CHAPTER 7

771 53 10
                                    

CHAPTER 7

ZELLA'S POV

“Hindi,” sagot niya matapos ang ilang segundong pananahimik.

Aaminin kong nalungkot ako. Buti na lang talaga at naging bakla itong si Monamoo dahil kung nagkataon na lalaki ito at magugustuhan ko siya ay talagang nakakaawa ako dahil hindi niya ako magugustuhan pabalik.

Hindi ba ako kagusto-gusto?

“Kinakailangan pa ba kitang ligawan kung pwede namang pakasalan na kita agad, 'di ba?” usal niya ulit.

I was speechless for a second before I could manage myself and burst out laughing.

“Kikiligin na sana ako, Mona, kung hindi ka lang mas maganda sa'kin, eh,” sagot ko nang mahimasmasan ako sa kakatawa.

“Wala, eh, pinanganak akong mas maganda pa sa babae,” aniya.

Gusto niya pa sanang hawiin ang buhok niya kaso ang ikli na talaga nito. Natawa na lang siya habang napapailing.

“You may still let your hair grow, Monamoo," I encouraged him, “but whatever haircut you have, you're still gorgeous."

He gave me a soft smile.

“Kikiligin na rin sana ako, Amorebabes, kung hindi ka lang pechay.”

Pareho kaming natawa. Pinuno namin ng tawa ang opisina ko. I'm relieved Mona arrived; I had completely forgotten about Hazel's unexpected presence earlier.

Kaya lang ay may bigla akong naalala.

Ano kasi may natanggap akong message sa kaibigan ko nakita niya raw si Daddy rito.’

Kung nagkataon kayang nagkita sila, anong alibi ang gagamitin ng Daddy niya?

At kapag nagkita kami, ano naman iyong sasabihin ko?

Should I urge him to confess the reality that he has another family for the past six years, or should I warn him that someone inside the hospital knows who he is and that he is no longer safe here, so he must stop returning for the time being?

If I take the latter, it may appear that I am putting up with his wrongdoing. Argh! Ang hirap!

“Amore, okay ka lang ba?”

I was back to my senses when Mona speaks.

“Ah, oo.”

Ngumiti ako sa kanya para ipakitang okay lang ako, pero ang totoo ay talagang kinakabahan ako sa kung ano man ang mangyayari sa mga susunod na araw.

“Napatigil ka na lang bigla sa pagtawa at tumitig sa kung saan. Baka naman stressed ka na sa trabaho mo, ha? Sabihin mo lang, itatakas kita rito.”

“Okay lang ako, Monamoo. Bukas mo na 'ko itakas dahil hindi ako busy. For now, bumalik ka na sa trabaho mo dahil kanina pa tawag nang tawag sa'yo si Cheska.”

Napatingin naman siya sa naka-silent niyang phone na inilapag niya sa mesa.

“Kanina pa 'to?”

“Oo, kaya go ka na sa trabaho mo.”

“Talagang pinapaalis mo na ako?”

“Opo, kasi hinihintay ka na sa resto ni'yo.”

“Ayaw mo na akong kausap?”

Keeping The Ex-GayWhere stories live. Discover now