Chapter 1

459 18 4
                                    


***

NAGPAKAWALA ng malalalim na hininga at inayos muna ni Clark ang sarili bago nagpasyang pumasok sa silid ng ina.

Mag-iisang linggo na itong nakaratay sa hospital dahil sa sakit nito sa puso.
Hindi niya alam kung magkano na ang babayaran niya pero hindi niya yun iniisip. Magagawan naman siguro niya iyon ng paraan.

Ang mahalaga lamang sa kanya ngayon  ay ang kalagayan ng kanyang ina.

"Anak..."
Tawag nito sa kanya sa nanghihinang boses ng makapasok siya sa silid.

Gusto niyang maiyak sa kalagayan nito pero naisip niyang baka malungkot lamang ito at hindi yun nakakatulong sa kalagayan nito.

He forced a smile even if it's hard to make one.

"Kumusta ka na ma?"
Ani niya sa pinasiglang boses. Parang pinilipit ang kanyang puso ng ngumiti ito na parang pinaparating na ayos lamang ito at na hindi siya dapat mag-alala.

Pero hindi lingid sa kanyang kaalaman ang kalagayan nito. In a week, kailangan na nitong maoperahan bago pa man mahuli ang lahat.

"Ang kapatid mo? Kumusta siya? Ikaw? Ayos ka lang ba? Di mo na ako dapat alalahanin Clark."
Sa halip na sumagot ay ito ang naging tugon ng kanyang ina.

"Ma.. Ayos kami ni Seb. Kami ang wag mong alalahanin. Wag kang mag-alala ma, paooperahan kita. Pangako yan."
Mahigpit ang hawak sa kamay nito na sabi niya. Hindi niya rin napigilan ang luha na tumakas sa kanyang mga mata kaya dali-dali siyang tumalikod para hindi ito makita ng ina.

"Ma.. Iiwan na muna kita. May pupuntahan lang ako."
Sabi niya na nananatiling nakatalikod. Hindi pa rin kasi tumigil ang luha niya.

"Sige anak. Mag-ingat ka."
Bumaling siya dito para makita ang nag-aalalang mukha ng ina.

"I love you ma. Gagawin ko ang lahat para gumaling ka."
Pagkuwan ay lumabas na siya ng silid at nagtungo sa Gree Club.

Ang club kung saan ipinasok siya ng kaibigang si Drake.

Isang linggo na rin mahigit ang itinagal niya dito.

Nung una ay nahihiya pa siya ngunit kalaunan ay madali niya itong nakasanayan. Malaki ang halagang ibinibigay ng mga naging customer niya na kung hindi alanganing babae ay mga matanda naman.

Hindi niya pinangarap ang ganitong uri ng pamumuhay pero para sa kanyang ina ay gagawin niya ito.

"Clark... Buti dumating ka na!"
Salubong sa kanya ni Tanya, ang nakilala niyang manager ng club na iyon. Antonio ang tunay nitong pangalan.

Giniya siya nito sa isang silid at nginitian.

"Mukhang swerte ka ngayon Clark. Anyway, pumasok ka at kakausapin ka ng isang customer natin."
Iniwan na siya nito at bago pumasok ay nagpakawala muna siya ng malalim na buntong-hininga.

Para kay mama.

"You are...?"
Nilahad niya ang kanang kamay sa harap nito at nagpakilala.

"Clark, ma'am."
Sa halip na tanggapin ang kamay niya ay tumayo ito at inikutan siya na parang sinuri.

"Not bad.."
Sabi nito at bumalik ng upo sa kung saan ito unang nakapwesto.

"Have a sit."
Umupo siya sa bahaging tinapik nito.

"Are you clean?"
Tanong nito na hindi niya alam kung paano sagutin.

Maya-maya ay tumawa ang babae.

"Kidding. Anyway, I'm here to ask for your service."

Hindi niya matukoy kung bakit napaka pormal ng tono nito kung magsalita.

That Macho Dancer | CompletedWhere stories live. Discover now