CHAPTER 20

775 38 9
                                    

CHAPTER 20

ZELLA'S POV

Until now, his voice filled with longing is still echoing in my ear. I missed him even more, to be frank. I tried everything just to persuade my Mama that Mona doesn't think the way she thinks! That Mona won't break up with me if he knew this cheating issue of our parents, but then, I can't win over her.

Mama ko siya eh, I can't dare to hurt her even if it hurts me being away from my Monamoo. Pero, nasasaktan pa rin siya ngayon. Sinabi na niya sa akin ang lahat.

Noong araw na na-aksidente si Mona at na-ospital naman ako dahil nawalan ako ng malay, nagkita pala si Mama at si Papa sa ospital kasama ang Mommy ni Mona. Nagpunta rin pala sila sa ospital after Mona's Mom knew about the accident, pero sinabi na ni Mama sa kanya that Mona's fine kaya umalis na rin daw sila pagkatapos.

Siguro umalis na rin agad iyong Mommy ni Mona dahil ayaw niyang malaman niya na nandito lang siya sa Pinas at wala sa Japan! Yes, all this time they're just living in Manila with their 6 years old son!

My God! I've never expected that Mama kept this from us for 10 long years! I am so amazed at how Papa acts like nothing every time he went home from Dubai—damn that Dubai, kasama niya lang pala ang babae niya roon sa Maynila!

And guess what? Ikinwento pa raw ni Papa kay Mama kung paanong naghiwalay ang mga magulang ni Mona.

Damn the audacity!

Iyon nga nahuli ng Daddy ni Mona ang Mommy niya at ang Mommy niya mismo ang nakipaghiwalay sa Daddy nila, at para hindi masaktan sina Mona at SJ, sinabi lang nila na mag-a-abroad ang kanilang Mommy.

Wow! Parehong-pareho sa amin ang rason!

“Oh, kape ka muna, stress reliever mo 'yan, 'di ba?” Zayana placed down the cup of coffee on the table and sat beside me. “Kunot na kunot na naman kasi 'yang noo mo. Iniisip mo na naman si Kuya Mona? Kung mahal mo, ipaglaban mo,” she firmly said.

“Pero, ayaw talagang makinig ni Mama, eh,” malungkot ko namang sagot. 

“Nasasaktan pa kasi siya ngayon, tapos occupied masyado ang isip niya, Ate, pero kung hindi ka susuko na ipaliwanag sa kanyang hindi gano'ng klaseng tao si Kuya Mona, for sure, mananalo ka sa dulo.”

I picked up the coffee and sipped it. “I'll do it again later,” I replied afterward.

Zayana's right, I shouldn't lose hope, especially that I am fighting for our relationship that has just got better and stronger.

“But here's the downside...”

Napatingin ako agad sa kanya at nakaramdam ako ng konting kaba.

“...let's say you win in the end, but then you're too late. It's either he got tired of waiting for you, or he'll accept that your relationship has finally ended, or an unanticipated situation will happen that hinders the two of you to get back together. Well, hindi naman kasi imposible 'yan,” she added, looking so serious!

“S-Since when did you know so much about that stuff, Zayana? 18 ka pa lang, yet you sounded older than me!” I replied, still in awe of what I heard from her.

“Does that matter? And this is maturity, Ate. Remember, maturity doesn't come with age, pero pwede bang mag-focus ka sa sinabi ko? So, anong comment mo ro'n?”

The entire living room was filled with silence. I am just looking in the air, trying to find an answer to her question.

I released a deep breath. “Ayokong may mangyari sa tatlong 'yon, Zayana. Kilala ko si Mona, he won't get tired of waiting for me, he couldn't afford to lose our relationship as well, and I know a hindrance won't occur, we'll get back together. We promised to marry each other at 40, Zayana.” I no longer could take it, I let my tears stream down my face.

She wrapped her arms around me, giving me comfort and telling me to calm down. “So, you won't give up? You'll persuade Mama again?” she asked and I nodded right away. “Alright, if you really want to be together forever and a day, don't give up.”

I've decided to continue fighting for our relationship. I couldn't see my future with anyone else, I and Mona are each other's destiny. Period.

