Chapter 5

262 15 2
                                    


...

PUMASOK si Freya sa loob ng isang magarang restaurant. Kanina ay tumawag ang mga magulang niya at pinagmadali pa siya nito.

Nais pa sana niyang manatili sa hospital kung saan inooperahan ang ina ng magkapatid na Seb at Clark pero kailangan niyang umalis.

Kumusta na kaya ang ginang? Sana successful ang operasyon.

Isa sa nakapagpaantig sa kanya ay ang kapatid ni Clark. Umiiyak ito habang nagkukwento at hindi niya mapigilang maawa sa bata.

Mayaman naman siya kaya hindi mabigat para sa kanya ang pagtulong dito. At isa pa, may hihingin din naman siyang kapalit kay Clark at siguradong hindi na ito tatanggi.

Sa may dulong bahagi ay nakita ni Freya ang ama at ina na kumaway sa kanya. Lumapit siya agad at humalik sa mag-asawa.

"What took you so long, Freya?"
Kunot ang noo na tanong sa kanya ng ina.

"Sorry mom. Traffic kasi."
Pagdadahilan niya pero ang totoo ay sinadya niyang bagalan ang takbo ng sasakyan para hindi agad umabot.

"The Bank called. You spent almost half a million. Para saan yun Venice?"
Nilingon niya ang ama na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya.

"Do you have to know?"
Ngali-ngaling sampalin siya ng ama kung hindi lang dahil sa hula niya ay mag-asawa na dumating.

"Mr. and Mrs. Vergara. It's good to see you. And ito na ba yung magiging asawa ng anak namin?"
Matamis na ngumiti sa kanya ang mag-asawa ngunit pekeng ngiti ang iginanti niya rito.

Damn it! Kung alam ko lang na sila ang kikitain pala namin, sana di nalang ako pumunta pa.

"Have a sit Mr. and Mrs. dela Cruz. And by the way, where's your son?"

"He's on the way. He'll be here any minute."
Nagsiupuan na sila at nag tawag ng waiter para umorder.

Nawala ang atensyon niya sa lahat ng bagay. Gusto na niyang makaalis doon. Kahit kailan, ayaw niya sa ideyang ipapakasal siya sa kung sinong hindi niya kilala at lalong hindi niya minahal.

Goddamnit!! Kailangan ko na talagang kausapin si Clark tungkol sa plano ko.

"How about we'll schedule the wedding next month?"
Nasamid si Freya sa sinabi ng ginang na kaharap nila.

"What the fuck?"
Komento niya kaya masamang tinapunan siya ng tingin ng mga magulang samantalang tumawa lang ang dalawang kausap.

"Nabigla yata ang anak niyo. Anyway hija, you have nothing to worry about. Kami na ang bahala sa lahat."

What the fuck!? Wala akong pakealam kahit ako pa ang aasikaso sa kasal na yan. Yun ay kung gusto kong makasal.

Damn it! I only have a month.

Hindi na umimik ang dalaga hanggang sa natapos ang dinner.

That Macho Dancer | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon