Chapter 15

147 9 0
                                    


⚠❌
Warning: Mature contents ahead. Read at your own risk.

...

Venice's POV.

NAKAUPO kami pareho sa sofa habang magkayakap. He keeps on caressing my hair at paminsan-minsang hinahalikan ang ulo ko.

"Bakit ka pala nandito? How's your mom?"
Lumipas muna ang ilang minutong katahimikan bago siya nagsalita.

"I've been thinking." Napatingin ako sa kanya nang nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Siguro kailangan ko nang e-let go si mama."

"What? A-anong sinasabi mo Clark?"
Napalayo ako sa kanya ng sabihin niya iyon.

"Nahihirapan na siya. She's been fighting all her life. Alam kong napapagod na rin siyang makipaglaban. And I can't bear seeing her in pain."

Saglit itong napahinto para siguro ikalma ang sarili. I saw how his chest rises and falls. I know he's just preventing himself to burst out.

"Masakit para sakin na makita siyang ngumingiti kahit alam kong nahihirapan na siya. Siguro mas mapapanatag ako kung hindi na siya mahihirapan."

Napatayo ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.

"How could you.. Paano mo nasabi yan? Are you telling me that you will let your mother die?"
Tumulo ang luha niya at sinapo ang ulo.

I heard him sob. Taas baba na ang kanyang balikat.

"Nahihirapan na din ako Venice. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Mababaliw na ako kakaisip ng paraan kung saan ako kakapit at hihingi ng tulong para ipagamot si mama. Mababaliw na ako."

Umiiyak na niyakap ko lamang siya at pilit na hinarap sa akin. I can feel his pain and I badly want to take it away from him.

"Look at me, Clark. Listen to me."
Kahit hilam sa luha ang mata ay tumitig siya sa akin.

"Accept my mom's offer. Okay? Yun lang ang tanging paraan para maipagamot ang mama mo."

Umiling siya at mas lalong napaiyak kaya maging ako ay naluluhang nakatingin sa kanya.

"Hindi... Ayaw kong malayo sayo Venice. Please, wag mong sabihin yan."
Umiling ako. I held his hand as if telling him to understand me.

"Alam ko Clark. Pero ayaw kong magsisi ka sa naging desisyon mo dahil sa akin. Alam ko kung gaano kahalaga ang mama mo para sa inyo ng kapatid mo. Kaya tanggapin mo na ang offer ni mama."

"Kahit kapalit nun ay ang paglayo ko sayo? No, Venice. Hindi ko kaya yun."
Pagmamatigas pa nito. Lalo akong napaiyak.

"At kaya mong mawala ang mama mo dahil sa akin?"

Natigilan siya ng sabihin ko yun.
I know he's contemplating. Hindi rin magiging madali sa akin kung magkakalayo kami pero hindi ko naman pwedeng hayaan na mawala ang mama niya.

Living without him will be surely hard lalo na at nagbunga na ang pagmamahalan naming dalawa pero kakayanin ko. Sacrificing will be rewarding after. Naniniwala akong hindi pa kami dito magtatapos.

"Clark, mahal kita pero sasabihin ko sayo na piliin mong mabuhay ang mama mo. Your mother had sacrificed a lot for you, para mapalaki ka. At ako, ngayon mo lang ako nakikilala. Kung mawawala ang mama mo, hindi mo na siya makikita."

Sinapo ko ang mukha niya at tumingin sa mga mata niya na walang patid pa rin ang pag-agos ng luha mula roon.

"Magkakalayo man tayo, malaki ang posibilidad na muli pa tayong magkikita Clark. I believe that we can still see each other again."

That Macho Dancer | CompletedWhere stories live. Discover now