Chapter 18

146 9 3
                                    

...

MAGULO sa loob ng silid na iyon kung saan naroon ang kanyang ina na dinaluhan ng doctor at kasama nitong nurses.

Hindi alam ni Clark kung ano nang nangyayari sa loob. Nasa labas lamang siya habang kinakabahan at panay ang dalangin na sana mailigtas ang ina na nag-aagaw buhay.

Agad niyang nilapitan ang doctor na lumabas galing sa silid.

"Doc.. Kumusta si mama? Okay na ba siya?"

"I'm sorry Mr. Yuan. But we got a call and they said to took away the life support of your mom. We are oblige to do it since sila ang nagbabayad sa bills ng mama mo dito sa hospital."

Anger crept through his heart.
His blood boil of what he heard.

"N-NO! Bakit gagawin nila yun? Please, buhayin niyo si mama."
He's pleading but the doctor showed no concern.

"I'm sorry. We are just following an order from an important person."

Wala na siyang ibang iniisip kung sino ang may pakana nito bukod sa magulang ni Venice.

Ano pa bang kailangan nito sa kanya? Lumayo na siya kapalit ng pagpapagamot ng ina nito. At nangako siyang hindi na siya magpapakita sa anak nila dahil wala na ring rason para magkita sila. She's married and who knows what the newly weds already did this time.

He's furious yet he is ready to beg for his mother. Luluhod na sana siya sa harap ng doctor ng may malakas na nagsalita.

"Why did you stop working? BUHAYIN NIYO ANG ANAK KO KUNG HINDI TATANGGALIN KO KAYO SA HOSPITAL NA ITO AT ISUSUMPA KONG WALA NANG NI ISANG TATANGGAP SA INYO!"

It was the old lady, Demi. Hindi pa rin siya naniniwalang ito ang ina ng mama niya at heto na naman sa harap niya ang isang impormasyon.

The whole operation took almost half a day. Pero sa tagal na iyon, bigo ang lahat. Hindi na nila naisalba ang buhay ng ina.

"Time of death.. 4:13 PM."

Nag-unahang pumatak ang luha niya habang nanginginig na hinawakan ang malamig na kamay ng ina.

"Ma..."
Walang boses na tawag niya dito. Masikip ang dibdib na hinaplos niya ang mukha nito.

"Ma.. Bakit mo kami iniwan?"
Marami siyang gustong sabihin dito pero alam niyang wala na iyong silbi dahil hindi na nito maririnig ang mga iyon.

Hindi na rin niya magawang magsalita dahil sa mga hikbi.

"Clarissa... My daughter... I'm so sorry. I'm sorry.."
Nakatingin lamang siya sa matanda na nakayakap din sa kanyang ina at kagaya niya ay puno ng pagdadalamhati ang puso nito.

Marami siyang gustong itanong dito pero hindi pa niya kayang pag-usapan ang mga iyon at alam niyang may tamang oras din para pag-usapan ito. Not right now that his heart is breaking and aching too much. Ayaw niyang madagdagan ulit yun. He already had enough.

Wala na silang nagawa ng dalhin sa morgue ang katawan ng ina. Tuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha niya. Sa dami na ng kanyang naiyak, akala niya ay wala nang lalabas na luha sa mata niya pero sadyang napakarami pa nun.

"Clark..."
Nilingon niya si Granny Demi. Sa tabi nito ay ang kanyang kapatid na mugto rin ang mga mata.

"Alam kong marami akong dapat ipaliwanag sa inyo. Alam ko rin na maaaring sa ngayon ay may ideya na kayo tungkol sa akin. Aaminin kong hindi ako naging mabuting magulang. Tanggap ko rin kung may galit kayong nararamdaman sa akin. Pero sana tulutan niyo akong makabawi."

Tinitigan niya ang matanda na parang gusto niyang arukin ang isip nito.

Mahirap makipagsapalaran. Sa totoo lang, napapagod na siya sa araw araw na pakikibaka. Kaya kung ano man ang mga hinanakit niya, isasantabi na muna niya iyon. Nais rin niyang maging maayos na ang buhay nila ng kapatid niya. At nasisiguro niyang maibibigay yun ng Granny Demi.

That Macho Dancer | CompletedWhere stories live. Discover now