Chapter 14

134 10 0
                                    


...

NAGISING si Clark ng tumunog ang kanyang telepono. Agad niya itong dinampot para hindi magising ang kanyang asawa na payapa pang natutulog sa mga bisig niya.

Tinapat niya sa tenga ang telepono at hindi pa man siya nakapagsalita ay naunahan na siya ng nasa kabilang linya.

"Kuya... Si mama po.. Umuwi ka na please..."
Sa tono palang ng boses ng kapatid ay alam na niyang may masamang nangyari dito.

"Bakit Seb? Anong nangyari Kay mama?"
Tanong niya pero tanging iyak nalang ang narinig niya sa kabilang linya tsaka tuluyan na itong nawala.

"Clark.. Bakit?"
Nabaling ang tingin niya kay Venice na bumangon na mula sa pagkakahiga.

Tumayo na din siya at agad nagdamit. "Si mama. Kailangan kong umuwi." May kabang sabi niya.

"Sasama ako." Sambit nito at agad dumampot ng damit sa closet tsaka madaling nagbihis.

Agad silang lumisan sakay sa kotse ni Venice kaya wala pang kinse minuto ay nakarating na sila sa bahay.

Sinalubong agad sila ng kanilang kapit-bahay.

"Naku!! Clark.. Yung nanay mo sinugod sa hospital.. Puntahan mo na dun. Si Seb andun na rin at sumama."
Nagpasalamat siya dito at wala nang sinayang na oras. Agad na silang tumungo sa sinabing hospital.

"Calm down.. Magiging maayos din ang mama mo Clark."
Venice consoled him kaya kahit papaano ay nawawala ng kaunti ang kaba sa dibdib niya.

"Nag-aalala lang ako kay mama. I was too afraid when she was in critical condition months ago. Hindi ko na yata kaya pag nangyari pa ulit yun."

Hindi niya alam kung ano na namang nangyari sa ina. Maayos naman kasi ang lagay niya nitong nakaraan kaya hindi niya talaga mapigilang mangamba sa kung ano ang nangyari dito.

"Wag kang mag-alala. Nandito lang ako sa tabi mo, Clark. I will help you and comfort you whatever happens. You are my husband after all."
Hinalikan nito ang kamay niya dahilan para lumundag ang puso niya.

He's glad he have her by his side.

"Seb nasaan si mama?"
Tanong niya agad sa kapatid ng makita ito sa lobby ng hospital. Kausap nito ang isang nurse sa information desk.

"Kuya..." Sambit nito at umiiyak na yumakap sa kanya. Hindi na niya ito makausap ng maayos dahil panay lang ang iyak nito.

"She's in the ER. Tara..."
Aya ni Venice sa kanila. Nakausap na pala nito ang nurse at natanong kung saan dinala ang nanay niya.

Naghintay pa sila ng ilang sandali sa labas ng ER bago may doctor na lumabas dito.

"Kayo ba ang pamilya ng pasyente?"
Tanong nito.

Hinarap niya ito. "Anak niya po ako. Kumusta po si mama? Ano pong nangyari sa kanya? Ayos lang ba siya?"
Sunod sunod niyang tanong na bakas ang pagkabahala. Hinagod naman ng asawa ang kaniyang likod para pakalmahin siya dahil ang totoo ay maiiyak na siya sa sobrang kaba.

"Your mother's heart is failing."
Nanlumo siya sa narinig.

"Ba-bakit? Kaka-opera lang niya. Ayos naman siya pagkatapos ng operasyon. She's healthy. Paano nangyari yun?"
Napaupo siya at napaiyak. Yumakap sa kanya ang kapatid at si Venice ay malungkot na tumingin sa kanya. Umiiyak na rin ito kaya napayakap na rin siya dito.

"It seems like her new heart is not cooperating with her body. She is suffering a rejection. And I am afraid this will result to another complication. Maaaring mag develop ito ng another chronic disease kung hindi ito agad maagapan. Pinagpauna ko na po sa inyo, this is fatal."

That Macho Dancer | CompletedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant