Chapter 21

137 10 6
                                    


...

PABAGSAK na humiga si Clark sa malambot na kama. Agad niyang ipinikit ang mga mata dahil sa hapong naramdaman sa buong araw na paggawa. May dalawa siyang operasyon na isinagawa nitong araw at lahat ay parehong inabot nang halos anim na oras.

Kaya talagang kailangan niya ang pahinga. Sa pagpikit ng mata ay hindi na naman niya napigilan ang pagdaloy ng mga alaala sampung taon na ang nakaraan.

All the memories he had with Venice felt like it just happened yesterday. Sa paglipas ng mga taon ay nanatiling sariwa parin iyon sa isipan niya.

Ibinuka niya ang mga mata at itinaas ang kamay kung saan nakasuot ang singsing nila na hindi niya alam kung hanggang ngayon, suot pa rin ba ito ng asawa- o asawa pa ba kung tatawagin niya ito? Ang alam niya ay kasal na ito sa iba.

Pinipilit na niya ang sarili na ibaon ito sa limot at subukang ituon ang atensyon niya sa iba pero hindi niya iyon magagawa. Palaging may bahagi ng isip at puso niya na pumipigil sa kanya.

Tumayo siya mula sa kama at tinungo ang closet na nasa kanang bahagi ng kanyang sariling silid.

Binuksan niya ang drawer noon at hinugot ang isang kayumangging folder na sampung taon na rin niyang tinatago.

Napabuntong-hininga siya habang pinagmasdan ang laman nito habang nakasandal sa paanan ng kanyang kama.

Kagaya ng singsing na suot niya, isa rin ito sa pinanghahawakan niya kung kaya't hanggang ngayon ay hindi niya magawang ibaling sa iba ang atensyon niya. At hindi man kapani-paniwala ay pati ang puso niya, patuloy parin na tumitibok para dito.

Pinagmasdan niya ang hawak na papel. Nakuha niya ito sa PSA ng matapos na mailibing ang ina.

Hindi niya pa nga inakalang tunay na naka-rehistro ang kasal nila.

Para sa kanya, asawa parin siya at asawa pa rin niya si Venice.

Nabaling ang kanyang atensyon sa pinto ng kanyang silid ng makarinig ng marahang pagkatok mula roon. Bumukas iyon at sumilip ang nakababata niyang kapatid.

"Oh, Seb? Pasok ka."
Aya niya dito. Sumunod naman ito at umupo sa kama niya. Umayos naman siya ng upo at tinabihan ito.

"Kamusta ang pasok?"
Tanong niya dito at inakbayan ang kapatid.

"Ayos lang. Ikaw kuya, kumusta sa hospital?"
Tanong nito pero ang mga mata ay nakatingin sa hawak-hawak niyang dokumento. "I see. Di ka pa naka move on?"

Umiling lamang siya at tinapik ito sa balikat. "Trust me when I say it's hard to move on." Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "I really tried my best to forget her. Pero di ko magawa eh. I'm still holding on kahit alam kong may iba na siya. I don't know but everytime I look at the others, I felt like I betrayed her."

"10 years na din yun, kuya. Malay natin, may anak na pala yun sa asawa niya. Habang siya nagpapakasaya, ikaw, eto. Still stuck."

Pain attacked his heart dahil sa sinabi nang kapatid. Pero hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon, mas pipiliin niyang masaktan kesa kalimutan si Venice.

"Let's not talk about it." Aniya at tumayo para ibalik ang dokumentong hawak sa closet niya.

"Nga pala kuya, 10th death anniversary na ni mama sa makalawa. Anong plano?"
Muntik na din niyang nakalimutan iyon. Sampung taon na din pala mula ng iniwan sila nito nung hindi naging matagumpay ang operasyon nito. Kaya heto siya ngayon, isa ng magaling na heart surgeon. Yun ang pinakadahilan kung bakit gusto niyang maging matagumpay sa kurso na ito.

That Macho Dancer | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon