swivel chair ko at humagalpak sa tawa.

Matapos niya akong ipagpalit sa isang baklang Doktor na nakatrabaho niya sa Davao nang magkaroon siya ng Medical mission doon a year ago ay makikipagbalikan siya sa akin?

Damn! Anong akala niya sa akin bobo? Na kapag nakipagbalikan siya sa akin ay basta-basta ko na lang siyang tatanggapin?

“Bobo nga pala ako.”

Muli akong natawa. Lahat ng mga naging ex ko ay binigyan ko ng isa pang pagkakataon.

Daniel Monteverde, the one who left me hanging, Zirco Alonzo, the one who fell out of love with me, and Aaron de Ocampo, the one who had chosen his Mom's dreams over our relationship. Lahat sila ay humingi ng isa pang pagkakataon, pero iniwan pa rin ako sa huli.

All I've wanted is a healthy and fun relationship, the one that will last for a lifetime, pero ipinagkait sa akin iyon ng tadhana.

Napabuntong-hininga ako at tinitigan ang bento box na gawa ni Monamoo.

Troy has returned. Should I also give him a chance?

I am abruptly jolted back to reality when my phone rings. On the caller ID, I read Monamoo's name.

Kumakain ka na?” tanong niya agad.

“Binubuksan ko pa lang,” sagot ko naman.

“Okay, eat well. Iyon lang talaga ang itinawag ko, ang malaman kong kumain ka.”

Apart from Cora, Mona is my most compassionate friend.

“Monamoo...”

I took a breath and bit the inside of my lower lip.

Bakit? Ano 'yon, Amorebabes?”

Now that I know Troy is back, I'm somewhat worried. I'm concerned about what I'll do in the future. Damn!

“...I want you to always be by my side,” I continued.

I'd like someone to be able to wake me up if I ever find myself in another nightmare. And I'm certain that Mona is always capable of helping me.

Keeping The Ex-GayWhere stories live. Discover now