Star Trail One

936 21 16
                                    

YOU only live once.

Isa sa mga linya na madalas na sinasabi ng mga tao ngayon. Kung tutuosin, tama nga naman sila dahil kapag namatay na ang isang tao, hindi na nito magagawa ang lahat ng kaniyang gusto and besides, life is too short to live. Minsan akala mo mahaba pa ang oras mo pero kinabukasan pagdilat mo wala ka na sa lupa.

"Maria Isabela, halika na! Ano pa ba ang tinatayo-tayo mo riyan?" pasigaw na tanong sa akin ni Patrice.

Bigla niya akong hinila at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng kainan. Dahil nga nailabas na ang mga grades kanina, napag-pasiyahan namin ng mga kaibigan ko na kumain at magsaya bilang reward sa aming sarili. Habang sila tuwang-tuwa, ako naman ay kinakabahan sapagkat iniisip ko kung mahihigitan o matatapatan ko ang standards ng aking magulang.

I want pursue being a singer pero my parents said that odds in being a singer is not that high and I would not make money in that kind of work and in addition it's not a profession. They want me to be a doctor, dahil mas malaki raw ang kita nito, mas maganda para sa future ko.

Maraming parents ang pumunta sa school kanina pero sila mom and dad hindi naka-attend. Mom is on her way pa lang pabalik mula sa isang conference sa Manila while si dad naman ay pumunta sa isang site kung saan kinuha ang construction company na pagmamay-ari namin. My adviser said na isinend niya na lang through email ang softcopy ng report card ko kay mom and dad so basically, hindi ko pa rin siya nakikita hanggang ngayon.

"Unli wings! Unli wings! Unli wings!" sigaw namin habang kinakalampag ang lamesa nang makita namin na papalapit na ang mga waiter sa amin.

Labindalawa kami ngayong magkakaklase dito, dalawang lamesa ang gamit namin. Dito sa mesa namin ang mga babae at sa kabila naman ang sa lalaki. Tuwang-tuwa kami nang ilapag na ang lahat ng pagkain sa aming lamesa. Tinginan ang ibang mga tao sa loob ng food park dahil sa ingay namin. Tuwang-tuwa kami dahil sa wakas, tapos na rin ang pag-hihirap namin ngayong taon.

Grade 12 na kami next school year, which means mas lalo kami magiging busy dahil sa mga research and may capstone pa. Sabi ng mga kaibigan kong seinors, mahirap daw ang physics at wala masyadong nakakapasa sa exam kahit na pag-aralan ito ng magdamag bago mag-exam. Hindi ko muna problema 'yon, iniisip ko kung paano ako makakatakas sa galit nila mom and dad.

"Tara kumain na tayo!" sigaw ni Keenan at lahat naman kami ay humiyaw at pagkatapos ay sabay-sabay na kumuha ng tig-iisang piraso ng chicken wings sa lamesa. "Para sa matagumpay na taon ng Robert Boyle, cheers!" sigaw pa nito habang nakatayo at pagkatapos ay pinag-untog namin ang mga wings na hawak namin bago ito kainin. "Dahil diyan, sagot ko na ang pagkain natin ngayong gabi!" sigaw nito at gulat kaming napatingin sa kanya at pagkatapos ay napahiyaw kami sa sobrang tuwa.

"Shuta ka, salamat Keenan!" sabi ng katabi nito na si Baste at pagkatapos ay inakbayan pa ito.

"Iba talaga kapag with honors!" sabi naman ni Patrice kinindatan naman siya ni Keenan sabay ngiti.

"Hoy, hindi mo pa nga nababayaran monthly contribution natin hanggang ngayon ah!" sabi naman ni Adelaine, ang treasurer namin.

Napatigil sa pagtawa ang ilan at napatingin sa kanya, narinig ko pa na mag-boo ang nasa kabilang lamesa. Sasagot sana si Keenan nang unahan siya ni Ade. "Pero okay na 'yon, libre na kita do'n!" sabi nito at pagkatapos no'n ay nagtawanan ang lahat.

Ngayon na lang ulit kami nakalabas na tulad nito dahil nitong mga nakaraang buwan masyado kaming busy sa mga performance tasks at sa pagtapos ng research paper namin. Itong buwan ay sobrang nakaka-stress. Idagadag pa ang pressure at mataas na expectations ng parents ko sa akin.

Along With The Star TrailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon