Chapter 29

137 9 1
                                    


...

BAGSAK ang balikat, mugto ang mga mata. Ilang oras na ang nakalipas pero hindi parin maampat ang mga luha sa kanyang mga mata.

"I..I'm s-sorry. P-patawarin mo a-ako anak. Sorry son. S-sorry for disappointing you. I..I'm sorry I wasn't good enough to s-save you. I'm sorry."

Paulit-ulit ang mga katagang iyon na lumalabas sa bibig niya habang yakap ang malamig na katawan ng anak. Buong higpit niya itong yakap. Pinipisil ang mga kamay nito at hinahaplos ang mukha.

Umaasa siya sa isang himala na bubukas ang mga mata nito at lalabas ang mga salita mula sa bibig nito. Pero ilang oras na ang nakalipas ay walang pagbabago. Nakapikit pa rin ito. Sarado ang bibig na naka kurba animo ay nakangiti.

"How can you smile like that, Clavine even after I failed you? How can you smile while I am breaking and bleeding so much? H-how can you smile as if leaving me, and your mom is a good thing?"

Kausap niya dito, taglay ang pag-asa na sasagutin siya nito.

He's very disappointed to himself. He hated himself. He hated that he save other people but failed to save his own son.

"C-clavine. W-why too s-soon? A-ayaw mo ba akong makasama? D-did you hate me that much to l-leave me? I'm sorry I wasn't by your side for too long. Pero b-bakit ngayong andito na ako, i-ikaw naman ang mawawala?"

Tears keep on streaming in his face. Mahigpit ang hawak niya sa kamay nito habang nakadantay ang kanyang ulo sa dibdib nito. Hoping that it would beat again. Hoping that the little hands he's holding will become warm again.

As he close his eyes, the memories of his last conversation with his son resurfaced on his mind.

"Papa..."
Nilapitan niya ang anak na nakahiga sa hospital bed. Mapungay ang mata nito at mahina lamang ang boses. Bagaman ay nakangiti ito sa kanya.

Dalawang oras nalang ang naiwan bago isagawa ang operasyon nito kaya nandito siya para samahan ito. Saglit din kasing lumabas ang kanyang asawa kaya silang dalawa nalang ang nasa silid.

Umupo siya sa tabi nito. Agad namang kinuha ng anak niya ang kanyang kamay.

"Papa, salamat at nandito ka na. Thank you at dininig ni God ang panalangin ko na makita at makilala na muna kita bago ako pumunta sa Kanya."
Sa di malamang kadahilan ay nanikip ang dibdib niya sa tinuran nito.

That Macho Dancer | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon