Chapter 11

176 11 3
                                    

...

SAGLIT na nagkatitigan sina Clark at Venice na parehong gulantang ng makita ang isa't-isa.
Hindi nila inaasahan na magkita sila doon sa mansion.

"C-clark? A-anong ginagawa mo dito?"
Nag-aalalang tanong ni Venice sa binata. Naaalala parin kasi niya ang nangyari nung nakaraan nung minsan niyang isama ang binata at ipakilala sa kanyang ina bilang nobyo niya at hindi maganda ang nagiging kalabasan noon.

"Venice.. Nandito ka pala.."
Taliwas sa ekspresyon niya, ngumiti ng matamis sa kanya ang binata pero napawi agad iyon ng marinig nila ang boses ng kanyang ina.

"Freya? What are you doing here outside?"
Lumapit ito sa kanila at tumaas ang kilay nang masilayan ang dumating.

"Pumasok ka na Freya. I already choosen your gown design. Susukatan ka na ni Jellian."
Pinandilatan pa siya nito nung hindi siya gumalaw kaya kahit nag-aalangan man ay pumasok na siya at iniwan ang dalawa.

Hindi naman niya mapigilang mag-alala.

Naitanong niya rin sa isip kung bakit napadpad sa mansion nila si Clark gayong wala naman siyang sinabi tungkol dito. Siguro ang ina niya ang may pakana noon. Ang tanong niya, bakit? Anong binabalak nito?

"Oh, halika na hija. I will get your body measurement na."
Ngumiti sa kanya ang designer at sinimulan na siyang sukatan.
Nasa loob sila ng kaniyang silid dito sa mansion at tanging silang dalawa lang ang nandoon.

Habang sinusukatan ay naglalakbay ang kanyang isip at naiwan yata sa labas ng kanilang mansion.

Ano na kaya ang nangyari kay Clark? What did mom do to him?

"You alright?"
Napukaw ang kanyang malalim na pag-iisip nang tanungin siya ni Jellian. Tumingin siya dito at mahinang ngumiti.

“Umm.. I’m sorry about what I said earlier.”
Ngumiti lamang siya dito at mahinang tumango ibig sabihin ay wala lang yun sa kanya.

“Nakita ko kayong nagtalo ni Erwin kanina.” Saad nito at tumigil sa ginagawa tsaka humarap sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. “Being in a force marriage really sucks. Napagdaanan ko na din kasi yan.”
Napatingin siya dito dahil sa sinabi nito.

“You mean?”

“Kapag mayaman, o di kaya may malaking kompanya na hinahawakan ang mga magulang mo, hindi na bagong bagay na ipagkasundo yung mga anak sa anak ng mga kasosyo nila. Or worst, sa mismong kasosyo nila na matatanda na.”
Nakita niya ang pag guhit ng sakit sa mga mata ng kaharap ngunit saglit lamang iyon.

“Anong ibig mong sabihin?”
She asked curiously. Tama ba ang kanyang naiisip tungkol sa sinabi nito?

“Maswerte ka parin kay Erwin. He’s good looking. Young and fresh. Matutunan mo rin siyang mahalin.”
Kumunot ang kanyang noo at binawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito.

“You don’t know what you are talking about.”
Singhal niya dito. Kailanman hindi swerte na si Erwin ang magiging asawa niya. Ang totoo, magiging kawawa lamang siya kapag natuloy ang kanilang kasal.

“Wag kang gagawa ng desisyon na hindi mo pinag-isipang mabuti. Think about it multiple times. Yan lang ang tanging maipapayo ko sayo.”
Ngumiti ito sa kanya bago ito lumabas sa silid. Naiwan siyang tulala sa loob at nag-isip ng malalim.

That Macho Dancer | CompletedWhere stories live. Discover now