MONA'S POV

Ang saya-saya ko na sana. Tinawagan na ako ni Amore telling me to wait for her dahil malapit na raw siyang bumalik sa Maynila, pero biglang nawala ang lahat ng excitement at saya na naramdaman ko nang malaman ko kay SJ na wala na si Lolo. 

He just woke up once and then after a week, he finally bids his last goodbye. Akala ko tatagal pa si Lolo, akala ko mahihintay niya pa akong ikasal, pero hindi eh, iniwan niya na kami, hindi man lang kami nakapag-bonding!

“Mona.”

Inangat ko ang paningin ko at bumungad sa akin ang mukha ni Troy. Gaya ko ay halata ring pagod na pagod na siya. Tatlong araw na rin kaming hindi nakakatulog nang maayos dahil lagi na lang kaming nandito sa burol ni Lolo.

“I noticed that you've been yawning, baka gusto mo munang magpahinga saglit,” aniya.

“Hindi na. Pero, ikaw nga rin kailangan mo ring magpahinga,” sagot ko naman.

We're actually good. I mean hindi naman kami nag-away, but I feel a bit awkward kapag nandyan siya. Pero, noong lagi na kaming nagkikita sa opsital, kalaunin ay nawala rin iyon. Sa ngayon, nararamdaman ko nang we're finally treating each other as cousins.

“I'm fine,” usal niya ulit. “By the way, have you made up?”

Naikwento ko nga pala sa kanya ang nangyari sa amin ni Amore. Aniya napa-komplikado raw ng mga nangyayari sa amin, pero maaayos din daw ang lahat sa huli.

Hindi ko alam kung naka-move on na ba talaga siya kay Amore o hindi pa, but I hope he does para naman tuluyan niya ng makita iyong babaeng para sa kanya. 

“Oo. Malapit na rin kaming magkita ulit,” sagot ko. Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon niya dahil paglingon ko sa kanya ay nakatingin lang siya sa sahig.

“I'm glad to hear that,” aniya. Napatingin siya sa akin at sumibol naman ang ngiti niyang puno ng sinsiredad. “But, have you told her aldeady that you'll be leaving the country two weeks from now?” Natahimik ako agad. 

Sasamahan kasi namin si Lola sa New Zealand para sa kanyang cataract surgery. Gusto sana ng mga anak niya na rito na lang sa Pilipinas, pero si Lola nagpumilit na doon siya magpa-opera dahil kilala niya ang surgeon at may tiwala siya rito. Iyon nga lang ang gusto niya ay kaming tatlo nina SJ at Troy ang sasama sa kanya at wala na kaming iba pang magagawa dahil buo na talaga ang desisyon niya.

“Hindi pa. Siguro sa susunod na lang kapag nagkita kami ulit, probably this weekend,” sagot ko.

“Mona, we can help you to persuade Lola na hindi ka na pasamahin. We don't know how long we'll be staying there, you have business here and...you know Zella hates long-distance relationship.”

Another moment of silence! Bakit nga ba kinalimutan ko iyan? Nang dahil sa LDR nila ni Troy dati ay nasira ang relasyon nila kaya ayaw na talaga ni Amore sa LDR. Shuta des!

“Kapag nag-desisyon si Lola wala ng makakapagpabago no'n, Troy, at alam kong maiintindihan ito ni Amore.” Bahagya lang tinapik ni Troy ang balikat ko at natahimik na rin kaming dalawa. 

Pero, sana nga, maintindihan niya, valid naman iyong rason ko. Kaya lang, alam ko na kasi kung ano ang iisipin ni Amore. Remember, Troy had a valid reason why he went to Davao, Amore understood and accepted it, they were in a long-distance relationship, pero ayon, hindi nag-work, baka ganyan ang isipin niya. Another LDR, baka hindi na naman mag-work, the history will repeat itself, and she'll be drowned in pain and sadness again.

Ugh, hindi ko naman kayang gawin ang ginawa ni Troy, eh. Kahit kailan ay hindi ko hahanapin sa iba ang atensyon na dapat ay ibinibigay niya sa akin. At, hindi ko siya kayang ipagpalit!

Hawak ko na ang babaeng pinapangarap ko, bibitawan ko pa ba? Jusko, ayokong maging tanga!

Keeping The Ex-GayWhere stories live. Discover now