Chapter 4

259 17 1
                                    

...

HINDI alam ni Freya kung bakit sinundan niya ang binata. Siguro dahil kailangan na niyang isagawa ang kanyang naisip para makaiwas sa nais na mangyari ng kanyang magulang.

At dahil kilala niya si Clark, kahit hindi man gaanong kakilala ay sigurado na siya dito. Ibibigay niya ang kanyang tiwala sa lalaki.

Huminto siya sa kinaroroonan ng pumasok sa convenient store si Clark. Naaalala niyang bumili siya doon at si Clark ang naghatid ng mga pinamili niya sa kanyang bahay.

Ilang sandali ang lumipas nang lumabas ang binata at lumingon-lingon ito sa paligid kaya agad siyang nagtago sa punong naroon.

Pinagmasdan lang ito ni Freya.
Laglag ang balikat nito at sa wari niya ay umiiyak ang binata dahil sa minsanang pagtaas-baba ng balikat nito.

Hindi niya maiwasang tanungin ang sarili kung bakit nagkaganun ang binata.

Pinagalitan ba ito ng may-ari ng tindahan? Sinesante?

At bakit naninikip ang dibdib niya habang pinagmasadan ang anyo ng binata?

Napahinto ulit si Freya nang makitang tumigil sa tapat ng maliit na bahay ang binata.

Pinagmasdan niya rin ang buong paligid na napapalibutan ng maraming bahay na nagmumukhang skwater. Pero Hindi na niya iyon ininda. Hindi niya rin pinapansin ang mga taong nadadaanan na wagas kung makatitig sa kaniya.

"Ate.. Sino po hanap niyo?"
Nabaling ang tingin niya sa batang babae na humawak pa sa kamay niya.

Gusgusin ito pero hindi naman mabaho. At hindi rin naman siya maarteng tao kaya ayos lang sa kanya.

"Ah.. Bata, kilala mo ang nakatira dyan?"
Tinuro niya ang bahay na pinasukan ni Clark kanina. Hindi pa niya ito napansing lumabas.

"Ahh.. Kina kuya Dem po at yung cute na krass ko. Hehe!"
Napangiti siya sa inakto ng bata.

"Cute na krass mo? Sino ba yun?"
Hindi niya mapigil ang kuryusidad.

May anak na kaya si Clark?

"Yung kapatid po ni kuya Dem. Krass ko yun ate. Hehe." Ngiti ulit nito Pero napalitan ng lungkot ang mukha ng bata kaya nagtaka siya.

"Pero kawawa po si krass. Nasa hospital po kasi mama niya. May sakit daw sa puso ate."

Sa sinabing iyon ng batang kausap ay napagtanto ni Freya ang kung ano mang dahilan para maging ganun si Clark.

She feel pity for him---

"Bakit ka nandito?"
Nagulat siya ng may malakas na braso ang humila sa kanya.

"Kuya Dem! Pasabi kay krass aylabyu. Hehe!"
Tumakbo ang bata kaya silang dalawa nalang ang naiwan.

"Ano ba!? Masakit yung hawak mo."
Reklamo niya dahil sa higpit ng hawak nito sa braso niya. Tingin niya ay magkakapasa ito paglaon.

"Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?"
Naiiyak siya sa tono ng pananalita nito pero pinipigilan niya iyon.

"Ano naman kung sinusundan kita?"

"Para ano? Para ipamukha na naman sa akin kung gaano ako kababang tao?"

Napasinghap siya sa narinig. Hanggang ngayon ay di pa pala nito nakalimutan ang kanyang sinabi.

"Okay! I'm sorry. Hindi ko sinasadya yun. Hindi kita kilala at maling husgahan ko ang pagkatao mo."
Hindi umimik ang binata. Binitawan lang siya nito at nauna ng maglakad palayo.

"Umuwi ka na kung ayaw mong mapahamak dito."

Nilingon ni Freya ang paligid at kinilabutan siya sa paraan ng tingin ng mga lalaking tambay na naroon kaya napatakbo na lamang siya palapit kay Clark na napakabilis kung maglakad.

That Macho Dancer | CompletedWhere stories live. Discover now