CHAPTER 5

844 56 16
                                    

CHAPTER 5

ZELLA'S POV

Kanina ko pa talaga gustong-gusto na lapitan si Monamoo, pero busy siya sa pakikipagsalamuha sa mga tao rito.

Grabe talaga, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na after seven years makikita ko si Mona na lalaking-lalaki! Naka-tuxedo, naka-pompadour hairstyle—he cut his hair, gosh—walang kolorete sa mukha, just his natural looks!

Alam ko naman na gwapo talaga si Mona kung talagang lalaki siya dahil maganda naman siya ngayong binabae siya, pero hindi ko inaakala na ang gwapo-gwapo niya pala talaga!

No wonder why he had so many girlfriends back then, aside from his good heart, he is also good-looking. 

“Hi.”

Naagaw niya agad ang atensyon ko. Bitbit niya ang isang baso ng wine at nakangiti niya akong tiningnan.

“Hi,” bati ko pabalik.

Gwapo rin ang isang ito, pero pamilyar ang itsura niya sa akin. I wonder if I had met this man before or I was just mistaken. Pero, talagang may kamukha siya.

“Why are you here alone?” Nakangiti niya pa ring tanong.

Nilingon ko si Troy na ngayon ay tawa nang tawa. If only he didn't hurt me, I'd probably say that I'm glad to see him genuinely laughing and that he deserves to be happy, pero wala eh, hindi ko iyan kayang sabihin.

Whenever I am seeing Troy, he always reminds me of how he chose that gay over me. Kahit na sinabi niya na sa akin ang dahilan, I could still feel the pain, pero at least, nabawasan ng kaunti. It's just, his reason was not enough. Parang ambabaw lang.

“Ah, wala kasi akong kakilala rito, and the man who brought me here is with his friends,” sagot ko naman.

I handed the glass of wine and down it in one gulp. Ngayon ko lang napansin na ako lang pala ang loner dito ngayon. Tsk!

“Oh, so this is why you're not familiar with me. Ang akala ko kasi kamag-anak ka rin namin. By the way, I'm Sun Joshua, but you can call me SJ.”

Inilahad niya ang kamay niya. Tinanggap ko naman iyon agad.

“I'm Zella,” pagpapakilala ko.

Six seconds had passed, but he didn't release my hand. Hawak niya pa rin ito habang nakatitig sa akin. Ang awkward!

“Ah, SJ.”

Sa wakas ay kumurap na siya at biglang ngumiti, pero hawak niya pa rin ang kamay ko. Isenenyas ko iyon at agad niya itong binitawan. Thank, God! Namamasa na rin kasi iyong kamay ko, eh.

“S-Sorry, Zella.”

“It's okay.”

“Your name is beautiful, it suits you well.”

Lihim akong napangiti. Hindi sa kinikilig ako, it's just I'm happy to hear someone compliment me, tapos I can feel his sincerity pa, nakakatuwa lang.

“Hey, SJ, come here, Aubrey wants to see you!” Sigaw pa ng isang babae mula sa kabilang mesa.

Tumango naman sa kanya si SJ. “So, alis muna ako, Zella, but please, go on, try to mingle with other people here, you will surely enjoy each other's company,” aniya at pilit na lang ako tumango. Umalis na rin siya pagkatapos niyang magpaalam muli.

Keeping The Ex-GayWhere stories live. Discover now