Chapter 30

147 8 2
                                    


...

"ANAK... Hindi mo na kailangang gawin 'to. Hayaan mo na kami ng daddy mo na harapin to."
After they talk with Villanueva's lawyer, her mom and dad talk to her pagkauwi na pagkauwi nila.

"Your mom is right Freya. Hayaan mo na kaming ayusin ang gusot namin. I know labag sa loob mo ito. At ayaw na naming mangyari muli sa iyo ang nangyari noon. We know how badly we broke you back then. We only realized it too late."

Yeah. Too late.

She wonders. Paano kaya kung noon pa nito natantong sinasakal na nila siya? She would be probably happy and free right now. Pero baka hindi niya rin nakatagpo si Clark at hindi niya naranasang maging ina kung hindi iyon nangyari.

Everything that happened around you has its own purpose. Maaaring sa ngayon ay di mo alam kung bakit kailangan na mangyari ang mga bagay but later on, you will realize what's the relevance of those things in your life.

"Desidido na po ako mom, dad." Ginagap niya ang magkabilang kamay ng mga ito. "I want to make it up to you. Minsan ko na kayong nilabag at sa minsan na iyon ay hindi pa naging masaya ang dulo."

She paused. Series of memories flashed back on her mind.

It's a fact that she doesn't reach a happy ending. Heto nga siya at kailangan na namang gumawa ng bagay na hindi niya alam anong magiging kahihinatnan. But she was happy along the way. Kahit may kulang man, andun naman ang kanyang anak na nagpapasaya sa kanya. But unfortunately, he left her. Her only happiness.

And Clark... hindi niya alam. Pero isa lang ang nahihinuha niya, they weren't meant for each other. She still loves him but it's painful for her to see him everyday which will only reminds her of her son who passed away.

Hindi niya ito sinisisi sa nangyari sa anak nila. It's just that, everytime he look at Clark's face, lumilitaw din ang imahe ng anak nila na kailanman ay di na niya makikita ulit.

It's funny right? Noon, kapag nakikita niya ang anak, imahe ni Clark ang lumilitaw. Now, the reverse happened.

Parang pinaglaruan lang siya ng tadhana.

"Can't we change your mind? How about the man you love? Won't you go to him? Did he not love you to let you slip away from him?"

Sunod sunod ang naging tanong ng kanyang ina.

Napapaisip si Venice sa huling tanong nito. Hindi nga ba talaga siya mahal ni Clark para hayaan lamang siya nitong lumayo?

Sure, she doesn't want to see him for the past month. Pero sa kabila noon ay umaasa siyang lalapitan siya nito at ipagsisiksikan sa kanya ang sarili nito kahit na ipagtabuyan pa niya ito. That he will go to her and bugged here until she gave up and just accept him again.

Pero hindi iyon nangyari. Sa loob ng isang buwan ay walang Clark na lumapit sa kanya. Walang Clark na sinusuyo siya. At higit sa lahat, walang Clark na dumamay sa kanya noong mga panahong hirap na hirap siya sa bawat araw na maaalala ang kanyang anak.

Siguro nga, hindi naman talaga siya mahal nito. O baka dahil lang sa anak nila kaya siya nito gustong balikan and now that their son is gone, he would also disappear on her.

"I... I don't know mom."
Parang naghihinang ani niya.
Her parents look at her with sympathy. How she wished, ito ang nakita niya sa mga magulang noon pa man.

That Macho Dancer | CompletedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora