Chapter 23

152 11 5
                                    


...

KINABUKASAN, maagang nagtungo si Freya sa kanilang mansyon. Kahit marami ng pagbabago sa lugar ay hindi naman siya naligaw at agad nakarating doon.

Abot-abot ang kaba niya habang nakatayo sa harap ng gate ng mansyon. Nag-aalangan pa kung pipindutin ba ang doorbell noon o hindi.

Ilang minuto rin ang lumipas bago siya nagkaroon ng lakas ng loob para mag doorbell. Ilang sandali pa ay bumukas ang gate at sinalubong siya ng isa sa katulong na kunot ang noong nakatingin sa kanya.

"Sino ho sila? Ano ho ang kailangan nila?"
Tanong nito sa kanya.
Kung hindi siya nagkakamali ay si Dina ito na katulong ng kanyang mga magulang. Huling kita niya rito ay noong kasal niya at hindi pa ito ganun katanda pero ngayon ay marami na itong puting buhok.

"Nang, ako po to. Si Freya."
Ngiting ani niya at sinuri naman siya nito saka lang siya nakilala.

"Freya?! Halika pasok. Tiyak matutuwa ang mama at papa mo."
Bakas ang saya sa boses nito habang inakay siya paloob sa mansyon.

"Naku kang bata ka! Saan ka ba galing at ngayon ka lang bumalik? Alam mo ba kung gaanong pag-aalala namin sa iyo nung bigla kang nawala sa kasal mo?"
Daldal nito sa kanya habang papasok palang sa kabahayan.

"Hayaan niyo na po nang Dina. Matagal na din yun. At ayos naman ako."
Nakangiti ngunit may pait na sabi niya rito. Marahil ay wala naman yata itong alam sa talagang nangyari sa kaniya.

"Saan ka ba kasi galing hija at ngayon ka lang bumalik?"
Ngumiti lang siya dito ng malingunan siya ng katulong ay hindi na niya sinagot.

Tama namang nasa salas na sila ng mansyon at kita na niya ang kanyang ina na nakatalikod mula sa kanya habang hawak ang dyaryo.

"Nang, ako na po dito. Salamat sa paghatid sa akin."
Nakangiting tumango lang ang katulong saka siya iniwan nito.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga at unti-unting inihakbang ang mga paa para makalapit sa kanyang ina.

Sampung taon na rin mula ng huli niya itong makita. Pero nung nakaraan ay palagi na niya itong nakakausap sa telepono at panay ang hingi ng mga ito ng paumanhin sa kanya at pinpilit siyang bumalik sa mansyon.

Ngayon lang niya napaunlakan ang pakikiusap ng magulang dahil may kinalaman sa bahay niya ang pag-uusapan nila. Kahit papaano ay ayaw niyang basta-basta nalang mawala ang bahay na iyon na saksi sa mga alaalang hindi niya malilimutan.

Tumikhim siya ng sa wakas ay nasa harap na siya ng ina na natatakpan ng dyaryo ang mukha.

"Anong kailangan mo, manang?"
Sabi pa nito na hindi man lang nag-abalang tingnan siya. Kaya tumikhim siya ulit at ibinuka ang bibig.

"M-mommy.."
Mahinang sambit niya dahilan para unti-unting mag-angat ng tingin ang ina sa kanya.

Agad nanubig ang mga mata nito ng masilayan siya at ilang sandali lang ay nasa mga bisig na siya nito.

"Oh, God! My Freya. I miss you so much."
Madamdamin na sabi nito at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya.

Maya-maya ay kumalas ito para titigan siya tsaka marahang hinaplos ang kanyang mukha.

"How are you?"
Unang tanong na lumabas sa mga bibig nito. "I'm sorry for what we did way back."
Muli na naman itong naluha kaya niyakap na rin niya ito.

Kahit pa may pagtatampo siya sa mga magulang ay hindi niya parin maaalis sa kanya ang pangungulila rito. Kahit ano pa man ang kasalanan nito ay utang niya parin sa mga magulang ang buhay niya.

That Macho Dancer | CompletedWhere stories live. Discover now