Chapter 27

150 12 4
                                    


Warning: Matured contents ahead.
Read at your own risk.

...

SALUBONG ang kilay na binuksan ni Venice ang pinto ng bahay. Mas nagkasalubong pa ito ng masilayan ang nasa labas noon.

"Bakit ka nandito?"
Walang emosyong tanong niya dito. Makulimlim na at nagbabadya ang ulan sa kalangitan.

"Let's talk."
Diretsong sabi nito at ipinasok ang sarili sa awang ng pinto. Seryoso ang mga tingin na ipinukol nito sa kanya pero bukod doon, nababasa niya rin doon ang desperasyon.

"Gabi na. Umuwi ka na Clark."
Pagtataboy niya rito habang nilakihan ang bukas ng pinto.

"I said let's talk, Venice. Bakit mo ba ako pinapaalis?"
Impit na sambit nito wari ay nagpipigil lang na bulyawan siya. Tumikwas ang kanyang kilay.

"Bakit ka pa pumunta dito? Bakit mo iniwan ang asawa mo doon sa bahay mo?"
Kunot ang noo na tumingin ito sa kaniya. Tumawa ito ng mapakla at ginulo ang sariling buhok.

Malalim rin ang pinakawalan nitong hininga bago siya nito hinawakan sa magkabilang balikat at hinuli ang kanyang paningin.

"My wife is here. Kaya nga nandito ako. Ano ba yang pinagsasabi mo, wife?"
May diin ngunit malambing na sabi nito sa kanya pero nagpupuyos pa rin ang kanyang kalooban.

Way back when she's still pregnant with Clavine, she called him on the phone at babae ang nakasagot nito. Marahil ay ito nga yung babae na dumating kanina. And for Pete's sake, buntis ito. And Clark just call her "baby" while the woman called her "husband" honey.

Ano pa ba marahil ang iisipin niya? Of course, Clark is a healthy man. A husband material. Palibhasa puro lang kasinungalingan ang sinabi nito sa kanya. At siya naman itong si tanga na agad agad naniwala dahil mahal niya parin ang asawa. Mahal na mahal that it pains her knowing that he has another family to take care of.

"Stop with all your lies, Clark. Umuwi ka na. At please, ayaw kong makagulo sa pamilya mo kaya kung pwede lang, wag ka nang magpakita sa akin."

Pinalis niya ang mga kamay nito sa balikat niya pero lumipat lang ang mga ito sa bewang niya at mahigpit na niyakap siya nito.

Kahit magpumiglas siya ay mas lalo lamang siya nitong ikinukulong sa mga bisig ng lalaki.

"Ano ba Clark?"
Reklamo niya at pilit na kumawala dito. Ang kaninang namuong luha sa mga mata ay nagsisipatakan na.

Akala niya pagkatapos ng ilang taong paghihintay, makakamit na niya ang kasiyahan. Akala niya matutupad na ang kanyang pinaniniwalaan na magkikita silang muli at magiging masayang pamilya. Lahat pala ng iyon ay puro akala lang.

Dahil ang totoo, hindi naman talaga sila itinadhana para sa isa't isa.

They are both lead characters, a leading lady and a leading man. But they don't share the same story.

"You're a psychologist, Venice. Pero bakit di mo ko kayang basahin?"
Napipilan siya sa sinabi nito. Natigil siya sa pagpumiglas. Maging yung mga luha niya ay parang nahiya at kusang tumigil.

Wala siyang makapang salita na sasabihin.

He's right. Bakit pagdating sa pag-ibig, kailangang maging bobo?

"Let's talk, okay? I think you misunderstood everything."
Ani nito habang matiim na nakatingin sa kanya.

"Papa..."
Sabay silang napalingon ng lumabas mula sa isang pinto si Clavine. Nakangiti ito at agad na lumapit kay Clark saka yumakap sa bewang nito.

That Macho Dancer | CompletedWhere stories live. Discover now