CHAPTER 11

740 45 7
                                    

CHAPTER 11

MONA'S POV

Isang Linggo na rin ang lumipas simula nang mangyari iyong maganda—pero parang hindi—na pangyayari sa opisina ni Amore. Nag-uusap pa rin naman kami through messenger, pero hindi pa rin kami muling nagkikita at mukhang ayaw niyang makipagkita dahil natatakot siyang singilin ko siya sa utang niya.

Babaeng iyon, siya ang nag-suggest na i-kiss niya ako, pero ngayong sinisingil ko na, nagtatago. Haynaku!

Pero, noong araw na iyon, tumango ako kay Amore habang nakangiti pa para ipakita na kung ano man ang desisyon niya ay alam kong iyon ang nakabubuti.

But, I was expecting her to say no.

Akala ko ayaw niya na talaga ng kahit ano pa mang ugnayan kay Troy kaya kahit friendship man lang akala ko ipagkakait niya ito, pero hindi ganoon ang nangyari.

Naalala ko iyong sinabi ni Lolo nang magkaroon ako ng kauna-unahang babaeng kaibigan na siyang kauna-unahang babaeng naging girlfriend ko kahit pareho naming alam na bakla ako.

‘A romantic relationship begins with friendship.’

Amore has always been, and will continue to be, a soft-hearted woman, kaya sapalagay ko binigyan niya si Troy ng second chance na maging kaibigan muli dahil mas inisip niya kung gaano siyang pinasaya nito noon kaysa sa sakit na ibinigay nito.

At ngayong magkaibigan na sila ay hindi malabong mahalin niya ulit si Troy. He was one of Amore's ex-boyfriends with whom she was profoundly in love.

Hindi ko lang maiwasang mag-alala dahil wala pa rin akong tiwala sa lalaking iyon na hindi niya na sasaktan pang muli si Amore. Kapag talaga nangyari iyan ay ipapalapa ko siya sa lahat ng baklang kaibigan ko, humanda siya!

“Hey!”

Nagbalik lang ako sa katotohanan nang magsalita si Lucas. Magkasama kami ngayon dahil napapayag niya rin ako after thousands of pilit na mag date daw kami, kaya nandito kami sa Blue Plate ngayon.

“Mona, I was talking about our three-day beach vacation at our resort, your friends have already been invited, I hope you're going to join us,” nakangiti na namang usal ni Lucas.

“Like, all of my friends?” Tanong ko.

Mukhang nagpapasikat yata sa akin si Lucas. Gusto yatang makuha ang sweetest and most precious yes ko.

“Jared, Cheska, Cindy, and their lovers, to be exact. I also invited Zella, who requested if she might bring some of her friends, to which I agreed.”

Magkakilala na nga pala sila ni Amore, at ang pechay botong-boto pa sa Lucas na ito. Tingnan natin kung hindi siya iiyak kapag sinagot ko ito, kasi for sure, minsan ko na lang siya mapapansin niyan.

Hmmph, tingnan lang talaga natin, Amorebabes.

“Sandali... her friends?”

Sa pagkakaalam ko ay kami lang ang itinuturing ni Amore na kaibigang mapagkakatiwalaan, kaya sinong 'friends' ang tinutukoy nitong si Lucas? Don't tell me sina—

Keeping The Ex-GayOù les histoires vivent. Découvrez maintenant